Cillian Third’s point of view: Ngayon na ang itinakdang araw ng kasal nina Hastrup at Ruz. Saksi ako kung paano binago ng pag-ibig ang bawat isa sa kanila. Masasabi kong malaking bahagi ng kung sino sila ngayon ang isa’t-isa. Matapos ang maraming taong puno ng mga bagay na hindi inaasahan, mga bagay na nagturo sa aming lahat kung paano lumaban, magpakumbaba, tumanggap at maghilom, heto kami ngayon sa isang simbahan. Nagsama-sama upang tunghayan ang pag-iisang dibdib nina Hastrup at Ruz, araw kung saan magiging bahagi kami ng pinakamasayang araw nilang dalawa bilang magkasintahan. Nakatayo ako ngayon sa harap ng simbahan para hintayin sina mommy at ang kapatid kong si Autumn. Hindi pa nagsisimula ang seremonya dahil masyado pang maaga. Nauna lang talaga kami nina Hastrup dahil ako ang

