Hastrup Finn’s point of view: Ilang araw na lamang ay araw na ng kasal namin ni Ash. Matapos ang halos isang buwan nang paghahanda, araw na lamang ng mismong kasal ang hinihintay namin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang sa susunod na mga araw ay sa tabi ko na magigising si Ash. Siya na ang huli kong makikita at mayayakap bago matapos ang buong mag hapon. Sa susunod na mga araw ay sa bisig ng isa’t-isa na namin maipapahinga ang pagod mula sa trabaho. Church wedding ang napili namin dahil naniniwala kami sa pagiging sagrado nito. Saksi ang maraming simbahan sa pag-iibigan namin ni Ash. Sa tuwing wala kasi kaming trabaho at nagkataong linggo ay hindi namin hinahayaang hindi makapag simba. Kapag nagkataon namang dalawang araw ang wala kaming pasok ay pumupunta pa kami sa

