CHAPTER 5
THIRD PERSON POV
Kinabukasan, maagang nagising si Peachay. Alas-kuwatro pa lang ng umaga, alerto na agad ang katawan niya na tila sinaksakan ng baterya ng electric fan. Umuwi na rin si Jessica sa bahay nila kagabi, bitbit pa ang mga natirang mani at trauma sa nakita nilang harumutan session ng magulang ni Peachay. Si Taruts naman, as usual, feeling residente na ng bahay. Nakatihaya sa banig na parang nalantang kangkong, pero pagkarinig ng tik-tik ng kutsara sa plato, biglang bumangon na parang sinapian ng multong gutom.
“Gising na ba ang bituka mo, Taruts?” tanong ni Peachay habang nakahawak sa rice cooker.
“Mas gising pa sa’kin, bes. Hindi na makapaghintay sa nilagang feelings at adobong pangarap ko,” sagot ni Taruts habang kinakaladkad ang sarili papunta sa mesa.
Nag-almusal sila ng itlog, sinangag at instant coffee na mas mapait pa sa huling breakup ni Taruts na iniwan siya dahil daw ‘masyado siyang maingay’. Pero ngayon? Naka-ready na ulit siyang sumigaw sa palengke hindi lang para sa benta, kundi para sa taong matagal na niyang tinititigan habang buhat-buhat ang mga gulay.
Pagsapit ng alas-singko ng umaga, may bitbit na silang bilao, tray, at supot ng mga paninda. Sabay silang humayo palabas ng bahay. Tulog pa ang karamihan sa mga kapitbahay, pero silang dalawa? Gising na gising ang energy, parang may event.
Pagdating nila sa palengke, hindi pa man sila nakakaayos ng mga gulay, biglang dumating si Etatskie Agustin. Isa sa mga kilalang kargador sa palengke. Matangkad, balbon, maitim ang balat na kinulayan ng araw, at may katawan na parang iniskulpyo sa sako ng bigas. Pawis na pawis, pero mukhang pabango pa rin sa paningin ni Taruts.
Biglang natigilan si Taruts. Napanganga. Napahawak sa dibdib. Tila binayo ng 12-wheeler truck ang puso niya.
“Buddy,” pabulong niyang sambit kay Peachay habang dahan-dahang nilalagay ang repolyo sa tray. “Buddy… ayan na siya… si Etatskie…”
Napatigil si Peachay, napatingin sa direksyon ng kargador.
“Ang pogi talaga niya. Tignan mo! Bagay kami diba? Bagay ang sako sa saya. Bagay ang muscles sa makalat kong feelings!”
Sabay palo sa braso ni Peachay. Isa. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa parang gusto nang umitim ang balat sa dami ng palo.
“Ano ba?! Taruts! Tigilan mo na ako! Bakit ba ako ang pinagbubuntunan mo ng kilig mo, ha?!” reklamo ni Peachay habang hawak ang nangingintab nang balikat.
Hindi na nakatiis si Peachay. Napuno na sa panglalata ni Taruts. Kaya bigla siyang sumigaw nang buong lakas, walang preno, walang pasintabi.
“ETATSKIE!!! MAHAL KA RAW NI TARUTS!!! GUSTO KA NIYA! GUSTO NIYA NA KAYO MAGPAKASAL!!!”
Tumigil ang mundo. Para bang huminto ang galaw ng mga tindera sa kabilang stall. Napalingon ang mga mamimili. Pati ‘yung batang naglalako ng suka, napa-stop dance. Si Taruts? Napatigil. Napatulala. Namutla, namula, nanlamig, uminit all at once.
“HINDEEEE!!! PEACHAY!!!” sigaw ni Taruts sabay hablot sa basket ng kamatis.
Pero si Etatskie? Hindi natinag. Imbes na mailang o umiwas, lumingon siya, nakangiti. May hawak na kahon ng pechay na para kay Peachay, at habang papalapit siya kumindat.
Oo. Kumindat. Yung kindat na may kasamang hangin at slow-motion na soundtrack kahit wala namang background music. Parang eksena sa telenobela. Lahat ng tao, napasinghap. Si Taruts? Napakapit sa tray ng sibuyas na parang sumabog ang kaluluwa niya sa sobrang kilig.
“Buddy…” mahina niyang sambit habang nakatingin kay Peachay. “Did you see that? Kumindat siya sa’kin... Legit! Hindi hallucination! This is real! REAL!”
“Real na real, beshie. Kung hindi pa ‘yan real, ewan ko na lang. Kung ganyan kindatan ako ng crush ko, baka nanay na ako ngayon.”
Pagdating ni Etatskie sa harap nila, inilapag ang kahon ng pechay sa mesa. Tumingin kay Peachay, ngumiti, tapos tumingin kay Taruts.
“Ganda ng ayos niyo ngayon ah. Fresh na fresh. Parang... bagong ligo ‘yung stall niyo.”
Si Taruts, hindi makapagsalita. Nakanganga lang. Para siyang robot na naputulan ng battery.
“Ano ‘yan, Taruts? Frozen ka na lang d’yan? Press play na!” sabay tapik ni Peachay sa balikat niya.
Kinuha ni Etatskie ang puting towel na nakasukbit sa leeg niya, pinunasan ang pawis sa noo, saka kumindat ulit.
“Baka gusto mong turuan mo naman ako paano mag-display ng feelings,” biro niya sabay ngiti.
Napasinghap si Taruts. “OH MY GHAD!”
Tuwang-tuwa si Peachay. Halos malaglag siya sa tray ng upo sa katatawa. Si Taruts naman, hawak ang dibdib na parang kinuryente ng pag-ibig.
Maya-maya, may lumapit na ale.
“Ineng, anong meron dito? May libreng kilig ba kayo ngayon?”
“Libre po ‘pag bumili ng pechay at feelings!” sagot ni Peachay.
“Eh ‘yung kargador, kasama sa promo?”
“Sorry po, ma’am. Reserved na siya kay Taruts. May nag-propose na po kanina,” sabat ni Peachay habang nakangisi.
Halakhakan sa buong stall. Parang mini comedy show sa gitna ng palengke. May isang matandang lalaki pa nga na nagsabing, “Talo n’yo pa ‘yung sine! Dito lang pala sa pechayan may romansa!”
Bago pa sila tuluyang mapanis sa kilig, tinapik ni Etatskie si Taruts sa balikat.
“Uwi ka ng maaga mamaya, ha? May... dala akong saging. Baka gusto mong matikman.”
Para na namang sumabog ang fireworks sa utak ni Taruts. Nanginginig ang tuhod, hindi makaimik, pero ang ngiti abot hanggang tainga.
Nagkatinginan si Peachay at Taruts. “Bes, pag-uwi ko mamaya, ikukulong kita. Delikado ka na sa puso mo.”
“Huwag mo kong pipigilan, Peachay! Ako na ‘to! Ako na ang babaeng kinalabit ng pag-ibig sa palengke!”
Nagpatuloy ang maghapon nila na may halong tawanan, kilig, tsismis, at bentahan ng gulay. Pero sa puso ni Taruts, isang bagay lang ang malinaw: hindi lang pechay ang fresh sa araw na ‘yon pati ang pag-ibig.
At si Peachay? Tumawa lang ng tumawa.
“Sa dinami-rami ng gulay sa palengke, sa crush pa talaga ni Taruts bumagsak si Etatskie. Hay buhay, ang sarap mong pagtawanan.”