Xophea Brielle Hughes’s point of view:
Pagkatapos nang naging pagtatapat ni Third kay Ashely kanina ay tuluyang nagsimula ang kasiyahan. Masaya kaming nagkwentuhan habang umiinom bagaman hindi ako nakipagsabayan sa kanila dahil na rin sa personal na mga dahilan.
Sa totoo lang ay hindi ko rin inasahan ang naging surpresa nila para kay Ash kanina kaya naman maging ako ay nagulat sa mga naging paandar nila. Masaya ako para sa kanila, alam kong pareho silang mabubuting tao at alam ko ring maalagaan nila ang isa’t-isa.
Matapos ang mahabang araw ay sabay-sabay na kaming bumalik ng resort upang makapag pahinga. Si Third ang maghahatid kina Hope at Ash habang sina Singh at Hastrup ang mag hahatid sa akin. Kailangan naming maghiwa-hiwalay dahil magkakaiba ng direksyon ang aming mga kwarto. Bago tuluyang maghiwa-hiwalay ay minsan ko pang binati sina Ashley at Third. Malawak ang ngiti nilang nagpasalamat sa akin.
“Thank you so much brother.” pagpapasalamat din ni Third sa kaibigang si Hastrup na tanging ngiti at tango lamang ang itinugon sa kaniya.
“Thank you, Singh.” baling naman nito sa isa. Hinahayaan ko pa silang mag-usap sandali hanggang sa magpaalam na kami sa isa’t-isa dahil magkakaibang direksyon ang mga silid namin.
Minsan pa kaming nagyakap nina Ash at Hope bago sila tuluyang tumalikod sa amin kasama ni Third.
“You guys can go to your rooms now, I can handle myself from here,” aniko kina Singh at Hastrup. Gaya nga ng inaasahan ko ay hindi nila pinakinggan ang sinabi ko.
“No, let’s go.” si Singh. Napairap naman ako sa kanilang dalawa at sumunod na lamang.
Light drinks lamang ang mga ininom namin kaya naman walang nalasing sa amin. Matino ang aming mga isipan kahit ba halos madaling araw na kami natapos.
“Sleepwell, Xos.” paalam sa akin ni Hastrup nang maihatid nila ako.
“We’ll see you tomorrow, good night.” Si Singh.
“Good night. I love you two!” nakangiting aniko. Nginitian naman nila ako pabalik bago maglakad papunta sa kani-kanilang mga kwarto. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang sila ay bumalik si Singh.
“Don’t forget to take your medicines before going to sleep,” pahabol na paalala nito, napangiti naman akong muli.
“I will.” maikling tugon ko at ginulo naman nito ang buhok ko bago patakbong habulin ang nakalayo ng si Hastrup. Mukhang hindi niya napansin ang pagbalilk sa akin ni Singh.
Dala ko pa rin ang saya hanggang sa makapasok na ako sa loob ng sarili kong silid. Matapos kong ibaba ang cellphone ko sa kama ay dumiretso na ako ng Cr upang maligo. Inabot ako ng halos isang oras sa loob bago magpasyang magbihis at matulog.
Mahabang oras na ang lumipas ngunit hindi pa r in ako makatulog sa hindi malamang dahilan. Ginawa ko na ang lahat ng madalas kong gawin sa tuwing hindi makatulog ngunit wala pa rin. Hindi ko na alam kung paano pang makakatulog kaya naman nag pasya na lamang akong lumabas at maupo sa gilid ng dagat. Iilang tao na lamang ang makikita habang palabas ako ng resort marahil dahil alas-dos na rin ng madaling araw.
Napayakap ako sa aking sarili ng dumaan ang malamig na hangin sa labas ngunit ipinag patuloy ko ang paglalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngunit hindi ako huminto hanggang sa isang pamilyar na tao ang natanawan ko.
“It’s late,” bungad ko bago maupo sa tabi niya. Gulat naman siyang napatingin sa akin.
“Yes, its late and why are you here?” tanong nito sa akin. Natawa naman ako ng mahina.
“Why are you here?” balik na tanong ko at idiniin ang salitang you.
“I don’t know,” anito matapos bumuntong hininga at muling tumingin sa bote ng alak na hawak niya.
“Is there something wrong?” tanong ko sa kaniya.
Sa katunayan ay kanina ko pa hindi ramdam ang presensya ni Hastrup. Kasama namin siyang nagkukwentuhan at umiinom kanina ngunit parang wala siya sa sarili niya. Nakikipag tawanan siya kasama namin ngunit mabilis iyong nawawala sa mga labi niya. Madalas ay nakakatitig lang ito sa baso niya, at minsan ay nagugulat pa kapag tinatawag namin ang pangalan niya upang makuha ang atensyon niya.
“Nothing. I just want to have some time alone,” tugon niya.
"Do you want me to leave?" tanong ko.
"No, it's fine." sagot naman niya at ngumiti sa akin.
"What's the matter?" muling tanong ko sa kaniya.
"I don't know. I don't really know what's happening to me." nakayukong sagot niya sa akin.
“Stop fooling yourself Hastrup, you know what's exactly is happening," aniko. Nanatili naman siyang tahimik kayat nagpatuloy ako.
Magmula pa kaninang umaga nang makasalubong ko sila ni Third ay naramdaman ko ng may kakaiba sa mga pag ngiti at kilos ni Hastrup. Hindi iyon nagbago hanggang kaninang hapon nang panoorin namin silang maglaro kasama ang panganay na anak ni Kuya Ryan na si Liam. Napansin ko na rin ang pag distansya niya kay Ashley pagkatapos nilang lumabas ni Third kaninang tanghali.
Matagal na kaming magkaibigan ni Hastrup rason upang halos memoryado ko na ang lahat ng ekspresyon at kilos niya. Dahil sa mga nangyari kanina ay duon ko lamang napatunayan ang mga hinala ko nuong nag daan na may gusto na siya kay Ashley. Sa paraan nito ng pagtingin at pag ngiti kay Ashley ay alam ko na. Hindi kailanman naging ganito si Hastrup noon kahit pa nuong naging mag karelasyon kami.
“You love her.” diretsong sabi ko. “you fell deeply, aren’t you?” sa pagkakataong iyon ay diretso siyang tumingin sa mga mata ko ngunit nanatili siyang tahimik.
“What are you going to do now?” tanong ko sa kaniya at narinig ko naman ang malalim niyang buntong-hininga bago muling uminom at tumingin sa dagat.
“I don’t know. Is there something I can do?” tanong niya matapos ay diretsong tumingin sa mga mata ko.
“Third is my bestfriend, Xos.” seryosong aniya. “I can’t lose him no matter how I felt about Ash,” umiiling pang dagdag niya.
“I know he can take care of her, that’s more than enough for me now,” nakatungong sabi niya.
“There’s already Third before I came, I think what’s happening now is reasonable,” patuloy niya. Nanatili naman akong tahimik habang nakikinig sa kaniya.
“I’m not mad or anything," he paused. “but I’m hurting. I'm hurting and I don’t know why.” natatawang sabi niya habang umiiling.
"I never planned to fall in love with her, it's just happened," diretso na itong nakatingin sa malawak na karagatan.
"It was never my plan to love her," muling wika niya. "everything happened uncontrollably and unexpectedly." patuloy niya.
"I never see this coming Xos," mahinang aniya. "If only I knew." muli siyang uminom.
“Now I know how painful it is to love someone who can’t love you back," natatawang aniya habang nakatingin sa akin.
"I never expect that loving someone can be this painful Xos." bahagya akong nakaramdam ng lungkot dahil sa sitwasyon niya ngayon. Kakaiba ang lungkot na makikita sa mga mata niya ngayon kahit pa ngumingiti at tumatawa siya.
“Most of the time, loving someone doesn’t mean you need to be part of their lives,” pareho na kami ngayong nakatingin sa dagat habang nasa ilalim ng maliwanag at malaking buwan.
“Loving someone doesn’t always mean that you need to hold them in your arms, kiss them before they sleep or hug them when they need someone to lean on,” patuloy ko at siya naman ngayon ang nanatiling tahimik.
“Because loving someone also means that you need to let them fly with someone they really want to fly with,” nakangiting aniko.
"Loving someone also means sacrificing your heart for their happiness" patuloy ko.
“Loving someone is also about letting yourself bleed while watching them loving someone else.” pagtatapos ko sa sinasabi.
Marahil Maraming hindi sasang-ayon sa lahat ng sinabi ko ngunit iyon ang reyalidad. Sa buhay hindi natin pwedeng ipilit ang mga bagay na hindi itinaktadang magsama o mangyari kahit gaano pa natin iyon kagusto.
Sa kasalukuyang panahon maraming nalilinlang sa ideya ng pag-ibig. Ang akala ng karamihan kapag nagmahal ka ay puro lamang saya. Ang akala nila, lahat ng nagmamahal ay minamahal din pabalik. Akala nila madali, akala nila lahat ay aayon sa sayaw ng pag-ibig ngunit hindi. Hindi alam ng karamihan ang sumpang dala ng pag-ibig. Iyon ang katotohanang kaya nitong pahintuin ang pag-ikot ng iyong mundo. May kapangyarihan itong hatiin sa maraming piraso ang pusong ibinigay ng buo.
Madalas hindi sapat ang pag-ibig upang magmahal at mahalin. Madalas hindi sumasapat ang pag-ibig upang manatili, hindi ito sumasapat upang maniwala sa salitang walang hanggan at walang iwanan. Nakakatawa dahil hindi lingid sa kaalaman ng iba na hindi lahat ng pintuang papasok sa puso ng iba ay liwanag ang makikita, dahil may mga pintuan ding magdadala sayo sa lugar na puno ng dilim at pagluha.
“Do you have any regrets?” tanong ko matapos ang mahabang sandali ng pananahimik sa pagitan naming dalawa.
“Nothing,” mabilis na sagot niya. “the moment I fell in love with her, there’s no such thing as bad day.” patuloy niya.
“Seeing her even from a far can put a smile on my face no matter how exhausting my day is,” nakangiting aniya habang umiiling. Natawa ako ng bahagya dahil sa mga sinabi at reaksyon niya.
“She brought out the best in me, Xos.” humina ang pananalita ng kaibigan ko.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal ni Hastrup sa labas ngunit pasikat na ang araw nang magpasya kaming bumalik sa resort. Alam kong wala akong naitulong upang maibsan ang sakit na nararamdaman niya ngunit ipinapanalangin kong sana’y sumapat ang pagsama ko sa kaniya upang maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Sana lang ay dumating ang araw na makangiti siyang muli ng walang halong pait.
Sa mundong ito hindi natin maiiwasang makaranas ng mga bagay na hindi natin gusto. Hindi natin matatakasan ang mga pangyayaring maaring maging rason ng pagsuko natin sa isang laban. Ngunit sana, kahit pa gaano ka pinahihirapan ng mundo, wag mong ibabalik ang galit at hinanakit mo sa kahit sino.