Hastrup Finn’s point of view: Mabilis na lumipas ang mga araw, buwan at taon. Ngayon nga ay nalalapit na ang ikatlong anibersaryo namin ni Ash. Maraming taon na ang lumipas at masasabi kong marami na ring nagbago sa kung sino kami mag mula ng mahalin namin ang isa’t-isa. Bagamat hindi naging perpekto ang daan na sabay naming tinahak, pinili naming hawakan nang mahigpit ang kamay ng bawat isa. Nuon, akala ko ang tunay na pag-ibig ay iyong perpekto, ‘yon bang walang nagiging gusot o pagbabago. Akala ko nuon, kailangang walang magbago sa pagitan ninyo o sa isa sa inyo ngunit hindi pala gano’n. Normal lang pala ang mga bagay na ito habang tumatagal ang isang relasyon. Nasa inyo na lamang dalawa kung paano ninyo uunawain ang isa’t-isa at kung paano ninyo mahalin maging ang kaninaan ng baw

