Ring, ring, ring. Naalimpungatan si Annika mula sa malalim na pag-iisip nang biglang umalingawngaw ang tunog ng kanyang telepono sa katahimikan. Agad niyang inabot ang telepono sa kanyang nightstand at laking gulat nang makitang si Kenzie ang tumatawag. Mabilis niyang pinunasan ang halo ng luha at uhog sa kalahating bahagi ng kanyang mukha at tumikhim para alisin ang bara sa lalamunan bago sagutin ang tawag. “Hello?” “Sabi ko na nga ba, gising ka pa.” “Ano? Paano mo nalaman…” “Dumating si Hunter at ikinuwento niya ang lahat ng kagaguhan at kasuklam-suklam na sinabi ng babaeng ‘yon sa’yo.” “Kenz, ayos lang ako.” “Huwag mo nga akong lokohin. Hindi ka okay! Kung okay ka, e bakit gising ka pa nang alas tres y medya ng madaling araw at parang umiiyak ka pa, ha?” “H-hindi ako…” “Umiiya

