Contract

1909 Words
CHAPTER 8 PEACHAY POV Pagkatapos ng kabog na eksena sa palengke, hindi pa rin ako maka-recover sa kahihiyan. Diyos ko, ang blush sa mukha ko parang sinabuyan ng ketchup at sukang maanghang double combo ng kilig at kahihiyan! Kaya nang makalapit sa akin si Taruts, hindi ako nagpatumpik-tumpik. Binatukan ko. Hindi lang isa. Apat! Oo, apat na batok, sabay-sabay, para sa kalokohan niyang ginawa. “Araaaay!” sigaw ni Taruts habang napaupo sa monoblock. “Peachay! Bakit parang sinasampal mo 'ko ng sako ng bigas?!” "Eh kasi naman, sinira mo na ‘yung dignidad kong vendor lang pero classy!” sagot ko habang hawak pa ang talong na sana pang display lang. Mukhang genuine ang iyak ni Taruts. Yung parang sinabuyan siya ng luha ni Elsa sa Frozen. Naluluha talaga siya. Parang batang kinukuhanan ng kendi sa gitna ng blackout. “Wala ka talagang awa sa bestfriend mong marupok!” reklamo niya. “Eh ang pogi niya, hindi ko kinaya!” At habang nag-iingay kami sa gilid ng palengke, tumunog ang cellphone ko. Video call. Joy Bautista. Ang kaibigan naming sosyalin, maarte, at certified “Drama Queen ng Makati” na kasalukuyang nasa Spain. Sumagot agad ako. "Buddyyyyy!" bungad niya, naka-shades kahit gabi sa Madrid. “Kamusta na mga amigas?! Miss ko na ang bardagulan n’yo!” “Joy! Hoy! Huwag kang sumigaw, baka ma-ban ka sa embassy!” bulyaw ko habang nakapamewang. Sa likod niya, may view pa ng beach at parang may background music pang Spanish guitar. Nasa balcony yata, may hawak na wine glass na parang grape juice lang ang laman. “Napanood ko yung video n’yong dalawa ni Taruts! Viral na sa private GC natin. Bakit mo raw binatukan?!” tanong ni Joy habang humihigop ng ‘wine’ na mukhang Welch’s. “Hoy! Siya ang unang nagkalat! Kinindatan si Sir Hardtin, tapos biglang bumangka ng kabastusan sa harap ng CEO. Syempre, bilang guardian ng dangal ko BOOM, batok.” Umiling si Joy. “Grabe talaga kayo! Sa inyo walang boring moment. Na-miss ko ‘yung riot niyong dalawa!” “Na-miss ka rin namin, gaga! Pero ang tanong nasa Spain ka, pero bakit parang mas updated ka pa sa mga pangyayari dito?” tanong ko habang hinahampas si Taruts ng dahon ng mustasa. “Eh syempre, may satellite ako dito. Isa pa, si Ate Belya, taga-kanto, nagpadala ng voice memo! Ang sabi, ‘Nagka-bardagulan na naman sina Peachay at Taruts sa palengke dahil sa mayaman!’” Sumingit si Taruts, umiiyak pa ng konti. “Joy, sinaktan niya ako!” “Oy! Ikaw talaga Joy, wag mong kampihan ‘yan! Akala mo inosente, eh may tinatago ‘yang kabastusan sa bituka!” Bigla akong natawa nang malakas. Parang umangat ang init sa katawan ko mula talampakan hanggang anit. Hinampas ko pa ulit si Taruts pero pa-joke na lang. “Gaga, ‘wag kang magdrama. Mamaya papadalhan kita ng kwek-kwek para bumait ka.” Habang humahagikhikan kaming tatlo sa video call, dumaan si Mang Celso na may dalang balde ng bagong ani. Napa-parking brake ako ng tawa nang bigla siyang sumigaw, “Hoy mga dalaga! Tumigil na kayo sa kakasigaw ng ‘fresh na pechay,’ baka akalain ng barangay may pa-liga rito!” “Sorry, Mang Celso! Huwag po kayong mag-alala, hindi po kami magpa-fall lalo na sa mga walang pambili ng pechay,” sagot ko habang nagfa-flying kiss kay Joy. “Ay taray!” sigaw ni Joy, halos malaglag ang wine glass. “Ganyan ang Peachay na kilala ko. Fierce, fresh, at palaban! Kung pechay man ‘yan, hindi basta-basta lang ‘yan it’s high-value crop!” “Kaya nga eh,” dagdag ko habang nakataas ang isang kilay. “Kung may supply problem si Hardtin, aba, dapat ako ang puntahan. Hindi lang ako tindera, ako ang queen ng gulay!” Biglang tumigil si Taruts. “Peachay, alam mo ba? Kanina habang nag-aayos ako ng talong, may sumitsit sa’kin.” “Sino?” sabay kami ni Joy. “Si Etatskie…” Napasigaw kami pareho. “OH MY GULAY!!!” “Bakit hindi mo agad sinabi, gaga?!” tanong ko habang inaambahan siya ng plastic bag na may repolyo. “Kasi kinilig ako nang sobra. Tapos sinabi pa niyang, ‘Ang ganda mo ngayon ah, parang may bagong bunot na labanos ang ngiti mo.’” “WAAAAAAAAAAAHHHHHHH!” sabay kaming sigaw ni Joy. “Hoy! Hoy! Hoy!” tili ni Joy habang umiikot sa balcony niya. “Bakit parang rom-com na ang love life ni Taruts tapos si Peachay stuck pa rin sa pechay niyong literal?” “Gaga ka talaga,” sagot ko. “Okay lang ‘yan. Wala pa si Mr. Right ko, pero at least may steady income si Miss Left.” “Nakow, speaking of Mr. Right,” biglang sabi ni Joy. “Bakit ang balita, may meeting daw kayo ni CEO sa opisina next week?” Napadilat ako. “Ha?! Anong... paano mo nalaman ‘yon?!” “Nag-post si Jessica sa GC natin! May pa-picture pa ng kontrata. Nakalagay: ‘AgriVida + Peachay = Fresh Partnership.’” “Ay gaga siya!” sabay kaming nagtawanan. Pero sa loob-loob ko, may something. Parang kiniliti ako ng hangin sa batok. Si Hardtin? Yung CEO na mukhang hindi marunong ngumiti? Titingnan ako bilang supplier? At biglang sumingit si Taruts habang ngumunguya ng banana cue. “Hoy, Peachay. Kung sakaling i-invite ka ni CEO na lumuwas sa opisina, pwede ba akong sumama? Baka andun si... you know who…” “Sino?!” tanong ni Joy. Si Taruts, ngumiti lang. “Yung lalaking nagpapakulo ng damdamin ko... si Sir Etatskie.” At dahil sa kabaliwang ‘yon, tumambling na lang kami sa tawa. Ang ending? Naubos ang banana cue, pero hindi ang kalokohan namin. At ako? Abang-abang kung kailan darating ang Mr. Right ko na ready humawak… ng pechay ko. Maaga kaming nagligpit ni Taruts sa palengke, ubos na ubos kasi ang mga paninda ko kanina pa. Literal na nilanggam pati dulo ng sako ko dahil wala nang laman pati si Mang Etong bumili ng last bundle ng pechay ko habang sinasabi pang, “Miss Peachay, sarap ng luto ng misis ko kahapon sa pechay mo. Malutong kahit walang mantika.” Aba, pati mantika tinalo ng freshness ko? Wala na talaga. Habang pinupunas-punasan ko ang pawis sa noo ko at nagsasabi pa kay Taruts na, “Tara na, baka maabutan tayo ng ulan, baka mabasa pa Pechay natin,” biglang tumunog ang cellphone ko. Unknown Caller. Akala ko scammer lang na mag-aalok ng libreng load o kaya nag-aalok ng insurance kahit wala akong kinabukasan. Pero sinagot ko pa rin. “Hello?” Ang narinig kong sumunod na boses ay parang hinipan ng aircon. Malamig. Walang emosyon. Galing sa ilalim ng posporo. “Ms. Peachay Salazar. This is Hardtin Sarmiento.” Nag-blur ang paligid. Nawalan ako ng ulirat ng mga three seconds. “Yes po?!” sabi ko habang naglalakad ako paikot sa pwesto na parang lasing na tinamaan ng talong. “Be at my office at AgriVida Empire main branch. My secretary Jessica will meet you. The contract and the cheque are ready. Ten million. Don’t be late.” At pak! binaba na ang tawag. Gano’n lang? Walang “thank you”? Walang “ingat po sa biyahe”? Walang “uwu”? Sinabihan ko agad si Taruts. “Buddy, ang yaman ko na! Ten million daw! Sa wakas, makakabili na ako ng bagong tapayan!” Alas-tres ng hapon. Nakatungtong na ako sa AgriVida Empire. Ang taas ng building, parang sinasampal ako ng success sa bawat hakbang paakyat. May pa-hanging plants pa sa lobby, may receptionist na mukhang beauty queen, at aircon na parang galing Iceland. Pagbukas ng elevator, may sumalubong sa akin si Jessica. Secretary ni CEO Hardtin. Naka-skirt, naka-heels, at naka-ngiti na parang may pinaplano. “Peachay!” sabay yakap niya sa akin. “Grabe, Jess! Ang sexy mo ngayon ah! Hindi ko na tuloy alam kung dito ako sa opisina o sa runway!” sagot ko habang hinahampas ng bag ang braso niya. “Nako, girl, si Sir Hardtin nasa office. Ready na ang kontrata at ang cheque. Pero seryoso siya ngayon ha? Bawal kalokohan,” pabulong niyang sabi. “Ah ganon? Sige, bawal kalokohan... pero bawal din ang boring!” Pagpasok namin sa opisina ni CEO Hardtin, halos mapaihi ako sa kinis ng sahig. Baka pag nadulas ako dito, derecho ICU. Ang mesa niya? Mas malaki pa sa buong tindahan ko. May pa-wall fountain pa sa gilid, at ang bango ng opisina amoy mamahaling disinfectant at business success. Naka-upo si Hardtin. Naka-black long sleeves. Nakaayos ang buhok na parang laging may photoshoot. Nakatitig sa monitor habang nagta-type, pero nang pumasok kami ni Jessica, lumingon siya. “Ms. Salazar.” “Sir!” sagot ko habang nakatayo ng diretso. In fairness, pinilit kong mag-behave. “Take a seat. The contract is on the table. Jessica, get the documents.” Sumunod si Jessica. Pero habang kinuha niya ang folder, bumungisngis siya bigla. “Peachay, wag ka ngang tatawa diyan!” bulong niya sa akin habang may hawak na papel. “Eh kasi naman, akala ko papakainin mo ako ng mga kontrata. Akala ko buffet!” Tumawa siya, pero bigla ring napatili sa tawa niya at nahampas ako sa braso. Sa sobrang lakas ng palo niya, napausog ako at napa-subsub sa mesa ni CEO. At BOOM lips ko, dumapo sa pisngi ni Hardtin. Naging silent ang buong opisina. Si Jessica, napahawak sa dibdib niya. Ako, frozen. Si Hardtin, dahan-dahang napatingin sa akin na parang... hindi makapaniwala. “OH. MY. GULAY.” sigaw ni Jessica. “Napa... kiss ka kay Sir?!” “Hindi ko sinasadya!” halos sumigaw na ako habang nagtatakip ng mukha. “Sira ka talaga, Jessica! Kung saan-saan mo ako tinutulak!” Si Hardtin naman, kalmado pa rin. Pero napansin kong namula ang tenga. “Ms. Salazar,” aniya sa malamig pero pigil-tawang tono. “Let’s just proceed with the contract.” “Y-yes po, Sir. Promise po, hindi ko na po kayo mauupakan ulit. Sa mesa.” Naghalakhakan si Jessica. Napaupo siya sa carpet, hindi dahil pagod siya kundi dahil natapilok siya sa kakatawa. Habang pinipirmahan ko ang kontrata, sinabi ni Hardtin, “The cheque is inside. Jessica will walk you through the delivery schedule.” Tumingin siya sa akin. Diretso. Walang kurap. “And please, next time… less enthusiasm when entering the office.” “Noted po, Sir,” sagot ko habang kumukuha ng bola pen, pero tumapon ko sa sahig. “Oops,” sabay yuko ko, pero muntik ko na namang ma-bangga ang tuhod niya. “PEACHAY!” sigaw ni Jessica. “Tigilan mo na! Wala ka bang control sa katawan mo?!” “Wala! Automatic lahat ng parte ko!” Nang palabas na kami, humabol pa si Jessica ng hirit. “Peachay, girl, ikaw na ang first pechay supplier na may kissing scandal sa loob ng executive office!” “Hoy, wag mo nang i-post sa GC natin, please lang!” sagot ko habang takbo palabas ng opisina. “Hindi pa ako ready maging meme!” Tumawa si Jessica. “Pasalamat ka’t walang CCTV sa office ni Sir!” Paglabas namin, huminga ako nang malalim. Nasa kamay ko ang kontrata. Nasa dibdib ko ang kaba. Nasa mukha ko ang blush. At nasa isip ko? “Lord, ito na ba ang simula ng pagyaman ko? O ng bagong career bilang accidental kisser ng CEO?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD