Free Taste

1875 Words
CHAPTER 2 Third Person POV Sa umaga’y Reyna ng Palengke, sa bahay… simpleng anak ni Mama Venna at Papa Asherit si Peachay Salazar na may specialty sa pag-arte na parang pang-Broadway habang kumakanta ng sarili niyang jingle. 🎶 “Sa pechay ni Peachay, hindi ka magugutom... kahit walang jowa, basta may kangkong at toyo...” 🎶 Habang nakapamewang, may hawak na kutsara, at naka-bun ang buhok (na parang may karayom), nagpaikot-ikot si Peachay sa maliit nilang sala habang kumakanta. Akala mo concert. Akala mo may audience. Akala mo nasa The Voice—pero wala. Sarili lang niyang anino sa pader ang tumitili para sa kanya. "PEEEECHAAAAY!" sigaw mula sa kusina. Si Mama Venna, master chef sa bahay, general manager ng ulam, at DIY dietician ng pamilya. “KAKAIN NA!” Tumigil si Peachay sa pag-indak. “Ayyy wait lang Ma! 'Yung performance ko, hindi pa tapos!” “Anak, tapusin mo na ‘yan. Gutom na kami ni Papa mo. Kung gusto mong ma-feature sa TV, ‘wag dito sa sala! Dun ka sa Wowowin!” Suminghot ng hangin si Peachay. Amoy pechay… amoy bahay… at amoy adobong pechay na naman?! Pagdating sa hapag, nakaupo na si Papa Asherit, naglalambing habang sinusubuan ng pechay si Mama Venna. “Oyy! Oyy! OYY!” sigaw ni Peachay habang nilalapag ang baso ng tubig. “Ano ‘to?! Family dinner o Rated SPG?!” “Anak, ‘wag ka nga KJ,” sabay subo ni Papa ng nilagang pechay. “Malambot 'to oh. Gusto mong tikman?” “PAPA!!!” sigaw ni Peachay habang tinatapon ang isang pink teddy bear na ginagamit niyang unan tuwing PMS season. Tumama ito sa noo ni Papa. PLOK! “Araay naman, Peachay! Naglalambing lang kami ng mama mo! Ngayon lang kami nagka-privacy, tapos ikaw ang spoiler!” “Aba eh nilalanggam na kayo riyan eh! Hindi na po ito bahay Candy Crush na!” Tumakbo si Peachay paakyat ng hagdan, sumisigaw, “NAHULOG NA PO ANG LALAKI SA PECHAY NG NANAY KO! BAWAL YAN, MA!” Sa loob ng kwarto niya, nagtatampisaw siya sa drama. Humiga siya sa kama habang yakap ang parehong teddy bear at punda. “Bakit ganun?” bulong niya. “Ako ‘tong may best-selling pechay sa buong barangay… pero si Mama pa rin ang may love life?! Ako na lang walang ka-lambing sa hapag?” Sumilip si Mama sa pinto. “Anak… kain na. Ayoko namang malamig ang pechay sa’yo.” “Ayoko po. Gusto ko po spaghetti! Ayoko ng pechay, araw-araw pechay, sa palengke, sa ulam, sa kwento ng buhay ko lahat pechay!” “Eh 'yun lang kaya afford natin, ‘nak. Tsaka… may vitamins yan!” Napabuntong-hininga si Peachay. “Ma, puwede ba tayong mag-adopt ng ibang gulay? Gusto ko ng talong minsan. Para lang maiba.” Napatawa si Mama. “Ang talong anak, sa tamang panahon… at sa tamang kamay.” “Ayy grabe Ma! Bastos!” “Ang bastos ay depende sa utak, Peachay.” “Sa utak? Edi okay… edi wow…” Kinabukasan, gumising si Peachay ng alas-singko ng umaga. Pagbaba niya, may kakaibang amoy sa kusina. Sniff. Sniff. “Wait… this is not pechay…” Nakasalampak si Papa Asherit sa lamesa, may hawak na wok, habang nagpapakulo ng… itlog? “Pa! Bakit itlog niluluto n’yo? Wala bang pechay?” “Anak, binigyan tayo ng kapitbahay natin. Para naman daw maiba!” “YES! Finally! Wala munang pechay ngayon! It's egg day, baby!” Pumasok si Mama Venna na naka-hairnet pa. “Oy, oy, oy! Baka mamaya masanay kayo sa itlog! ‘Wag ganyan!” Napatingin si Peachay. “Ma, ‘wag mo pong guluhin ang moment ko. Itlog lang ‘to, hindi kasalanan!” Pero kahit excited si Peachay, hindi pa rin siya makagalaw nang buo. Pakiramdam niya… may kulang. “Bakit parang… incomplete pa rin?” Napatingin siya sa ref. Binuksan niya. At doon… nakita niya ang isang bundle ng pechay na nilalanggam sa gilid dahil naiwan kagabi. Tumulo ang luha ni Peachay. “Ikaw nga talaga ang tunay kong kasama sa lahat…” Pagdating sa palengke, parang may parade ulit. May banderitas, may mascot, at may libreng lobo. Pero walang campaign, walang fiesta. Bakit? Lumapit si Tetay. “Girl! Merong Mr. Gulay 2025 Search for the Palengke Prince!” “HAAAH?! May pa-pageant ang mga nagtitinda ng gulay?!” “Oo! At ang prize… five thousand pesos at two sacks of rice!” Tumayo si Peachay sa ibabaw ng upuan, sumigaw: “Maghanda na kayo! Ako ang magiging host ng pageant na ‘to! Peachay presents… Gulay Mo, Prince Ko!” Kinahapunan, ginanap ang munting pageant sa gilid ng palengke. May mga contestant: Si Mang Rodel, tagatinda ng talong (may dalang sakong purple balloons) Si Boy Kalabasa (na may bitbit na pumpkin mask) At si Lando, ang poging nagtutulak ng kariton, ang “lettuce boy next door” “Question number one!” sigaw ni Peachay. “If you were a vegetable, what would you be… and why?” Sumagot si Lando: “Gusto ko pong maging pechay. Kasi kahit simple siya, siya ang nagpapasarap sa kahit anong putahe.” Tila may kilig na dumampi sa mukha ni Peachay… pero saglit lang naalala niya, bawal ang male lead sa buhay niya. Kaya sigaw niya, “Judges?! DISQUALIFIED! Bawal ang bolero dito!” Pagtapos ng event, habang nagliligpit ng gulay, napaupo si Peachay. Napatingin siya sa langit. “Salamat Lord… sa pechay, sa tawanan, sa itlog, sa pageant… sa pamilya kong sweet, kahit minsan nakaka-high blood. At higit sa lahat, salamat sa kakayahang tumawa… kahit wala pa rin akong love life.” At habang kumakain ng mainit na nilagang pechay, na may sabaw na parang yakap ni Mama, napaisip siya: “Baka hindi ko pa talaga kailangan ng jowa. Kasi sa ngayon… sapat na ang may masarap na ulam, masayang pamilya, at isang pechay na hindi lang fresh kundi legendary.” Pagkatapos lumafang ng nilagang pechay at konting itlog yes, itlog talaga at wala kang malisya ha humugot ng hininga si Peachay. Lumabas siya ng bahay na parang contestant sa Drag Race, ready na ready muling rumampa sa palengke. Bitbit ang kanyang plastik na tray na may nakasalansang mga pechay na kasing-fresh ng ligo ni Marian Rivera, sumigaw siya ng buong lakas: “🎤 PECHAY KAYO DIYAN! FREE TASTE PO ANG PECHAY KO! BAGONG LIGO! BAGONG HUBAD SA DAHON! PECHAY NA MALASA, MURA NA, MASARAP PA!” Ang mga tambay sa kanto, natigilan. Si Kuya Dodong, ‘yung laging naka-sando na may butas sa kilikili, muntik na mabilaukan sa yosi. “Peachay, seryoso ka ba sa free taste?!” Ngumiti si Peachay na parang endorser ng sabon. “Oo naman po, Kuya Dodong! Tikman n’yo lang po... wag lang hawakan ng marumi. Ang Pechay ko po, maselan. May standards!” Tili ng mga Ale sa gilid, “Ayy grabe si Peachay! Pak na pak na naman! Free taste pa more!” Lumapit ang isang lola, si Aling Bebeng, ang kilalang tsismosa ng barangay. May dalang payong kahit maaraw. “Ano bang klaseng free taste ‘yan, Peachay ha? Baka naman... malisya na ‘yan?” “Lola Bebeng!” sabay slow motion pa-wave si Peachay. “Wala pong malisya sa taong gutom! Puro sarap lang, no explanations needed!” Binuksan ni Peachay ang cooler at inilabas ang isang chilled na pechay. “Lola, subukan niyo po. Tingnan n’yo, may lamig pa sa gilid. Preskong-presko. Bagong harvest, bagong ligo, bagong lotion kasi nilagyan ko ng VCO bago ko ibalot!” Tinapik ni Lola Bebeng ang tray. “Pucha, Peachay. ‘Pag hindi ko to nagustuhan, isusumpa ko yang pechay mo.” Tinanggap ni Lola ang isang piraso, nilamutak, sininghot, at sinubo. Crunch. Gyaaaahh “AYYYYYY SARAP NGA ANAK NG TIKTIK!” “HAAAAAHAHAHAHA!” tili ng mga tao sa paligid. Napataas ang kilay ni Peachay, pose with hands on hips. “I told y’all, the pechay never lies.” Maya-maya, may dumating na sidecar. Si Manong Berto, ang basurero ng barangay, dumaan. “Oyy! Peachay! Anong meron, ang daming tao!” Sumagot ang isang Ale, “Free taste daw ang pechay ni Peachay! Fresh and fabulous!” Lumapit si Manong Berto. “Gusto ko rin niyan. Pang-ulam. Ilang kilo?” “Para sa’yo Manong, special price,” wika ni Peachay. “Pero may challenge muna bago mo makuha!” “Anong challenge?” “Magpakaldag ka muna rito sa gitna!” “ANO?!” “Tama! Pakaldag lang! Parang t****k!” Nagtagpo ang mga mata ni Peachay at ni Manong Berto. Tension. Drama. Tila eksena sa teleserye ng mga gulay. Tumingin si Berto sa paligid. Nakita niyang naka-on ang phone ni Tetay. Live pala sa f*******:. Sumigaw si Peachay: “Go Manong Berto! Kalog para sa pechay moooo!” At yes, walang kaabog-abog, si Manong Berto ay nag-kaldag ng walang pag-aalinlangan. Pakaldag! Pakaldag! Kembot sa kanan! Sayaw sa kaliwa! Giling sa harap! Nagtatalunan ang mga kaldero, may sumigaw pa ng “Go Lola version!” Matapos ang eksena, binigyan ni Peachay ng isang buong tali ng pechay si Manong Berto. “For the effort, kuya. May discount card ka na rin for life.” Napaluha si Berto. “Ito ang pinaka-worthy kong sayaw since 1996... nung sinayawan ko si misis bago siya naglayas.” “Ay, sorry naman Kuya Berto…” “Wag, okay lang. Babalik din ‘yon. Sa pechay mo pa lang, may pag-asa na uli akong magmahal.” Pagkalipas ng isang oras, may dumating na barangay tanod. “Peachay, mukhang naka-permit ka ba sa ‘free taste mo’? Ang dami ng tao oh, para nang fiesta sa tapat ng tindahan mo!” “Kuya Tanod, pasensya na po, pero ang pechay ko po ay hindi kailangan ng permit. This is a national treasure. Dapat nga po sa museum ‘to!” Sumingit si Aling Sioning: “Kuya Tanod, tikman mo nga ‘yung pechay ni Peachay. Baka sumaya din buhay mo!” Ngumiti si Tanod. Tumikim. Tumango. “Approve. Hindi ka na iistorbuhin. Basta’t may extra ako ha.” Habang papalubog ang araw, naglalakad si Peachay pauwi. Bitbit ang tray na ubos na ubos. Sa bawat kanto, may humihiyaw: “Peachay! Bukas ulit ha!” “Sobrang sarap ng pechay mo!” “Nakakaadik! Parang chika mo lang hindi maubos, pero masarap ulit-ulitin!” Napangiti si Peachay. “Grabe… ang daming natikman ng pechay ko today. Pero never nilang makukuha ang sikreto ng timpla ko…” Pag-uwi niya, nadatnan niyang nagtititili na naman si Papa Asherit at Mama Venna sa harap ng TV. “ANG SARAP NG ULAM MO, MA!” “Ehh ikaw din kasi, Pa! Ang lambot-lambot mo!” PLOK! Tumama ulit ang teddy bear sa noo ni Papa. “Hoy! Dalawang araw na akong binabato ng teddy bear! Tama na yan!” Sumigaw si Peachay mula sa hagdan: “NAHULOG NA NAMAN ANG LALAKI SA PECHAY NG NANAY KO!!! KATAPUSAN NA!” Pag-akyat sa kwarto, humiga siya sa kama at ngumiti. “Kahit walang jowa… kahit wala pang sponsor… masaya pa rin ako. Kasi ako lang ‘to si Peachay. The one and only Queen of Freshness. The Empress of Gulay. The Drama Queen ng Palengke. At ang reyna ng... kalandian na wholesome!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD