Pechay
CHAPTER 1
PEACHAY POV
“Pechay po kayo diyan! Subrang fresh ng pechay ko, bagong ligo po ito!”
San Miguel Public Market.
Alas-sais pa lang ng umaga pero parang EDSA na ang pila sa harap ng puwesto ko. Ewan ko ba, siguro dahil sa pangarap kong maging Miss Universe, pero na-short ako sa height, kaya tindera na lang ako ng pechay. At hindi basta pechay ha? Certified Fresh Pechay direkta galing sa Bukid ni namin may luha pa ng hamog!
Nakasuot ako ng apron na may burda ng:
“Magpakasaya sa Pechay ni Peachay”
Custom-made yan, ha? Galing Divisoria, pero imported ang confidence ko.
“Pechay po kayo diyan! Bagong ligo! Mura lang! Kung bibili po kayo, naku, baka hindi na kayo makatulog kakaisip sa sarap ng pechay ko!”
“Hoy, Peachay! Pabili nga ng dalawang kilo, ‘wag mo lang akong haranahin sa gitna ng palengke!” sigaw ni Aling Baby, na may mister na may blood pressure mas mataas pa sa presyo ng sibuyas.
“Ay grabe, Aling Baby, sure po kayo dalawang kilo lang? Hindi po ba kayo nabibitin?” sabay kindat ko. “Alam mo naman ang pechay ko malutong, mapusok, at may konting kilig!”
Napatawa si Aling Baby habang kinikilig si Manong Isko sa tabi niya. “Aba, baka ako'y ma-in love sa pechay mo, Peachay,” bulong ni Manong na parang tinubuan ng abs dahil sa kakatawa.
“Manong, libre tikim pero bawal hawakan! Hahahaha! Gusto mo pa po ng sili? Para mas spicy ang buhay n’yo!”
Alas-siete na. Pinagpapawisan na ang pechay ko este, ako pala. Araw-araw ganito. Ako ang Reyna ng Gulay sa San Miguel Market. At ang corona ko? Isang headband na may pechay leaf design para aesthetic. Instagrammable, besh!
“Peachay!” tawag ni Tetay, ang tsismosa ng palengke.
“Yoohoo! May bagong scoop?” tanong ko habang inaayos ang tumpok ng pechay.
“Grabe, girl! Si Aling Nora, nadapa sa tapat ng karinderya ni Mang Domeng! Ang sabi nadulas daw sa tinolang may toyo!”
“Tinola na may toyo? Baka sinumpa ‘yon! Or worse fusion cuisine gone wrong!”
Tawang-tawa na kami. Ganito araw-araw. Palengke, tsismis, tinda. Pero alam mo? Masaya ako. Kasi kahit wala akong boyfriend, wala akong jowa, at wala rin akong savings (char), marami akong pechay… at marunong akong gamitin ito!
Pumasok si Glo, ang bagets na suki ko.
“Miss Peachay! May pechay pa po ba kayo? Yung fresh, please!”
“Fresh? Girl, ito ‘yun! Bagong ligo! Saka pag ito ang ginamit mo sa nilaga mo, maloloka ang buong barangay!”
Napanganga si Glo. “Gosh, ang firm! Pwede ko bang i-post sa IG?”
“Ganda ng caption mo ha #PeachaysPechayChallenge! Post mo, tag mo ako, para may discount next time!”
Dumaan naman si Mang Tonyo, amoy gin pero may charm pa rin. “Peachay, may malambot ka ba riyan?”
“Nako, Mang Tonyo, ang pechay ko po hindi malambot firm and juicy po, pangmatagalan!”
“Edi wow! Pwedeng pang-forever?”
“Tanging pechay lang po ang hindi nananakit. Pero ingat po kayo ha, baka maadik kayo!”
Mga alas-nuwebe, dumami na ang tao. Parang may parade. Ewan ko ba kung anong meron, pero ang pechay ko, trending na yata.
“Miss Peachay!” sigaw ng estudyanteng si Arnold. “Ako na pong bahala sa pagbabalot ng pechay n’yo!”
“Oo nga pala, may OJT ka ngayon sa Market Studies!” sagot ko. “Sige, pero huwag mo akong lolokohin ha? Baka iba ang mabalot mo!”
Napahawak siya sa dibdib niya. “Promise, Miss Peachay! Dito lang po ako sa pechay n’yo nakatikim ng tunay na ligaya!”
Ako naman, nakatitig sa kanya sabay tili, “Ayyy, Arnold! Bata ka pa! Mag-aral ka muna! Ang pechay, pang-mature lang!”
Tawanan lahat ng nasa paligid. Si Kuya Fishball nga, muntik nang malaglag ang fishball sa mantika sa kakatawa.
Sa kalagitnaan ng pagtitinda ko, may lumapit na matanda. Suot niya ay salamin na parang pang-professor. May hawak siyang notebook at lapis.
“Excuse me po. Ako po si Dr. Eugenio, sociologist. May survey lang po ako tungkol sa mga tindera sa palengke.”
Siyempre, straight face ako.
“Survey ba kamo? Go po, basta huwag lang math!”
“Bakit po kayo nagtitinda ng pechay?”
“Para po hindi ako nagtitinda ng sarili kong kalungkutan, Doc. Dito po ako masaya. At saka, may advocacy ako.”
“Advocacy?”
“Opo. Gusto ko pong ipromote ang self-love at veggie appreciation. Kailangan nating alagaan ang ating pechay literal at metaphorical.”
Napakunot-noo si Doc.
“Ah… okay po. Iba po kayo, Ms. Peachay.”
“Doc, tandaan mo ‘yan hindi lahat ng berdeng dahon ay malungkot… minsan, masaya pa’t makatas!”
Tanghali na. Pawis na pawis na ang aking noo, pati kilikili ko ay parang may swimming pool. Pero go lang! Kasi bawat bentang pechay, may kasamang tawa.
Pumunta ako sa gilid para uminom ng tubig, pero hindi pa rin ako pinatahimik ng mga mamimili.
“Peachay! Pahingi naman ng recipe para sa ginisang pechay!”
“Naku, ito ang sikreto: bawang, sibuyas, konting toyo, konting pagmamahal, at isang sulyap kay crush habang naggigisa! Pag ganyan, kahit walang karne, may kilig!”
“Oy, wala kang jowa diba?” tanong ni Marites, ang ultimate chismosa ng palengke.
“Wala nga. Pero hindi ko kailangan ng jowa, may pechay ako. Hindi ako nauubusan ng love!”
“Ewan ko sa’yo, girl! Pero ang saya mo, parang wala kang problema!”
“Meron. Hindi ko mahanap yung takip ng lalagyan ko ng suka.”
Bago ako magsara ng puwesto, may lumapit na bata.
“Ate Peachay… pa-picture po.”
“Sure! Smile tayo ha? Sabihin mo: Pechaaaay!”
Click.
“Salamat po! Ang saya saya n’yo po palagi!”
Napangiti ako. Kasi kahit pagod na ako, kahit amoy pechay na ang buong katawan ko, kahit magaspang na ang palad ko masaya ako.
Kasi dito sa San Miguel, ako si Peachay. Babaeng may pechay na hindi lang paninda, kundi simbolo ng kalayaan, katatawanan, at kagandahan ng simpleng buhay.
Sa paglubog ng araw, binilang ko ang kinita ko.
“Ahh… sapat na ‘to. May pang-ulam na, may pang-kuryente, at may pang-kape na ako bukas!”
Niligpit ko ang mga natitirang pechay, nilagyan ng yelo para stay fresh hanggang bukas.
“Bukas ulit, Peachay. Ipagpatuloy ang misyon ang misyon ng malusog, masaya, at makatas na buhay!”
Sabay tawa, sabay sayaw, sabay kanta ng theme song ko:
🎶 “Sa pechay ni Peachay, lahat ay happy… kahit wala kang love life, basta may gulay!” 🎶