CHAPTER 9 HARDTIN POV Pagkaalis nina Jessica at Peachay sa opisina, naiwan akong nakatayo lang sa harap ng mesa ko. Tahimik. Malamig. Pero hindi aircon ang dahilan. Iba ‘to. Napahawak ako sa labi ko. Gago na kung gago, pero hindi ko na maalis sa isipan ko 'yung nangyari kanina. Grabe 'yung halik na ‘yon aksidente man o hindi, parang may spark. Hindi lang basta dampi, ‘yung parang may nagbukas ng switch sa loob ko. Soft, warm, may konting bungo pa sa ilong ko. Hindi siya romantic, pero hindi ko rin siya matawag na ordinaryo. "Isa pa nga," bulong ko sa sarili ko, sabay irap sa sarili kong kaharutan. Biglang bumukas ang pinto ng opisina ko, halos mapalundag ako sa gulat. “KUYA!!!” Isang boses na parang may thunderbolt ng energy ang sumalubong sa akin. Paglingon ko, ayun na ang sagot s

