Third Person Ang inaasam-asam na katahimikan na matagal nang hinahanap ni Annika ay tila naging pabigat sa kanya ngayong hindi siya makatulog at nag-iisa sa pakikibaka laban sa mga mapanghimasok na iniisip. Sa kabila ng maaliwalas na tunog ng mga kuliglig at bahagyang liwanag ng buwan na tumatanglaw sa kanyang kwarto, ang mahimbing na tulog na kanyang pinakaaasam ay nanatiling mailap. Ang mga damdaming matagal na niyang itinatago ay muling sumiklab matapos ang kanyang komprontasyon kay Sadie sa istasyon ng pulis. “ARGH!” Napahiyaw si Annika habang malakas na hinampas ang kama sa pagkabuwisit at biglang umupo nang tuwid. Tiningnan niya ang orasan sa kanyang nightstand at nakita niyang 3:10 AM na ng madaling araw. Alam ni Annika na hindi nakabubuti ang ganitong pag-uugali, at ang pagkaunaw

