Hindi naging masaya ang klase pagka't wala silang napagtripan. Nang dahil sa naiilang ako sa Koshi ay niyaya ko sina Ate Bella at Ate Kylie sa boarding house upang doon mag-lunch. Sina Joda at Nora naman ay may pinuntahan. “Lint, nag-text pala ako kay Onse na pumunta rito kasi wala siyang kasama.” “Ate Kylie, naman!” “Ay, kunwari ka pa diyan! Ang dami mo kayang sinaing.” Hindi alam ni Onse ang boarding house ko. Ngunit nabanggit sa kaniya ni Ate Kylie na halos nasa harapan lang ito ng kaniyang dating lungga. Pupunta raw talaga siya. Kinakabahan ako na baka masilayan siya ng Koshi sa labas. “Lint, kaibigan ng girlfriend ko ang ka-fling ni Onse.” “Ang mahalaga Ate Bella ay nakalimutan mo na si Becky,” pang-asar ko habang si Ate Kylie ay kinikilig sa katawagan. “Nag-finger ka na naman

