Mc Ashely's point of view: Nagising ako kinaumagahan dahil sa direktang sinag ng araw sa mukha ko. Napangiti pa ako nang maalalang nasa bakasyon nga pala kami ni Hastrup ngayon. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko para tignan kung tulog pa siya ngunit wala na ito sa tabi ko. Iginala ko pa ang paningin sa kabuuan ng aming silid ngunit wala talaga siya. Sandali pa akong tumitig sa kisame bago nag pasyang bumangon at tumungo sa Cr upang makapag toothbrush at hilamos. Pagkatapos nga agad kong pinuntahan ang cellphone kong nasa ibabaw ng lamesa nang marinig ko ang pag tunog nito. "Good morning Love!" masayang bati ni Hastrup mula sa kabilang linya. "Where are you?" agad na tanong ko sa kaniya. "Miss me already?" natatawang tanong niya, hindi pinansin ang tanong ko. "No, I want

