CHAPTER 6
PEACHAY POV
Kinagabihan, habang naglalakad kami ni Taruts pauwi mula palengke, akala ko talaga diretso na siya ng bahay. Pero habang bitbit ko ang bilao ng natirang pechay, si Taruts naman ay daldal ng daldal pa rin tungkol sa “forever” niyang si Etatskie.
“Buddy, kanina ‘di ba? Kumindat siya ulit! Ayoko na! Paki-burol na ako ngayon na!”
“Hoy, lakad lang! Hindi pa tayo tapos! Mamaya ka na mag-emote, wala pa tayong pang ulam bukas!”
Tamang-tama, sa kalagitnaan ng aming lakaran sa madilim-dilim na kanto, biglang tumigil ang isang motor sa tabi namin.
“ETATSKIE!!!” halos mag-ulap ang boses ni Taruts nang makita kung sino ang rider. Naka-sando lang, kitang-kita ang six-pack abs na parang hinulma sa kahon ng Chocnut. May pawis, may ngiti, may helmet na may sticker ng ‘Baby On Board’ kahit wala namang bata.
Si Etatskie ‘yon. Nakaupo sa habal-habal, parang bida sa probinsya edition ng Fast & the Feelings.
“Taruts, My Honey! Sakay na kayo, libre ko!” sigaw ni Etatskie, may kasama pang smirk. “Kwek-kwek at balut tayo. Sama na rin si Peachay!”
Nagkatinginan kami ni Taruts. Ako? Biglang kinilabutan. Si Taruts? Nag-transform. Parang na-reboot ang kaluluwa niya. Naglaho ang pagod. Biglang pumuti ang mata. Kilig overload.
“OH MY GAAAD! Buddy! Narinig mo ‘yun?! Tinawag akong ‘Honey!’ Ako na ba ‘to?! Ako na ba ang bida sa w*****d story?!”
Nilingon ko siya nang masama. “Hoy! Sakay ka na nga bago pa ‘yan magbago ng isip at isakay ‘yung ibang Honey niya.”
Sumampa agad si Taruts. Ako? Siyempre hindi magpapahuli. Umangkas na rin ako sa likod nila. Pero syempre, bilang certified master ng kalokohan, may naisip akong eksena.
“Buddy, taas mo nga kamay mo.”
“Tataas ko? Bakit?!”
“Surprise. Tiwala lang!”
Walang kaalam-alam si Taruts, tinaas niya ang kamay niya parang surrender pose at BOOOOM! Ginabayan ko ang braso niya pa-hug kay Etatskie.
“CHAAAAYYYY!!!” halos mapasigaw si Taruts pero wala na siyang magawa. Niyayakap niya na ang crush ng bayan. Chest-to-back. Pawis-to-skin. Sando-to-kaluluwa. Si Etatskie? Cool lang. Tila nasanay na sa pasabog naming magka-buddy.
Walang preno ang motor. Umusad kami sa kalsada habang si Taruts ay nanginginig sa saya. Ako sa likod, todo ngisi.
“Buddy... I can smell his pabango... oh my gosh... parang amoy baby oil at sinigang na bulalo!”
“Focus ka sa pagkapit, bes. Hindi sa u***g niya.”
“Hoy!!! Hindi ko sinasadya ‘to! Nakadikit lang talaga ‘yung palad ko!”
Wala pang five minutes, may matarik na kanto kaming binaybay. Eh dahil sa sabay sabay kaming sumigaw ng “AYIIIIEEE!”... BOOOOGSHHH!!!
Tumilapon ang motor.
TUMBA!
Kamote ang lahat.
Ako, gumulong pa pa-side. Pero hindi pa tapos ang lahat kasi pagtingin ko kay Taruts at Etatskie...
Naka-dagan na si Etatskie sa ibabaw ni Taruts.
Si Taruts, nasa ilalim, nakahiga sa sementadong kalsada. Si Etatskie, nakapatong, ang kamay... HAWAK ANG COCOMELON NI TARUTS!
“OH MY GAAADDDD!!!” sigaw ni Taruts, hindi na alam kung iiyak o kikiligin.
“BUDDYYYYY!!! AYAW KO PANG MAMATAY!!! HINDI PA KAMI KINAKASAL! DI PA NIYA AKO NALILIGAWAN! DI PA AKO NABUNTIS!!!”
At habang nagsisisigaw si Taruts, si Etatskie, trying to get up, pero hindi makabwelo kasi... ang isang kamay ni Taruts...
NAKASAPO SA...
“KYAAAAAAHHHHHHH!!! ANG TALONG NG TIGREEEEE!!!” sigaw ni Taruts. “ANG LAKIII!!! ANO ‘TO?! 15 INCHES?! BAKIT PARANG PALAKOL!?”
TUMIGIL ANG ORAS KO. Nawalan ako ng oxygen. Literal na gumapang ako sa gutter sa katatawa.
Si Etatskie, todo pawis na, pero hindi alam kung aatras o i-forward. “Ahh... sorry, Honey... nadulas lang talaga ang motor... at pati mga kamay n’yo.”
Si Taruts, halos mamatay sa kahihiyan. “Bakit mo ako niyakap ng ganito?! BAKIT PARANG MAY TRAILER TRUCK NA NAKABUNDOL SA KATAWAN KO?!”
“‘Di ko sinasadya, Honey. Reflex lang. Kasi ang bigat mo eh.”
“AHHHHH! Bastos kaaaaa!!!” Pero ayun pa rin siya. Nakangiti. Kinikilig. Halos mapunit ang labi sa ngiti.
Ako? Literal nang namumuti mata ko sa kakatawa.
Biglang dumaan si Mang Tonyo, tindero ng lugaw.
“Ano ‘yan? Shooting?”
“Hindi po! Tumba ng tadhana!” sagot ko.
“Tadhana nga. May tumumbang dignidad din,” sabat ni Mang Tonyo habang naglalakad palayo.
Habang nakahandusay pa rin ang dalawa, biglang tinanggal ni Etatskie ang helmet niya. Nilingon si Taruts. Napalunok kami pareho.
NAKAHUBAD NA ANG PANG-ITAAS NIYA.
Kitang-kita ang abs. Yung tipong kakagatin mo kahit alam mong masakit. Pawis pa ang katawan niya, parang kumikintab. May dulas. Parang sinangag na may mantika.
“Okay ka lang, Honey?” tanong niya kay Taruts habang inaayos ang sarili.
“Okay lang... pero sa susunod, sabihan mo muna ako bago mo ibulsa ang kaluluwa ko.”
Nagkatinginan ulit kami. Tapos sabay sabay kaming humagalpak ng tawa.
Niyaya ulit kami ni Etatskie.
“Halina na kayo. Hindi pa tayo nakakabili ng kwek-kwek at balut. Gusto ko pa kayong pakainin bago kayo iuwi.”
Sumakay ulit si Taruts this time, kusang yumakap. Ako, nasa likod ulit. Di na kami dumaan sa liko. Diretso kami sa kalsada ng pag-ibig at street food.
Tumingin si Taruts sa langit habang yakap pa rin si crush.
“Lord... kung panaginip ‘to, wag mo muna ako gisingin. Gusto ko munang damhin ang init... ng abs.”
Dumating na kami sa maliit na kwek-kwek at balut stand malapit sa waiting shed. Huminto si Etatskie sa gilid, parked like a pro, sabay biglang inangat ang visor ng helmet niya habang pawis-pawis at naka-expose pa rin ang six-pack abs.
Pumito pa. As in literal. "Whit-woo!"
Si Taruts, na para bang nakasakay pa rin sa ulap ng kilig, halos hindi na makababa ng motor. Kailangan ko pa siyang kalabitin.
“Hoy, baba ka na d’yan, baka ‘yan pa ang pagdaanan ng future anak n’yo, ha,” bulong ko, sabay kindat.
“Shut up, Chay! Kinakabahan na nga ako, baka biglang mag-propose ‘to, di pa ako naka-manicure!”
Pagtapak ni Taruts sa lupa, parang binuhusan ng gatas ang mundo niya. Yung tipong isang hakbang palang, nanginginig na sa kilig. Ako naman? Deadma lang sa kilig nila pero deep inside, gusto kong sabuyan silang dalawa ng suka para mabawasan ang sweetness.
“Libre ko na, Honey,” sabi ni Etatskie habang kinuha ang wallet niya na may sticker ng ‘Buko Juice is Life’. Umorder siya ng tiglimang piraso ng kwek-kwek at dalawang balut. “Isang kwek-kwek, isang kilig,” dagdag pa niya sabay kindat kay Taruts.
Si Taruts? Halos masamid sa laway niya. “OHMYGHAD.”
Ako? Hindi na makatiis. “Kuya dagdagan mo ng suka. Yung sobrang asim. Para naman man-neutralize ang sweetness ng dalawang ‘to. Baka magka-diabetes kami sa paligid.”
Umupo kami sa monobloc chairs sa gilid. Kwek-kwek in one hand, balut sa kabila. Si Etatskie at Taruts magkatabi, syempre, dikit na dikit. Ako sa kabilang side nila, parang wallflower na may hawak na spy cam.
“Honey, tikman mo na,” sabi ni Etatskie habang hawak ang isang kwek-kwek, isinubo niya ito ng konti, tapos... KINAGAT NIYA.
But wait... half-bite lang.
Iniangat niya ito kay Taruts. “Tikman mo na rin. Share tayo.”
Si Taruts? Napatitig sa kwek-kwek na parang first kiss.
“Bes... this is it. First exchange of laway.”
Tinanggap niya ang kwek-kwek. Kinagat. Sabay... sabay silang napatingin sa isa’t isa.
And then... nag-fling kiss si Etatskie! As in, flying kiss na may sound effects! “Mwah!”
At si Taruts?
INAMBANGAN NG MUKHA NIYA YUNG FLING KISS!
SINALO NIYA!
AS IN BUKAS BIBIG! PARANG AIRCON INTAKE!
“AHHHH!” sigaw ko. “PUTA ANG HAROT NINYO!!!”
“HINDI HAROT! DESTINY!” sigaw ni Taruts habang hawak pa rin ang kwek-kwek na parang engagement ring.
At syempre, bilang ako ang reyna ng kalokohan, hindi ako papatalo.
“Wait lang, wait lang. Picture ko kayo.”
Sabay kuha ko ng phone.
“Okay, smile kayong dalawa. One... two... three... BOOM!”
Pero imbes na normal na picture, binuksan ko ang t****k filter na may flower crown at kasal background. Ayun, pag-click ko, mukha silang ikinasal sa kwek-kwek stand. May confetti pa. May music na “Can’t Help Falling in Love.”
“AY GAGA! CHAAAY!” sigaw ni Taruts habang pilit kinukuha ang phone ko. “BURAHIN MO ‘YAN! NAKAKAHIYAAAA!!!”
Pero too late na. Na-post ko na sa group chat namin sa Barangay Palengkekers.
Nag-ring agad ang phone ko.
Si Aling Tacing, tumawag. “Sino ‘yang magka-holding hands sa kwek-kwek stand? May kasal ba ngayon, hija?”
Sumagot ako habang tawang-tawa, “Opo, Aling Tacing! Si Taruts at ang itlog ng pag-ibig!”
“HOY! WAG MONG IDAMAY ANG ITLOG!!!” sigaw ni Taruts habang nagtatalukbong ng towel sa mukha niya.
Si Etatskie? Cool lang. Kumain pa ng balut. Pinisil ang sabaw, ininom. Tapos...
“Honey, gusto mong pasabugin ang balut mo?”
“ANO ‘YUNG PASABUGIN?!”
“Yung buksan ko na para sayo.”
“OHMYGAD.”
Ako na naman ang gumulong sa semento. Literal na kumakain na lang ako ng suka para ma-neutralize ang kilig.
Pero wait lang, hindi pa tapos.
May lumapit na tindera ng fishball. Si Ateng Elvira, naka-crop top, naka-glossy red lipstick at super hipon. Maganda katawan, tapos pagharap mo, hala... hindi mo na maibabalik ang tingin.
“Hi, pogi... gusto mo ng hotdog?” bulong niya kay Etatskie.
Sabay sabing, “Ako nalang bumili ng balut mo next time.”
BOOM.
Taruts: Glitch in the matrix. Napatayo. Tumulo ang suka sa kamay. Nagningning ang mata. Nagtaas ng kilay. Tumingin kay Elvira.
“Excuse me po, Ate Elvira. Kwek-kwek ang inaalok dito, hindi kaartehan.”
“Baka gusto ng boyfriend mo ng variety,” sabat ni Elvira.
“Boyfriend ko na agad?! HUWAG KANG PAASA, TEH!” sabay palo ni Taruts sa sarili.
Pero hindi siya nagpatalo. Kinuha niya ang isang balut, binuksan, pinakita ‘yung sisiw, sabay sabing...
“Tingnan mo ‘to. Mas matapang pa tong sisiw kaysa sa’yo. Umaasa na, pero hindi nang-aagaw ng lalaki ng may lalaki!”
Ako? Tumili. Si Etatskie? Natawa. Si Elvira? Tumalikod na lang. Walk out. Pero high heels niya nabali. Ayun, nadapa.
“AYAN! NAWALA SA KILAY, NADAPA TULOY!” sigaw ko habang ini-screenshot ang eksena.
Bumalik kami sa mesa, sabay sabay na kumain, halakhakan, kwentuhan.
Sa gitna ng lahat ng riot, si Taruts at Etatskie literal na parang softboil at sauce. Bumagay. Bagay. Lagkit.
Ako naman, habang ngumunguya ng kwek-kwek, napatingin sa langit.
“Sana all.”
Pero isang tingin ko sa phone ko... may comment na agad sa pinost kong pic:
“Bagay kayo, Taruts & Tiger Egg! Forever sa kwek-kwek!” Barangay Official
At sa ilalim ng post?
Heart reacts.
Laugh reacts.
At isang “Sana kami din.”