Mc Ashley’s point of view: Kasalukuyan ako ngayong nagluluto ng umagahan nang maramdaman ko ang pagyakap sa akin ng asawa ko mula sa aking likuran. Mag tatatlong buwan na rin kaming kasal ni Hastrup, sa bawat araw na lumilipas marami kaming nadidiskubre sa isa’t-isa. Maraming bagay ang mas minamahal ko pa sa kaniya. Sa loob ng isang buwan matapos ng kasal namin ay nangibang bansa kami para sa aming honeymoon. Kung titignan ay masyadong mahaba ang panahon na iyon ngunit parang kulang na kulang iyon dahil pag-uwi namin ay bumalik na kami sa normal naming mga buhay. Ang pinagkaiba lang ngayon ay sa iisang bahay na kami umuuwi pagkagaling sa trabaho. Napangiti ako nang halikan niya ang balikat ko at mas hinigpitan ang yakap sa akin. Nakatalikod pa rin ako sa kaniya ngayon kaya naman na

