CHAPTER 3
Hardtin POV
I'm Hardtin Sarmiento. Thirty-two. CEO ng sariling imperyo. Mayabang kung sa mayabang. Suplado kung suplado. Pero isa lang ang sigurado: sa mundo ng negosyo, hindi ako basta-basta.
Ako ang may-ari ng AgriVida Empire ang pinakamalaking tagapamahagi ng agricultural products sa bansa. Lahat ng klase ng gulay, sa akin dumadaan. Sa palengke, grocery, restaurants—pangalan ko ang nasa likod niyan. Pero kahit gaano pa kalaki ang pangalan mo, kapag may delay sa supply, para kang zero.
Nasa opisina ako ngayon. Ang bango ng espasyo amoy leather, coffee, at mamahaling air freshener na imported mula France. Tahimik, maaliwalas, at malayo sa putik ng palengke. Nakatitig ako sa laptop ko, nirerepaso ang month-end sales report na hindi ko nagustuhan.
4.7% drop in net revenue due to supply chain delays.
Delayed shipments: Pechay, Sitsaro, Kamatis.
Tumaas ang kilay ko. Pechay? Diyos ko, isa ‘yon sa pinaka-benta nating gulay! Bakit 'to nadelay?
Doon biglang bumukas ang pinto ng opisina ko.
"Sir Hardtin, excuse me po..." mahina at maingat na boses. Si Jessica Biñas. Ang secretary ko. Nakasuot ng puting blouse at itim na palda, nakapusod ang buhok. Formal. Laging presentable.
"May meeting po kayo ngayon sa Conference Room. Tungkol po sa delay ng vegetable supply... particularly sa pechay, sir."
Napatingin ako sa kanya, bagsak ang tingin ko sa clipboard na hawak niya.
“Alam ko,” malamig kong sagot. “At bakit ngayon mo lang sinabi?”
“Nagsend po ako ng email kahapon ng gabi, sir. At reminder kaninang umaga”
“Jessica,” putol ko sa sinasabi niya. Tumayo ako, dinala ang laptop ko. “Huwag kang palusot. Trabaho mong paalalahanan ako, hindi umasa na mababasa ko ‘yan agad. Kaya nga may bibig ka, hindi puro keyboard lang ang gamit.”
Namutla siya. “Opo, sir. Pasensya na po.”
Umiling ako. Pasensya. Paulit-ulit ko na lang naririnig ‘yan sa kanya.
“Let’s go,” sabi ko. “Huwag mong ipahiya ang sarili mo sa harap ng board.”
Conference Room
Pagpasok namin sa malaking conference room, nandoon na ang mga department heads Logistics, Inventory, Sales, at Marketing. Lahat tahimik. Lahat mukhang may atraso.
Tumayo ako sa harap ng mesa, pinatong ang laptop at sinimulan ang pulong. Si Jessica, umupo sa tabi ko, naka-ready ang notes at recorder.
“Explain to me,” panimula ko, “kung bakit bumaba ng halos limang porsyento ang kita natin this month. At bakit PECHAY ang una sa listahan ng delayed supplies?”
Tahimik.
Nagkatinginan ang mga heads. Walang gustong magsalita.
“Wala?!” sigaw ko, tumama ang palad ko sa mesa. “Hindi ako nagbayad ng milyon para tumahimik lang kayo rito!”
Si Mr. Greg, Logistics Head, ang unang naglakas-loob magsalita. “Sir, nagka-problema po kasi sa isang truck supplier natin. Na-delay ang pick-up ng mga pechay galing Nueva Ecija dahil sa landslide. Hindi po sila agad nakaalis.”
“Landslide?” ulit ko. “And you’re telling me wala kayong contingency plan?”
“Meron naman po, sir, pero”
“Jessica!” sigaw ko. “Ikaw ang nag-monitor sa flow nitong operations report! Bakit ngayon ko lang nalaman ‘to? Hindi ba't araw-araw ka nagbubukas ng update reports? Bakit walang action agad?”
Nanlaki ang mata ni Jessica. Ramdam ko ang tensyon sa buong conference room. Umiwas siya ng tingin, pero bumuntong-hininga at tumayo.
“Sir… I tried to follow-up po. Pero hindi po agad nagbigay ng update ang logistics, at inantay ko rin po ‘yung field report para kumpleto ang ipapasa ko sa inyo.”
“Excuses,” malamig kong balik. “You’re supposed to be one step ahead. You don’t wait for the problem to blow up before you act.”
Tahimik ulit. Bumagsak ang tingin ni Jessica sa mesa. Hindi siya nagsalita. Kitang-kita ko ang panginginig ng kamay niya.
Tumayo ako at naglakad paikot. “Alam n’yo ba kung gaano kahalaga ang pechay sa market natin? Doon umiikot ang 23% ng benta natin sa low-tier segment. Do you know how many customers shifted to competitors this week alone dahil lang sa wala tayong fresh pechay?”
Umiling si Sales Head. “Mga dalawang libong resellers, sir.”
“Exactly,” sigaw ko. “Two thousand clients lost dahil lang sa isang gulay! And all of you... just watched it happen?!”
Jessica tried to speak again. “Sir, kung gusto n’yo po ako na ang”
“Just stop, Jessica!” pasigaw kong putol. “Kung hindi mo kayang gampanan ang trabaho mo, then say it now. Don’t waste my time.”
Hindi na siya nagsalita. Tumayo na lang siya, dahan-dahang ibinalik ang ballpen niya sa clipboard. Hindi ko alam kung sinasadyang itago ang pagluha niya, pero nakita ko nangingilid ang luha sa mata niya.
Pero pinili kong huwag pansinin.
Pagkatapos ng Meeting
Tahimik kaming lumabas sa conference room. Ako, diretso sa opisina. Si Jessica, kasunod ko pero ilang hakbang ang layo.
Pagkapasok sa opisina, agad siyang huminto sa pinto.
“Sir, may kailangan pa po ba kayo?” tanong niya. Mahina ang boses. Paos. Halatang pigil ang emosyon.
“Send me the revised logistics report. And fix the inventory chart for pechay distribution this week. Gusto ko buo na ‘yan bago mag-alas kwatro.”
“Opo.”
Nang paalis na siya, bigla akong nagsalita.
“Next time, Jessica, I expect more from you.”
Tumango lang siya. Hindi na lumingon. Tahimik niyang isinara ang pinto.
Sa likod ng desk ko, napatitig ako sa screen ng laptop. Hindi ko alam kung dahil ba sa stress o sa katahimikan ng opisina, pero parang biglang tumahimik ang mundo.
Tahimik… pero mabigat.
Sa loob-loob ko, Gulay lang ‘yan. Pechay lang ‘yan. Pero bakit ang bigat sa dibdib?
Maya-maya, kumatok si Jessica. Bahagyang nakaawang ang pintuan, at kita ko agad ang mukha niyang namumutla, hawak ang makapal na folder na puno ng mga report.
“Sir Hardtin,” mahinang tawag niya. “Ito na po ‘yung updated reports for the supply chain analysis. At may schedule na po tayo para sa investor’s lunch meeting sa La Imperial.”
Napatingin ako sa wristwatch ko. Alas-onse. Limang minuto bago ang meeting.
Pilit kong pinigil ang inis. Kanina pa sunod-sunod ang aberya mula sa delayed pechay supplies hanggang sa pag-alis ng isang major client dahil ‘di sila naserbisyuhan on time.
Tumango lang ako. “Let’s go. Dalhin mo ‘yan.”
Kinuha ko ang coat ko mula sa upuan, at tahimik kaming lumabas ng opisina. Si Jessica, ilang hakbang sa likuran ko. Palagi. Ganyan siya. Laging nasa anino ko lang.
Sarmiento Restaurant
Pagdating namin sa La Imperial ang five-star fine-dining na pagmamay-ari ko rin diretso kami sa private VIP lounge. Eleganteng lugar, may chandelier, mamahaling upuan, at scent ng sandalwood na nakaka-relax sa kahit sinong businessman.
Tatlo sa pinakaimportanteng investors ang nasa loob:
Mr. Choi, isang Korean businessman na supplier ng organic fertilizers.
Mr. Avelino, local distributor sa Visayas.
At si Madam Veron, na kilala sa pag-invest sa agritech ventures abroad.
Jessica pulled out her chair quietly. Umupo siya sa tabi ko, mabilis na inihanda ang kopya ng reports para sa bawat isa.
“Good noon, everyone,” panimula ko. “As promised, today we’ll discuss the current market drop, our logistics strategy, and the revised model moving forward.”
Nagsimula ang discussion. Ako ang nagsalita halos buong oras precise, direct, walang paligoy-ligoy. Si Jessica, tahimik na nagsusulat, nagtatala ng bawat punto, bawat mungkahi. Wala siyang reklamo. Kahit pa paulit-ulit kong sinisita ang maliit na bagay.
“Jessica, iayos mo ang chart. Hindi aligned ‘yan,” sabay tulak sa tablet na hawak niya.
“Opo, sir,” mahina niyang sagot habang pinipilit ayusin ang graph.
Napansin ko ang isang iglap na pagtingin ni Madam Veron sa akin, saka kay Jessica. Hindi niya sinabi, pero parang nagtanong ang mga mata niya: Are you always this hard on your staff?
Binalewala ko.
Pagkatapos ng halos dalawang oras na discussion, nagsalita si Mr. Choi.
“Mr. Sarmiento, we’re impressed sa business forecast niyo. But may I say something?”
Tumango ako.
“Your data is sharp, yes. But the way you handled your staff earlier…” Saglit siyang tumingin kay Jessica. “There’s a line between discipline and unnecessary harshness. In Korea, we promote respect as a business culture.”
Nagtama ang mga mata namin. Naramdaman ko ang tension sa paligid. Si Jessica, hindi makatingin sa kahit kanino. Nakayuko. Hawak-hawak pa rin ang pen niya kahit nanginginig ang kamay.
“I understand your point, Mr. Choi,” matatag kong sagot. “But in my company, we don’t tolerate delay. We value precision and accountability.”
“Understood,” singit ni Madam Veron. “But I also hope your team feels valued, Mr. Sarmiento. You may be the brain, but without your people, you’re just a skeleton.”
Hindi ko alam kung bakit, pero tumama ‘yon sa akin.
Napatingin ako kay Jessica. Hindi siya nagsasalita, pero sa gilid ng mata niya, may luha na yata akong nakita. Mabilis niyang pinunasan, kunyari’y sinisipon lang siya..
Pagkatapos ng Meeting
Pabalik na kami sa kotse. Tahimik.
Binuksan ko ang pinto ng sasakyan ko, saka ko siya tinapunan ng tingin.
“Sumakay ka na.”
Sumunod siya, tahimik pa rin. Ang mga kamay niyang maputla, nakapatong sa clipboard.
Pagka-start ng engine, napahinto ako bago umandar. Lumingon ako sa kanya.
“Bakit ka umiiyak kanina?”
Nagulat siya. Hindi siya agad sumagot. Kumurap siya ng ilang beses, saka bahagyang ngumiti.
“Hindi po ako umiiyak, sir. Allergic lang po ako sa pabango sa restaurant.” Pilit na biro, pero wala nang lakas ang boses niya.
Napabuntong-hininga ako. Bumigat ang dibdib ko. Gusto kong sabihin na pasensya na, pero wala ‘yon sa bokabularyo ko.
“Next time, ayusin mo lahat bago pa ako magsalita. Para walang ganung eksena,” malamig kong sabi.
“Opo, sir,” bulong niya.
Tahimik ulit.
Sa Parking Lot ng AgriVida Building
Pagkababa namin, tinapik ko siya sa balikat. Isang mabilis at walang emosyon na tapik, pero doon niya lang ako tiningnan sa mata.
“Jessica.”
“Opo, sir?”
Sandaling katahimikan.
“Magpahinga ka mamaya. I can finish the rest of the reports today.”
Nagulat siya. “Sir? Okay lang po?”
“Just for today.”
Tumango siya. Halatang nagpipigil ng luha, pero bahagyang ngumiti. “Salamat po, Sir Hardtin.”
Hindi ako sumagot. Tumalikod na ako. Pero habang naglalakad papasok sa elevator, isang bagay ang hindi ko matanggal sa isip ko:
Hindi lahat ng loyal ay malalakas. Yung iba, tahimik lang… pero inuubos na ang sarili, para lang magtrabaho sa mga katulad ko.