Mc Ashley’s point of view: Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo ng hindi namamalayan. Ngayon nga ay mag lilimang buwan na rin magmula nang sagutin ko si Hastrup. Parehong bilang ng buwan magmula nang ipagtapat namin sa aming mga kaibigan at pamilya ang relasyon naming dalawa. Hanggang ngayon ay may kung ano pa rin sa akin ang hindi makapaniwalang kami na kaya naman madalas ay napapatitig lang ako sa mga kamay naming magkahawak sa tuwing magkasama. Sa kabila ng kawalan ng oras namin para sa mga personal na buhay dahil sa trabaho ay nagagawa pa rin niya akong puntahan sa tuwing magkaka oras siya. Araw-araw pagkatapos ng Duty ko ay sinusundo niya ako. Mabuti na lamang at napalitan na ang shift ko kaya naman 6 pm na ang out ko. Mas nabigyan kami ng pagkakataong makapag sama matapos

