Bawal kasing makitulog ang lalaki sa dormitory nina Ate Asrid. Ipinaalam lamang si Jing at si Jerdy kaya sila ay nakapasok. Sanay naman ang caretaker doon sa akin. Ipapaalam pa sana nila kami na roon makitulog dahil sa gabi na kaso kailangan daw talagang umuwi ni Jing. Ako lang ang nakakaalam na hinihintay siya ng kaniyang kasintahan. “Pwede ba akong makitulog kung sakaling closed na ang boarding house ko?” Katanungan ni Jing at pwedeng-pwede ngunit may nasabi ako. “Titignan muna natin kasi baka may isipin na naman sila kung sa boarding house ka matulog.” “Walang magiging isyu kung wala kang sasabihin,” salaysay niya at kung wala siyang gagawin. Nagtungo kami sa kanilang boarding house ngunit ito ay sarado na talaga. Nahihiya siyang gisingin pa ang kanilang landlady. Isa pa ay nanghihi

