CHAPTER 7
HARDTIN POV
Gabi na. 8:03 PM to be exact. Pero heto ako, andito pa rin sa opisina, hindi pa nakakauwi, nakatitig sa laptop habang sinusuri ang isa na namang report tungkol sa pagbaba ng supply ng pechay sa mga pangunahing sangay ng AgriVida Empire.
Nakasuot pa rin ako ng charcoal gray suit, loosened lang ang tie, pero ang stress ko hindi matanggal kahit tanggalin ko pa ‘tong buong damit ko.
"Jessica," malamig kong tawag.
Bukas ang pinto. Pumasok agad si Jessica, ang sekretarya kong halos nakayuko sa takot.
"Yes, Sir?"
Hinagis ko ang report pad sa mesa. Tumama ito sa tapat niya, pero hindi siya umimik.
"Can you explain to me why, in all branches across Region IV and NCR, there is ZERO STOCK of pechay?!" singhal ko. "Ano to? Holiday ng mga gulay?!"
"Sir, kasi po"
"Don’t give me ‘kasi po’," putol ko agad. "Three days ago, I already instructed your team to double check the delivery schedules. Ngayon, naglalabasan ang reklamo ng mga consumer, galit ang mga investor, at ang production line natin tumigil."
Humigpit ang panga ko habang nilalaplap ng ilaw sa kisame ang mesa ko. Sa monitor, puro red marks ang dashboard ibig sabihin, crisis.
"Sir... kasi po nagkaroon po ng peste sa tatlong major suppliers natin sa North. Nasira po halos lahat ng crops, lalo na 'yung mga pechay. Nagsabay-sabay po, Sir..."
Pumikit ako saglit at huminga nang malalim. Hindi ko siya sinagot. Kinuha ko ang baso ng tubig, ininom, saka mariing ibinagsak sa coaster.
“Then what now? You’re just going to cry in front of me habang ang buong kompanya ko ay napupuno ng complaints?”
Hindi siya sumagot.
Napansin kong nanginginig na ang balikat niya, at sa gilid ng mata ko, may tumulong luha mula sa kanya.
"Sir... I'm sorry, pero may alam po akong paraan..."
Sa wakas. May saysay din.
"Tumigil ka sa pag-iyak, Jessica. Speak straight. Ano 'yang alam mo?"
"Sir... may kaibigan po ako. Malaki po ang taniman nila ng pechay. Hindi po siya certified supplier, pero mataas po ang ani nila at very consistent po ang quality. Puwede po kayong kumuha ng stock kahit bukas agad."
Tumango ako, tahimik.
"At nasaan siya ngayon?"
"Sir... nasa San Miguel po siya. Nagtitinda po siya sa palengke. Sobrang kilala po siya roon, hindi lang po dahil sa pechay niya, kundi dahil sa presensya niya. Mura, fresh, at punung-puno ng buyers ‘yung stall niya araw-araw."
“Palengke?” ulit ko, masama ang tono ko. “You’re telling me, na sa dami ng pinagtapos, high-profile, certified suppliers… ang pinakamagandang solusyon mo… ay isang vendor sa palengke?”
“Sir… I know it sounds unorthodox… pero totoo po. Napaka-in-demand po talaga ng pechay niya. Consistent ang ani nila taon-taon. Mahigpit din po sila sa pagtatanim. Ang pangalan po ng kaibigan ko ay"
Tumigil siya sandali. Halatang kinakabahan.
"Peachay po. Kanyara Peachay Salazar."
Napataas ang kilay ko. Kanyara? Anong klaseng pangalan ‘yon?
“Peachay?” ulit ko.
“Yes, Sir. Pero mas kilala po siya bilang Peachay sa palengke. Marami pong customers ang bumabalik sa kanya araw-araw. Pati po mga kilalang karinderya at mini-grocers doon, sa kanya lang kumukuha.”
I rubbed my temple. Tumayo ako at nilapitan ang glass wall ng opisina, tanaw ko mula rito ang city lights. Tulad ng dati, malamig ang gabi, pero mas malamig ang ulo ko ngayon.
"Sir..." mahina niyang sambit. "Pwede po ba… pwede ko po ba siyang i-text ngayon? Baka po puwedeng makausap n'yo siya kahit bukas ng umaga."
Lumapit ako pabalik sa mesa. Tinitigan ko si Jessica na ngayo’y namumugto na ang mata.
“Tawagan mo. Pero hindi ikaw ang kakausap. Ako.”
“Po?”
“Ako ang makikipag-usap. Personal kong aalamin kung karapat-dapat siyang supplier sa system ng kompanya ko. Hindi ako basta nagtitiwala sa referrals, lalo na kung ang pinag-uusapan ay supply worth millions.”
“Noted, Sir. Pero Sir… medyo mataray po si Peachay. Pero mabait po siya, I swear. May pagka... makulit lang po talaga siya. Pero magugustuhan n’yo po siya.”
Napakunot ang noo ko.
“Jessica. Hindi ako narito para magustuhan ang tao. Narito ako para siguraduhin na tumatakbo ang negosyo ko nang maayos. Kung sa palengke ko pa kailangan lumubog para lang matuloy ang supply chain, fine. But tell this… ‘Peachay’ kung sino man siya na I expect professionalism.”
“Yes, Sir. Thank you po. Sabihan ko po siya.”
Pinatango ko siya ng mata. Tumalikod siya, pero bago pa siya makalabas ng pinto, nagsalita ako ulit.
“Jessica.”
“Po?”
“Bumili ka ng yelo sa baba. Ilagay mo sa mata mo. You look like hell.”
“Sorry po, Sir.”
Pagkaalis niya, naiwan akong mag-isa sa opisina.
Tahimik. Walang tunog kundi ang mahinang hum ng aircon at ang ticking ng wall clock. Nilingon ko ang report sa mesa. Doon pa rin wala pa ring laman ang mga stats tungkol sa pechay.
Ipinatong ko ang kamay ko sa report at muling binasa ang pangalan ng suggested source.
Kanyara Peachay Salazar.
Tinitigan ko iyon ng matagal. Para bang habang binabasa ko, naririnig ko na ang pangalan sa isip ko. Malakas. Matunog. Iba.
Isang vendor mula sa palengke. Pero kung totoo ang sinasabi ni Jessica… maaaring siya ang makakapagligtas sa operasyon namin ngayon.
Pero ang tanong sino ba talaga siya?
At bakit parang... may kung anong kakaibang dating ang pangalan niya?
Peachay.
Interesting.
Very... interesting.
Pagdating ko sa mansion, malamig ang hangin sa labas pero mas malamig ang sasalubong sa akin.
Hindi pa ako nakapagsara ng pinto, sinalubong na ako ni Daddy sa sala. Isang suntok ang sumalubong sa pisngi ko.
“Bagsak ang stocks natin, Hardtin! Anong ginagawa mo sa kompanya?! Puro ka meeting, puro ka plano, pero walang resulta!”
“Dad” tinangka kong magsalita pero sabay sumugod si Mommy, mas maayos nga lang ang atake isang resounding sampal sa kaliwang pisngi.
“Hindi ka pinalaki para bumagsak ang AgriVida Empire! Itinayo ‘yan ng lolo mo mula sa isang maliit na bukirin. Ngayon, wala tayong pechay sa warehouse?! Anong klaseng CEO ka?!”
Pinilit kong huminga nang malalim. “May problema sa suppliers. Wala tayong kontrol sa peste”
“May solusyon ka?!” singit ni Daddy, galit pa rin. “Wag puro dahilan, Hardtin. Gawin mo trabaho mo!”
Tahimik akong umakyat sa kwarto. Walang gana kumain, walang gana magsalita. Nakatitig lang ako sa kisame habang tinatanggal ko ang coat ko.
Kinabukasan, 5:00 AM. Nagising akong parang walang tulog. Diretso akong naligo, nagbihis ng white long-sleeve polo, gray slacks, at brown leather shoes.
Pagbaba ko, naamoy ko agad ang amoy ng sinangag.
Si Manang Diday, todo luto sa kitchen.
“Good morning, Sir Hardtin,” bati niya habang naka-apron pa at may hawak na sandok.
Tumango lang ako. Kumuha ako ng kape, fried rice, bacon, at egg. Simple. Ayoko ng komplikado sa umaga.
Habang ngumunguya ako, tinawagan ko si Jessica.
“Jessica, 9AM. Magkita tayo sa palengke na sinabi mo. Sama ka. Ayokong maligaw sa kagubatan ng isda at amoy ng kili-kiling tuyo.”
“Yes, Sir. Magdadala rin po ako ng sample contract,” sagot niya agad.
Alas nueve, naka-park na ang sports car ko sa tapat ng palengke ng San Miguel. May kasunod akong van mga butler ko, dala ang mga security papers, legal drafts, at iba pang papeles na kailangang pirmahan.
Nakita ko si Jessica sa tapat ng fruit stand. Naka-sombrero at shades pa siya, parang nagtatago sa araw.
“Sir,” sabi niya, “Malapit lang po. Nandiyan lang sa bandang kanan.”
Habang naglalakad kami, narinig ko agad ang sigaw ng isang boses mababa pero makulit.
“PECHAY PO KAYO DIYAN! VERY FRESHHHH PO! MAY FREE TASTE PO AKO, MGA SUKI!
KAPAG BIBILI PO KAYO AT PAGKAUWI N’YO, LUTUIN N’YO ‘TO, MAPAPA-UNGOL KAYO SA SARAP UGH! UGH! UGH!”
Napatigil ako. Napakunot-noo. Anong klaseng sales pitch ‘yon?!
Lumapit kami. At doon ko siya unang nakita.
Siya. Si Kanyara Peachay Salazar.
Nakatayo siya sa likod ng isang wooden stall na puno ng pechay, talong, kamatis, at kalokohan. Naka-spaghetti strap top, may apron na may print na “I Love My Pechay,” at buhok niyang nakapusod pero may mga buhok na nakatakas, kumikintab sa araw.
Walang filter. Walang arte. Pero ang mukha niya? Boom.
Fresh. Matapang. Tapat. Parang sinampay sa araw na may Downy.
Isang sulyap pa lang, may umalpas na kung anong kiliti sa batok ko.
Sa isang iglap, naubos ang paninda niya. Lahat ng tao mga mamimili, estudyante, tinderang may utang bumili sa kanya.
Si Jessica, tinapik ako sa braso. “Sir…”
Nagkatinginan kami. Tumango ako.
Lumapit ako sa harapan ng stall. Tiningnan ko si Peachay mula ulo hanggang paa.
“Are you Kanyara Peachay Salazar?” malamig kong tanong. Business tone activated.
“Bakit? May utang ba ako sa’yo?” sagot niya agad, kaliwang kilay nakaangat.
“Jessica said you can supply us pechay.”
“Ah! Opo! Ako nga po si Peachay. Anong pangalan po nila, Sir?” Biglang bumait ang tono niya, pero ramdam mong may sarcasm na sumisilip sa dulo.
“I’m Hardtin Sarmiento. CEO of AgriVida Empire.”
Napasinghap siya. “Ay! Kayo po ‘yung nagmamay-ari ng factory na kumukuha ng pechay sa Pampanga? Yung may commercial sa TV na, ‘AgriVida Sariwa, Sapat, Sigurado!’?”
Tumango ako.
“Ay grabe, nakaka-pressure. Pero Sir, sure po ako, masisira ang diet niyo sa pechay ko. Hindi lang sariwa. Malutong. Mabango. Mapapakanta kayo sa sarap,” sabay kindat siya.
Napasinghap si Jessica. Ako naman, natahimik saglit. Tiningnan ko lang siya.
“Supply us 300 kilos per week. We’ll do a quality check. Jessica will give you the schedule.”
Biglang may humiyaw.
“BUDDYYYYY!”
May dumating na babae. Mestiza, sexy, naka-ripped jeans at t-shirt na may nakasulat na ‘Mainit ang Sabaw Ko’.
Si Taruts.
Lumapit siya kay Peachay, sabay BATOK!
“Oy, Buddy! May manliligaw ka palang mayaman?! Hindi mo sinasabi sa amin! Sinusolo mo pala ang mga Adonis ng corporate world, ha!”
Sabay KINUHA N’YA ANG KAMAY KO.
“Hi pogi! I’m Taruts, bestfriend ni Peachay! Baka gusto mong tikman ang pechay niya. Masarap ‘yan, laging fresh! Lalo na ‘yung nasa ilalim ng panty mabango ‘yon, Sir. Amoy ylang-ylang at pangarap!”
Napatigil ako. Si Jessica, halos mahulog sa hawak niyang clipboard. Si Peachay?
Pulang-pula. Hindi lang mukha, pati batok. “TARUTS!!!” sigaw niya.
Pero si Taruts? Walang hiya. “Love my pechay, baby UGH!”
Biglang tumakbo palayo, tumawa ng tumawa. Si Peachay? Naghabol. “HOY!!! PAGBALIK MO, BUBUNDULIN KITA NG KALABASA!!!”
Tahimik akong napatayo, hawak pa rin ang resibo ng presyo. Pero may ngiti na sumisingit sa labi ko. Hindi ko mapigilan.
Simple siyang babae. Maingay. Makulit. Walang filter.
Pero she’s exactly what this empire needs right now.
At baka... siya rin ang hindi ko alam na kailangan ko.