Cillian Third’s point of view: Abala ang lahat sa buong Hospital ngayon dahil sa dami ng pasyente. Sunod-sunod ang naging admission namin kaya naman halos lahat ng mga Nurses at Doctors ay may ginagawa. Katatapos ko lamang mag rounds kaya naman ngayon ay patungo na ako sa Nurse Station para sa mga magpapa to follow na Nurses. Subalit habang papunta ro’n ay may isang Nurse ang humahangos na lumapit sa akin. “Doc, may bagong pasyente po tayo sa Bed 4,” aniya. Mabilis akong kumilos upang daluhan ang pasyenteng tinutukoy niya. Sa Bed 4 nga ay nakita ko ang isang babaeng nakahiga habang namimilipit sa sakit. “Ma’am saan po ang masakit?” tanong ko at mabilis naman niyang itinuro ang kaniyang abdomen or pelvic area. “How severe is your discomfort? Please rate 1 to 10,” muling tanong ko.

