bc

Granddaughter

book_age18+
7
FOLLOW
1K
READ
independent
brave
confident
inspirational
dare to love and hate
genius
like
intro-logo
Blurb

This compelling story tells of Ola Pheguia's story. the brave and beautiful young woman. her character will lead us to face the reality of our daily life.

Her character will help her to confront evil, and come out victorious after living through a story of unforgettable experience a that take her from poverty to immense wealth and power, from love to heartbreak.

chap-preview
Free preview
EPISODE ONE
Pupungas pungas bumangon si Ola sa maliit niyang kama. kung hindi niya lang iniisip ang pag aalaga ng maliit niyang step brother ayaw na sana niya bumangon sa kama. "Kahapon ka lang humingi ng pera ah, baka akala mo't tuma- tae ako ng pera!" singal kong sabi sa stepbrother ko. "Sabi ko naman sa'yo, ipasok mo'ko sa paaralan at para sa gano'n maging tahimik na ang buhay ko!" nakangising sabi ni Dante. Inirapan ko ito ng masama at parang kasalanan ko pa kung bakit nagkagulo-gulo ang kaniyang buhay. "Hoy! sisihin mo ang tatay mong batugan! aba at bakit ako pa ang naging responsibilidad sa buhay mo?" galit na sagot ko sa walang mudo na lalaki. Mula nang mag desisyon sumama ang aking nanay kay Tiyo Kanor ay naging magulo na ang buhay namin. bukod sa reklamador ang mga ito wala ng ibang inatupag ang mag ama kundi bigyan ako ng problema. Sa maliit na tindahan ako namamasukan kalapit ng aming barangay. Sabado at linggo naman ako naglalabada mula sa mayaman na pamilya sa awa ng diyos nakakaraos din sa pang araw-araw namin. Minsan kung hindi inaabot ng tupak si Aling Mily naaawa ito at inaabutan ako ng pambili ng ulam. pero dahil may kasama akong batugan sa bahay kailangan ko pang kumayod para sa mga luho ng mga iyon. "Hindi ka pa ba uuwi?" tanong sa akin ni Aling Mily. "Tataposin ko muna ito Ate, sayang din. pwede ng pambili ng sabon," Nakangiti kong sagot. "Ang swerte talaga sayo ng mag amang yan! at ito naman nanay mo hindi maiwan-iwan ang asawa niyang batugan!" nakapamaywang na sabi ni Aling Mily. Mabait naman si Aling Mily, sa katunayan lagi ako pinapahiram ng pera kapag gipit na gipit ako. katulad ngayon nahihiya ako mag sabi sa kaniya. Umiling ako at saka bumuntong hinga ako. "Ola, may kailngan ka ba? at kanina ka pa nakatayo dya'n?" tanong ni Aling Mily. "Ate, baka puwede umutang? kailangan ko po kasi ng pera," nahihiya kong sabi sa kaniya. "Magsabi ka kasi, magka'no kailangan mo?" sabay labas ng kaniyang pera sa wallet. "Limang daan lang po, babayaran na lang kita kapag nagka-sahod na po," nakayuko kong sabi sa matanda. "Oh siya, ito na't umuwi ka na." sabi ni Aling Mily. "Salamat po!" masaya kong sabi sa matanda. Umuwi akong may ngiti sa aking labi sa wakas may pambayad na sa paaralan ang aking bunsong kapatid. habang naglalakad ako naala-ala ko ang palamunin na mag ama. hindi nila dapat makita na may pera ako at kapag nag kataon kukunin nila ito. "Kuya, bitawan mo' ko, parang awa mo na!" pag mamakaawa ng aking kapatid. Dinig na dinig ko sa kabilang kanto ang iyak ng aking kapatid. mabilis na hakbang ang ginawa ko laking gulat ko ng mabungaran ko ang pang aalipusta ng mayabang na si Dante sa aking kapatid. "Walang hiya ka! ano' to? sinasaktan mo ang aking kapatid?" galit na sigaw ko sa kaniya. "Pag sabihan mo yang kapatid mo! at baka hindi ako makapag timpi!" Duro ni Dante sa' min. "Huwag mo' ko subukan Dante!" galit at mangyak iyak na sabi ko. habang yakap ko ang aking kapatid. Umiiyak na niyakap ako ng aking kapatid nanginginig ito sa takot. duguan ang kan'yang labi punit-punit ang kan'yang damit. "Ang sabi sa 'kin ni kuya hindi daw niya ako kapatid, Ate ano yong anak sa labas?" Umiiyak na sabi ng bata. "Akiko, huwag mo nang pansinin ang kuya Dante mo." nanginging kong sabi sa kaniya. No'n pa man madalas kong marinig mula sa bibig ng mag ama ang salitang anak sa labas, Oo anak daw ni nanay sa labas si Akiko. dahil malaking ang respeto ko sa aking nanay ipinag sa walang kibo ko na lang kung ano ang naririnig ko. Mula sa likuran narinig ko ang mahinang pag ubo ni nanay. "Wala kayo kadala-dala, ilang beses ko bang sasabihin huwag na n'yo pinag sasagot ang mag ama," Paninita ni nanay. "Kami pa ang masama ngayon, Inay? kailan n'yo ho ba kami ipagtatanggol?" tanong ko sa kan'ya. habang unti unting pumapatak ang butil ng luha sa akin pisngi. "Gan'yan ka naman palagi, dinadaan mo ako sa iyak," sabi nito sa' kin. hinahalungkat ang dala kong bag. "Ano'ng ginagawa mo?" nagtataka kong tanong sa kaniya. "Gusto ko sana bumili ng ulam," pagsisinungalin niya sa akin. "Nanay, may dala akong ulam." sabi ko sa kan'ya sabay agaw ko sa kaniya ang bag. "Akin na nga 'yan sabi!" Galit na bawi sa akin ang bag. Gusto kong umiyak at kaawaan ang aking sarili. kahit anong iwas ko upang hindi sumbatan ang aking nanay ay dumadating din sa puntong napupuno na ako. "Pambayad po 'yan ni Akiko!" gargar kong sigaw sa kaniya. "Sinisigawan mo na ako ngayon?" Isang malakas na sampal ang naramdaman ko sa aking pisngi. "Nanay?" hindi makapaniwalang saad ko sa kan'ya. "Anak, p--pag pasensyahan mo 'ko," umiiyak na sabi niya. Ito ang unang beses na nasaktan ako ng aking ina kaya't masakit para sa akin lalo na at dahil sa anak ng kan'yang asawa. Mabilis ako tumayo at tumakbo palabas ng bahay. hindi ko akalain na magagawa ako saktan ng aking ina. gayo'n ginawa ko na ang lahat ng pag sasakrepisyo para maitaguyod ko sila. "Ola! bumalik ka dito!" narinig kong sigaw ng aking ina. habang ang aking kapatid ay umiiyak itong humabol sa akin. "Ate! ate!" habol sa akin ng bata. Dahil sa pagmamahal ko sa aking kapatid ay binagalan ko ang paglalakad. hindi ko na alam kung saan ako nagkamali sa pag bibigay ng aral sa akin nanay. Minsan hindi ko na kilala ang kaniyang pag uugali. Gusto ko sumuko, gusto ko magpakalayo-layo sa kanila kung hindi ko lang iniisip ang kalagayan ng aking kapatid. Masyado pa bata si Akiko para lumaki sa harap ng mga taong walang ibang alam kun'di ang mag mura sa araw-araw. Luhaan ako humarap sa aking kapatid maging siya man ay umiiyak ito. "Ate, isama mo 'ko, ayaw ko sa bahay," sabi niya habang patuloy ito sa pag iyak. "Taha na, hindi ako aalis," sabi ko sa kaniya. sabay gulo ng kaniyang buhok. "Talaga? hindi na natin iiwan si nanay?" tanong pa nito. "Oo naman, kahit gan'on si nanay hindi ko pa rin kayang iwan," Umiiyak kong sabi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Lone Alpha

read
125.5K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.4K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
612.7K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
819.2K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.7K
bc

Bad Boy Biker

read
8.7K
bc

The CEO'S Plaything

read
19.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook