Bardagulan

1809 Words
CHAPTER 4 PEACHAY POV 6:00 PM. Alas-sais ng gabi. Madilim na ang paligid, may mga ilaw na ng tindahan na kumikislap-kislap na parang palamuti sa perya, pero andito pa rin ako sa puwesto ko sa palengke, dala ang pride kong hindi natutulog: ang Pechay kong hindi nalalanta. “Pechay po kayo diyan! FRESH NA FRESH, parang bagong ligo’t pinatuyo sa electric fan habang naka-panty lang! Gora na po kayo! Libre amoy, libre tingin, bawal lang ang utang!” Bigla akong may narinig na boses na parang may kasamang earthquake. “Uy! BUDDY!” sabay palo sa likod ko na parang gusto kong mapalundag palabas ng katawan ko. Si Taruts Fuentebella, ang best friend kong parang may stock ng kabaliwan sa katawan 24/7. Nakasuot ng off-shoulder top na parang lalaglag na, mini skirt na akala mo lalaban sa hangin, at may dalang tote bag na may nakasulat na: “May time ka pa, girl.” “Buddy!” sigaw niya ulit. “Kamusta pechay mo? Fresh pa ba o parang ex mong ginisa sa bawang, amoy ‘di na mabalikan?” Sabay halakhak na parang tuko sa gabi ng undas. Di ako nagpahuli. “Hmmm…” singhot-singhot ako sa hangin, kunyari sinisigurado ko. “Amoy daing… amoy tuyooo…” “PUTEEEKKK!” sigaw ni Taruts. “Buddy! Amoy ano?!” “Amoy DAING TUYO! Kasi tinabonan ko ng panty ‘to buong hapon para hindi pasukin ng langaw. Protektado, bes!” Sabay sigaw kami nang sabay: “FRESH NA FRESH ANG PECHAY NI PEACHAY! ONE TASTE, MAPAPA-UGH KA SA SARAP! MINSAN LANG ‘TO MAGBUKAS SA GABI!” Boom! Para kaming nag-broadcast sa Eat Bulaga dahil biglang dinagsa ang mga tao. Akala mo may free concert ni Daniel Padilla sa palengke. “Miss, totoo bang may free taste ‘yung pechay mo?” tanong ng isang matandang ale. “Libre lang po kung willing kayong amuyin ng malapitan!” sagot ko, sabay tawa. “Taga-saan ang pechay mo, hija?” “Dito po lang po sa Looban taniman ng sariwa, laging basa, laging handang anihin!” Taruts, hindi na makatiis. Lumuhod sa gilid ng lamesa ko at sinimulang ipresenta ang pechay ko na parang product sa Miss Universe. “Ladies and gentlemen! We present to you… the ONE AND ONLY… the LEGENDARY… the WETTEST AND FRESHEST PECHAY in San Miguel! Palakpakan po!” Sabay ginawa pa akong runway model. Hawak niya ang isa kong braso at ginawang microphone ang pechay ko. “Anong masasabi mo, Miss Pechay?” “Ah, well, I’d like to thank my mama for planting me deep in the soil of kabastusan, and my papa for watering me daily with pag-ibig at konting pataba!” “Bes, seryoso,” bulong ni Taruts habang kumakain kami ng kwek-kwek. “May tanong ako.” “Ano na na naman ‘yan? Baka bastos ‘yan sasagutin ko agad.” “Huy! Hindi, seryoso. Masarap ba talaga ang pechay mo? As in legit?” Napaisip ako. Tapos sinagot ko siya with matching sales pitch voice: “Girl, ang pechay ko? Galing ‘to sa first harvest, sunod sa buwan, kaya malambot, makinis, at may natural curves. Walang GMOs, promise!” “Sana all!” sigaw ni Taruts. “’Yung pechay ko, naiwan sa back subject. Hindi pa rin umaakyat!” “Bakit?” “Kulang sa dilig, sis. Kulang sa motivation. Kulang sa… PANTABAAA.” Sabay tawa kaming dalawa na halos mabitawan ko ang tray ng tokneneng sa kakahagalpak. Di pa kami tapos sa tawa nang biglang may sumigaw mula sa kanto: “Hoy, Peachay! May bago na namang tanim si Mang Rudy, oh! Pangalan niya, CHOY!” “CHOY?!” sabay sigaw namin ni Taruts. “E di kung ako si Peachay, siya si… PECHOY!” sabay sabay kami ng palengke, tawa ulit. Instant love team! “Peachay and Pechoy growing together sa fertile soil ng San Miguel!” hirit ni Taruts habang hawak ang microphone kong pechay. “Pag pinaghalo kami… magiging Pakbet ng Pag-ibig!” “ANG SAAARAAAP!” sigaw ng isang tinderang nakiki-tsismis na rin. Ilang minuto bago mag-7:00 PM, paubos na ang paninda ko. Taruts, naka-upo na sa upuan ko, hawak ang electric fan ko at ginagamit na pang arte. “Bes, feel ko artista na ako. Parang palengke version ng Maria Clara. Pero imbes na abaniko, pechay ang hawak ko!” “Aba, bagay sa ‘yo! Taruts Fuentebella as Maria Pechay del Puso!” “Sa halip na ‘Sino ang tunay mong mahal?’ ang tanong mo: ‘Sino ang tunay na may panlasa sa pechay ko?!’” Gabi na. Paunti-unti na rin ang tao sa palengke. Pero habang pauwi na kami ni Taruts, dala ang isang tray ng tirang lumpia at isaw, may isang ale ang lumapit sa amin. “Ineng, bukas ha, balik ka. ‘Yung pechay mo‘di lang sariwa, may halong kaligayahan. Buti na lang nakatikim ako!” Ngumiti ako. Hindi ko alam kung compliment ba ‘yun o chismis in the making, pero one thing’s for sure: Ang pechay ko? Hindi lang panggisa. Pang-good vibes din. Ang buhay sa palengke, parang karinderyang bukas 24/7: mainit, maingay, pero masarap. Lalo na kung may ka-bardagulan kang katulad ni Taruts. Kahit amoy daing minsan, basta’t kasama mo ang totoong tao, kahit pechay lang ang puhunan mo mapapangiti mo ang buong bayan. Nag-aayos na kami ng mga bilao at tray ng gulay nang may biglang sumigaw ng “BUDDYYYYY!” na akala mo may tsunami ng chismis! Paglingon ko si Jessica Biñas. Oo, 'yung secretary ng supladong si Hardtin, na ngayon ay naka-high heels, pencil skirt, at may shoulder bag na parang may dalang thesis. “Hoy!” sigaw ko. “Office wear sa palengke? Ano ‘to? Corporate on the wet market runway?” “Sapakin kita d’yan, Peachay!” sabay dampi ng palad niya sa ulo ko hindi naman malakas, pero sapat para matauhan ako na may friend kaming feeling kontrabida sa teleserye. “Namumuro na kayo ha!” reklamo ko. “Kanina si Taruts ang nang-araro ng balikat ko, ngayon naman ikaw ang umatake sa ulo ko! Papatayin n’yo ata ako!” Sabay halakhak naming tatlo. ‘Yung tawang akala mo may pinatay kami sa isaw stall. “Ewan ko sa inyo, wala pa nga akong jowa, kayo pa ang bumubugbog sa’kin!” reklamo ko habang kinikindatan ang pechay. “Eh kung pechay ang hanap ng Mr. Right mo?” sabat ni Taruts. “Tapos malalaman niyang ‘yung pechay mo, ‘di lang fresh certified crowd favorite pa!” dagdag ni Jessica sabay peace sign. “Nako! Matutuwa siya!” sagot ko. “Kasi ‘di lang siya makakatikim ng luto kong adobong sitaw, makakakita pa siya ng nanay kong marunong mag-harutan sa sala!” “Wait, wait.. what?” sabay tanong nina Taruts at Jessica. Habang pauwi na kaming tatlo literal na kaladkad ko si Taruts na may dalang supot ng lumpia, habang si Jessica naman ay hawak ang dalang folder of drama (a.k.a. reports para sa impakto niyang boss) nagkukuwentuhan pa kami. “Buti na lang talaga magkapitbahay tayo no, ‘Chay,” ani Jessica. “Ang hassle kung kailangan pa naming mag-grab pauwi!” “Correct ka diyan, bes,” sabat ni Taruts. “Kapitbahay na, kaibigan pa! At ang pinakaimportante same channel ng chismis!” Pagdating namin sa bahay, as usual, bukas ang pinto. Parang convenience store ang vibe. “Sino'ng nandiyan?” sigaw ko. Walang sumagot. Tahimik. Pagpasok namin sa sala BOOOOMMMM! NAGHARUMUTAN ANG MGA MAGULANG KO SA SOFA. As in, literal na may yakapan, may “Hoy, Mama naman oh!” moment, may kamay na hindi mo alam kung nasaan, at may mga halikan na parang teleserye ng GMA sa prime time. “KYAAAAAAAAAHHHHHH! TITO! TITA!” sabay sigaw ni Jessica na parang na-exorcise. “BAKIT ANG MGA MATA KO?!” si Taruts, sabay takip ng mata pero half lang 'yung isang mata kita pa rin, silip kung silip. Ako? Literal na napaupo ako sa sahig sa sobrang tawa. “Ma! Pa! Seryoso?! Sa sala?!” reklamo ko habang nagkikisay sa sahig. Sabay tayo si Papa, tuliro, habang si Mama ay nag-aayos pa ng buhok na parang natakot baka may CCTV. “Eh, kasi naman anak…” sagot ni Papa, “...akala namin nasa palengke ka pa.” “Tito! I’m traumatized!” iyak-iyakan ni Jessica. “Kung ganito lang pala sa bahay niyo, dapat may warning sign kayo: Harutan Zone Ahead!” sabi ni Taruts, sabay turo sa pinto. Para makabawi, si Mama, parang walang nangyari, dumiretso sa kusina. “Oh, halina kayo, mga anak. Magmani tayo.” “Magluto kayo ng hiya, Tita,” hirit ni Jessica. “Ano ‘to, bonding time with extra spicy embarrassment?” tanong ni Taruts habang umiinom ng tubig diretso sa pitcher. “Wag na kayong choosy, libre mani ‘to. Tsaka masarap ‘to, galing pa sa palengke, mas fresh pa sa ex n’yong di na bumalik,” sabay turo ni Mama sa amin. Nagkatinginan kaming tatlo, sabay sabay: “CHAAARRRRR!!!” Habang kumakain kami ng mani at lumpiang ubos na ang suka, nag-umpisa na ang Midnight Bardagulan. “Jess, anong balita sa amo mong parang palaging may kinain na luya’t asin?” tanong ko, referring to her ever-seryoso boss, si Hardtin. “Grabe, girl,” sagot niya. “Ang init ng ulo kanina. Konting delay lang sa pechay supply, akala mo end of the world!” “Siguro kasi hindi siya kumakain ng pechay mo,” sabat ni Taruts. “Kung ako siya, araw-araw akong naka-order!” “Ehhhhh baka kasi ‘yung pechay ni Peachay may something na pampatanggal stress!” sagot ko, sabay posing na parang cover ng men’s health magazine. “Stress ka? Tikman ang Pechay kong may healing powers!” Mga alas-diyes na ng gabi. Busog na kami, both sa pagkain at sa tawanan. “Bes,” tanong ni Taruts, “paano kung isang araw, may dumating na lalake at gusto niyang bilhin ang buong pechay mo, wholesale?” “Depende,” sagot ko. “Kung may delivery truck siya at willing magbayad ng buo, kasama na ang puso ko sa bundle!” Jessica: “Basta siguraduhin mo lang, hindi lang siya after sa freshness mo. Dapat kaya ka niyang itinda sa tamang halaga!” “Nako, kung mahalin ako ‘nun, dapat presyo ko SRP, hindi pang clearance sale!” Sabay sabay ulit kaming tumawa, ‘yung tipong nakakalat na kami sa sahig, para kaming mga sardinas sa lata pero sardinas na masaya. Ang buhay, parang tindang gulay minsan malanta, minsan sariwa, pero laging may asim. Pero kung may mga kaibigan kang gaya nina Taruts at Jessica? Kahit araw-araw kang mapagod, may dahilan ka pa ring humalakhak. Bonus na lang ang mani at mga magulang mong certified harot goals. Basta ako? Pechay ko, always fresh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD