Chapter 36.

1958 Words
Mc Ashley’s point of view: Ito ang aming ikalawa at huling araw namin dito sa Resort. Alas-otso na ng gabi at katatapos lang naming kumain nang magpasiya kaming bumalik sa aming mga kawarto upang mag bihis. May inihanda raw kasing kasiyahan sina Hastrup at ang mga kaibigan nito bago kami umuwi bukas. Mauuna kasi kaming bumalik dahil may mga duty kami. Kasalukuyan ko ngayong hinihintay ang kaibigan kong si Hope na matapos magbihis ng susuotin nito. “Hoy, excited ka?” nagulat ako nang biglang magsalita si Hope paglabas pa lamang nito ng Cr. “Pwede ba wag kang nanggugulat!” sigaw na sabi ko sa kaniya. “Duh, hindi kita ginulat. Sadyang lumilipad lang ‘yang isip mo kaya hindi mo naramdaman ang paglapit ko!” balik na sigaw nito sa akin bago umirap. “Now, how do I look?” tanong nito matapos umikot sa harap ko upang ipakita ang suot nitong summer dress. Napanganga ako sa ganda ng hubog ng kaniyang katawan na tunay nga namang nabigyang diin dahil sa suot niyang sleeveless white boho dress. Nakalabas ang maliit na bahagi ng kaniyang dibdib na talaga nga namang dumagdag sa ganda ng kaniyang suot. Bumagay ang suot niyang ito sa kulay Morena niyang balat. Nakapusod rin paitaas ang kaniyang buhok rason upang mabigyang diin ang ang kaniyang leeg at collar bone. “Grabe ang ganda mo ngayon!” namamanghang aniko. “mas bagay yan sayo kaysa sa mga sinusuot natin sa Hospital.” dagdag ko. “Gusto kong maoffend dahil sa mga sinabi mo. Pero mas nagstay sa utak ko yung salitang maganda kaya wag na lang,” natawa naman ako dahil sa sinabi niya. “Ang dami mong sinasabi, halika na nga.” hinatak ko siya upang hindi na siya makaangal pa. “Sandali nga!” pinilit niyang bawiin ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko bago pa man kami makalabas ng pinto. “Ano na naman ba? Ang bagal mong kumilos!” asar kunwaring sabi ko. “Hindi mo manlang ba ipapakita sa akin kung anong itsura mo?” nakapamaywang na tanong niya. “Bakit ko pa kailangang ipakita eh makikita mo naman talaga dahil magkasama tayo!” asar na sabi ko. “Kahit pa gusto kong makita!” pagpupumilit nito bago humakbang ng dalawang beses upang makita ang buuan ko, napairap naman ako bago natatawang umikot rin sa harap niya. Simpleng baby blue beach dress lang ang suot ko, ang haba nito ay umabot sa taas ng aking tuhod. Gaya ng suot ni Hope ay sleeveless din ang dress na ito bagaman sarado ang dibdib na bahagi ngunit pinalitaw naman nito ang aking collarbone. Inilugay ko ang aking mahabang buhok dahil alam kong malaimig sa labas. Hindi ko alam kung bakit kami pinagsuot ng ganito ni Kuya Ryan ngunit sumunod na lamang kami. “Nakakainsulto lagi kagandahan mo.” umiiling na aniya bago ako muling hawakan sa braso at ayaing lumabas. Nagbibiruan kami habang nagalakad palabas ng resort upang mapuntahan na ang mga kaibigan namin. Paglabas ay naramdaman ko agad ang malamig na simoy ng hangin. Sabay pa kaming napayakap sa aming mga sarili ni Hope. “Sana pala nag jacket tayo.” natatawang aniya at sinangayunan ko naman iyon. Sa hindi kalayuan ay natanaw namin ang isang bonefire na napapaligiran ng ilang mga tao. Agad kong nakilala si Xophea malayo pa lamang kami kayat malamang ay duon gaganapin ang kasiyahang tinutukoy ni Kuya Ryan. Habang papalapit nga ay unti-unti ring nabuhay ang pananabik sa dibdib ko. Napakaganda ng bahaging ito ng Resort. Napapaligiran ng maliliit na ilaw at mga halaman maging mga bulaklak ang paligid, nasa gitna ng mga ito ang isang lamesa at mga upuang yari sa kahoy. Sa gilid na bahagi ng mga upuan ay naroon ang Bonefire kung saan nakalagay rin ang ilang mga pagkaing sa tingin ko ay iihawin. Sa lamesa naman nakapatong ang iba mang mga pagkain at sa baba nito naroon ang isang malaking cooler, marahil naroon din ang mga alak na iinumin ngayong gabi. Hindi ko maipagkakailang umiinom kami ni Hope ngunit hindi madalas. Ginagawa lang namin ito sa tuwing may selebrasyon, ngunit mga alak lamang na mababa ang alcohol content dahil hindi naman kami sanay sa alak. “Hi!” bati namin xi Hope kina Xophea, Singh at Kuya Ryan nang makalapit. “Oh hi, you’re finally here.” Nakangiti ring bati sa amin ni Xophea bago yumakap sa amin na siya namang ginantihan namin ni Hope. Napakaganda niyang tignan sa suot nitong mint green backless baho dress na halos umabot sa kaniyang talampakan. Naka pusod pataas ang mahaba nitong buhok rason upang mabigyang diin ang ganda ng kaniyang katawan at tangkad. “Hello everyone!” nakangiti ring bati sa amin ni Singh. Nakasuot naman ito ng white polo na nakaunbotton na pinaresan niya ito ng kulay brown na summer short. Ang simple niyang tignan ngunit naghuhumiyaw ang kagandahang lalaki niya. Hindi ko alam ngunit sa naging paglingon nito sa amin bago bumati ay para kong nakita sa kaniya si Third. Nasaan nga pala sina Third? Nauna sila sa aming umalis kanina sa hapag ngunit wala pa sila rito. Gusto ko sanang magtanong ngunit biglang nagsalita si Kuya Ryan matapos niyang bumati sa amin. “May mga kukunin lang ako sa loob” paalam niya kaya naman kaming apat na lamang ngayon ang magkakasama. Magkatabi sina Xos at Singh habang magkatabi naman kami ni Hope. Nagkukwentuhan kami habang naghihintay sa iba pa naming kasamahan. “How’s the life in medical field?” maya-may ay tanong ni Xos sa amin. “Honestly speaking? Life in medical field is exhausting,” tugon ni Hope. “yet rewarding.” nakangiting dugtong niya. “Can you guys imagine yourself in other profession aside from being Nurses?” si Singh naman ang nagtanong ngayon. “I can’t imagine myself wearing other uniforms aside from my uniforms as a Nurse,” nakangiti kong tugon, napatango naman sila ni Xos. “Aside from Nurse uniforms, I can see myself wearing apron” natatawang sagot din ni Hope. “I think I’ll be a great cook if I’m not a nurse.” patuloy niya. “Oh, so you can cook?” nakangiting tanong ni Xos sa kaniya. “No. Her cooking skill sucks,” singit ko at sinamaan naman ako ng tingin ni Hope. “Don’t believe her, I can cook better than she can,” si Hope napailing naman ako. Mahinang tumawa si Xos matapos iyon sabihin ni Hope. Napatitig ako sa kaniya habang tumatawa siya. Ngayon ko lamang sila nakasama ngunit hindi ako nakaramdam ng anomang pagkailang. Magaan sila kasama, nakikipag kwentuhan at asaran sila sa amin. Nuong una ay nagtaka pa ako dahil matatas silang magtagalog, yun pala ay talagang pinag aralan nila ang ating salita para sa kaibigan nilang si Hastrup bagaman nuon pa man ay may mga salitang Filipino na silang alam ni Singh. Nakakatuwa ang pagkakaibigang mayroon sila sa kabila ng mga lahi nilang magkakaiba. Nagtatawanan kami habang pinag-uusapan ang mga naging karanasan namin sa mundo ng medisina ng biglang mangibabaw ang isang musikang nagmumula sa madilim na bahagi nitong lugar. Napangiti pa ako sa gaan ng pagkaka tugtog sa pamilyar na kanta. Maya-maya ay nagulat ako nang biglang nagliwanag ang madilim na bahaging iyon at tumambad sa amin sina Third kasama si Hastrup at Kuya Ryan. Hawak ni Third ang acoustic guitar at mikropono haban keyboard naman ang hawak ni Hastrup. Si Kuya Ryan naman ay kwapong-gwapo sa suot nitong floral polo habang nakaupo sa drum set niya. Hindi ko alam kung paano nilang naitago ang mga iyon ngunit totoong hindi ko napansin na naroon sila. “So, this is the show.” Si Xos. Napangiti ako nang magsimula na ring tumugtog ang iba. Hastrup Finn’s point of view: Bagaman nuong una ay nakita sa mukha ni Ashley ang gulat, napalitan naman iyon ng ngiti ng lahat kami ay magsimula ng tumugtog. Minsan ko pang inilibot an paningin ko sa buong lugar bago pumikit at ipinagpatuloy ang pagtipa sa keyboard na hawak. Makalipas ngang tugtugin ang intro ng kanta ay kumanta na si Third. “Baby, I'm falling, head over heels Looking for ways to let you know just how I feel I wish I was holding you by my side I wouldn't change a thing 'cause finally it's real.” Mabagal at madamdamin ang pagkanta ni Third. Bawat salitang binibigkas niya a mahihimigan ang pag-ibig na ipinagtatapat niya sa pamamagitan nitong kanta. “I'm tryin' to hold back, you ought to know that You're the one that's on my mind Falling too fast, deeply in love Finding the magic in the colors of you” Nagmulat ako ng mata matapos kantahin ni Third ang huling linyang iyon ng kanta. Ngayon ay diretso na siyang nakatingin kay Ashley habang nakangiti. Marahil ngayon ay nagkakaideya na si Ash kung anong nangyayari. Maging sina Hope at Xos ay mukhang alam na kung anong ginagawa ni Third kaya naman bahagya silang gumilid upang maiwan sa gitna si Ashley. Dahan-dahang ibinaba ni Third ang hawak niyang gitara bago mag tumungo sa gitnang bahagi ang kanta. “You're the right time At the right moment You're the sunlight Keeps my heart going, oh-whoa” Habang kinakanta ni Third ang bahaging ito ng kanta ay naglakad siya papunta sa direksyon ni Ash dala ang bungkos ng mga bulaklak. Pinagmasdan namin sila hanggang sa tuluyang makalapit si Third kay Ash. Gaya ng plano ay ako ang nagtuloy ng kanta habang kinakausap ni Third si Ashley. “Know when I'm with you I can't keep myself from falling Right time at the right moment It's you You, it's you You, it's you Baby I'm falling, oh, deeper in love Everything that you are was all I'm dreaming of, yeah And if I can break enough to show you that I need us I'd give up everything I have, girl, just for you, oh-whoa” Mahina ang naging pagkanta ko, sapat lamang upang hindi makasira sa pagtatapat ng kaibigan ko. Hindi namin naririnig ni Kuya Ryan ang mga sinasabi ni Third dahil na rin siguro sa distansya namin sa kanila idagdag pa ang tunog ng mga instrumentong hawak namin. Ipinikit kong muli ang aking mga mata upang mas maramdaman ang kanta. Pinilit kong kantahin ito ng hindi nahahalata ng iba ang hindi maintindihang kirot sa puso ko. “'Cause you're the right time At the right moment You're the sunlight Keeps my heart going, oh-oh-whoa I know when I'm with you I can't keep myself from falling Right time at the right moment It's you Every night in my bed, I'm dreaming, oh-whoa That it's you in my arms I'm holding, oh-whoa Girl, all I want is you.” Kasabay nang muling pagmulat ng aking mga mata ay ang pagtanggap rin ni Ash sa bulaklak na hawak ni Third. Matapos nito ay agad na sumilay ang masayang ngiti nilang dalawa habang yakap ang isa’t-isa. Malamang ay pumayag si Ash magpaligaw kay Third. Nakatitig lang ako sa kanila hanggang sa lumapit na rin ang mga kaibigan namin upang yumakap kina Ash. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko, para bang may kung ano sa akin ang humihiling na sana ay wala na lamang ako rito. Masyadong malalim ang iniisip ko kaya naman hindi ko namalayan maging ang paglapit ni Kuya Ryan. “Hey, pull yourself together.” naibalik ako sa aking sarili nang tapikin ako ni Kuya Ryan at nagsalita. Wala sa sariling napasunod ako sa kaniya nang magsimula na rin siyang maglakad papunta kina Third. Habang naglalakad ay ramdam ko ang bigat ng pakiramdam ko subalit nang makita ko ang magandang ngiti sa mga labi ni Ashely ay napagtanto kong walang rason upang masaktan dahil alam kong magiging masaya siya sa taong pinili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD