Chapter 35.

1996 Words
Cillian Third’s point of view: Matapos magpasalamat ni Hastrup sa aming lahat ay masaya namin siyang kinantahan. Ito ang una niyang kaarawan kasama kami makalipas ang ilang taong pamamalagi sa ibang bansa. Pinagsaluhan namin ang mga pagkaing inihanda nila, napuno ng asaran ang naging kainan sa hapag. Maging ang ilang mga turista at staff ng resort ay nakisalo na rin sa amin. “Xos, Water?” habang kumakain kami ay tinanong ni Hastrup si Xophea rason upang mapalingon kaming lahat kay Xos. “Yes, please.” sagot nito sa kaniya. Tumayo naman si Hastrup ay ikinuha ng maiinom ang kaibigan. “You’re really not into seafoods,” ani Singh kay Xos pagkaalis ni Hastrup. Maraming pagkain ngayon at halos kalahati ng mga ito ay lamang dagat dahil na rin siguro nasa isang resort kami malapait sa dagat. “Poor me.” maikling tugon ni Xophea bago sila matawa pareho. “Give me your plate,” pagkarating na pagkarating pa lamang ni Hastrup ay kinukuha na niya ang pinggan ng kaibigan matapos ibigay ang kinuhang tubig para rito. “No, its okay I can handle,” sagot naman ni Xos. “No, you can’t.” nag sabay pang ani Singh at Hastrup. Nagkatinginan ang dalawa bago sabay ring magkibit balikat. Alam kong hindi lang ako ang nakatingin sa kanila ngayon dahil maging mga kasamahan namin sa lamesa kabilang na nga si Ruz at si Hope na ngayon ay nakakunot ang noo, mukhang may iba itong iniisip sa mga ginagawa ni Hastrup sa kaibigan. Walang nagawa si Xos kung ‘di iabot ang pinggan niya. Nang tignan ko ang inabot nito ay nakita ko ang maaring naging dahilan kung bakit ito ginustong kunin ni Hastrup. Mali ang pagkakabukas ng mga Crabs, maging ang mga hipon ay hindi nabalatan ngunit nabawasan. Marahil ay kinain iyon ng hindi manlang inaalis ang balat kaya rin marahil nasamid kanina si Xos kaya siya inalok ng tubig ni Hastrup. “Nauuhaw na ako, sana may mag-abot din sa akin ng maiinom,” rinig kong bulong ni Hope sa hapag. Kaharap ko silang dalawa ni Ruz sa gitnang bahagi ng lamesa, may isang metro ang layo mula kina Hastrup kaya naman rinig namin ni Ash ang sinabi niya. “Magbago ka muna,” sagot ko sa sinabi niya. “Manahimik ka nalang baka makalimutan kong Doktor ka,” asar na tugon niya. “Kelan mo ba ako itunuring na Doktor? Eh kahit nga sa Hospital ang pangit ng ugali mo.” pagsasabi ko ng totoo. Siya lang ata ang Nurse na hindi bumabati sa akin sa Hospital kapag walang nakatingin sa amin. Kung gaano siya kasungit sa akin sa labas ay gano’n pa rin sa loob. “Ang pangit mo kase, sumasama pakiramdam ko kapag nakikita kita,” nakangising aniya. “Akala mo naman ta-” hindi ko na natapos pa ang sasabihin dahil biglang nagsalita ang batang si Liam na kasalukuyang nakaupo sa pagitan namin ng kaniyang ama. “Are you guys fighting?” tanong nito sa amin ni Hope. Napalunok naman ako sabay lingon sa kaniya. “No.” si Hope. “No, we’re not.” sabay na tugon namin sa kaniya. “Okay.” maikling sagot ng bata sa amin. Nagsamaan pa kami ng tingin ni Hope bago kami muling magpatuloy sa pagkain. Maya-maya nga ay natapos kami at sabay-sabay nag punta sa aming mga kwarto upang makapag bihis at makapag pahinga bago muling lumabas mamaya. Malaki ang resort na ito dahil mayroon na ring Hotel sa loob. Nakareserve na ang bawat kwartong iookupa naming lahat kaya naman hindi na kailangang may magsama pa sa iisang kwarto. Maliban kina Hope at Ruz na mas piniling magsama sa iisang kwarto. Bukod sa kanila ay magkakasama rin ang bawat magkakapamilyang kasama namin. Hapon na nang magpasya kaming lumabas, masyado kasing mainit kanina kaya naman mas pinili muna naming pumunta sa aming mga silid. Nang humapon nga ay lumabas kami upang maligo. Malamig na ang simoy ng hangin, mataas na rin ang mga alon kaya naman binawalan muna ang mga kasama naming mga bata upang maligo. “Why can’t I joint you tito ninong? I can swim naman po better than tito ninong Hastrup can do.” nakasimangot na tanong ng bata. Kasalukuyan ito ngayong nasa harap namin nina Hastrup, Singh, Xos, Ruz at Hope. Kami lang kasi ang gustong maligo sa malamig na hapong ‘to. “You can’t swim?” natatawang tanong ng mapang-asar na si Hope sa kaibigan kong si Hastrup. “Of course, I can!” mabilis nitong tugon. Nagpapalipat-lipat ang tingin ng bata sa kung sino man ang nag sasalita sa amin. “Since when?” natatawa ring tanong ko. Sa pagkakaalam ko ay hindi marunong lumangoy si Hastrup noon bago siya umalis ng Pinas kaya naman maging ang batang si Liam ay iyon din ang alam. “Since the day he met me,” Si Xos ang sumagot kaya naman naibaling sa kaniya ang paningin namin. “He’s actually great now and can also do surfing aside from swimming” patuloy niya. “Woah! That’s cool brother!" bulalas ni Hope habang tinatapik-tapik ang balikat ni Hastrup na nakangiting tagumpay na ngayon. “You didn’t answer my question though,” nagulat kami ng muling magsalita ang batang si Liam. Kamuntik na naming makalimutan ang presesnsya niya. “You need your parent’s permission first kid, then we’ll answer your question.” Si Singh. “My tito ningongs are here, my parents allow me to do things when I’m with them.” sagot ng bata. Nagkatinginan naman kami ni Hastrup dahil sa narinig. “Then you two needs to deal with him.” pagatatapos ni Singh sa usapan habang nakatingin sa min bago naunang maglakad papuntang dagat. “See you later baby,” si Xos matapos ay pinisil ang pisngi ni Liam. Kinindatan pa muna niya kami ni Hastrup bago kami lampasan at sinundan si Singh. “Good luck guys!” mapang-asar na ani Hope bago kami tuluyang iwan. “You can do this!” nakangiting sabi naman sa amin ni Ruz bago rin kami tuluyang iwan at sumunod sa aming mga nauna ng kasamahan. Pinanood pa namin ang mga itong maglakad papunta sa dagat. Pareho kaming napabuntong hininga ni Hastrup bago ibalik ang paningin kay Liam. Minsan pa kaming nagturuan kung sino ang kakausap sa bata. Sa huli ay pareho kaming lumuhod upang magpantay ang taas namin kay Liam. “Liam, how about playing basketball tomorrow?” nakangiting alok ni Hastrup sa bata. Napangiti naman ako dahil tama ang larong binanggit niya, iyon ang hilig ni Liam. “Okay.” maikling tugon ng bata at masaya naman kaming nagkatinginan ni Hastrup. “But before that, let me swim with you now,” napawi ang mga ngiti namin at laglag ang balikat na muling tumingin sa batang si Liam. “Then tomorrow we’ll be playing basketball.” nakatigilid pa ang kaniyang ulo habang sinasabi ang mga ‘to. “Liam, let me share something about the sad reality of this life,” si Hastrup. “Masyado pa ‘yang bata para sa ganiyang usapin ano ka ba!” bulong ko sa kaniya matapos siyang sikuin. “Go on,” aniya habang diretsong nakatingin kay Hastrup. “I’m not a child anymore po,” patuloy niya na ang paningin naman ay nasa akin na. “I’m all ears tito ninong,” aniya bago pagkrusin ang mga braso sa harap namin. Malalim naman ang naging pagbuntong hininga namin matapos niya iyong sabihin. “Most of the time, no matter how you want,” panimula ni Hastrup, pareho naman kaming naghintay ni Liam sa mga susunod na sasabihin niya. “You just can’t have everything you want and that’s the time that you really need to choose between things,” malumanay na aniya. “because this life will not allow you to put everything in your plate.” nakangiting sabi niya. Hindi ko alam ngunit may kung ano sa akin ang nasasaktan dahil sa mga sinabi ni Hastrup. Iningiti ko nalang ang pakiramdam na iyon upang hindi nila makita. “And this time, the dilemma that I have is to choose between swimming and playing basketball tito?” tanong ng bata, sabay naman kaming napatango ni Hastrup. “Yes, Liam.” sabay naming ni Hastrup. Nanahimik si Liam, mukhang pinagiisipan nitong mabuti kung ano ang pipiliin. “Okay, we’ll be playing basketball tomorrow,” nakangiting aniya. Halos magyakap naman kami ni Hastrup dahil sa naging desisyon niya. “We’ll be playing basketball tomorrow,” paguulit namin sa sinabi niya, lalo namang napangiti si Liam. “Promise?” tanong niya. “Promise!” sabay na naman naming sabi. “Okay! See you later Tito ninongs!” masayang aniya sabay takbo pabalik sa loob ng resort. Nang makalayo na si Liam ay nag apir muna kami ni Hastrup bago maglakad upang mapuntahan ang aming mga kaibigan. Nang makarating kami sa pampang ay naratnan namin sina Xos, Singh, Hope at Ruz. Mukhang hindi pa naliligo ang mga ito dahil wala pa ni isa sa kanila ang nababasa. “Oh bakit hindi pa kayo naliligo?’ tanong ni Hustrup sa kanila. “They are waiting for the two of you, I really don’t know why,” kibit balikat na tugon ni Singh. “Where’s Liam?” tanong ni Xos, hindi pinansin ang sinabi ng kaibigan. Sabay naming itinuro ni Hastrup ang daan pabalik sa resort, mukhang nakuha naman nila iyon kaya napangiti silang lahat. “Cool!” si Xos at nakipag high five sa amin. “So, are we going to swim now?” singit na tanong ni Singh. “Let’s go!” masayang sagot ko. Sabay-sabay kaming lumusong sa tubig ng dagat. Malamig ito at sinasabayan pa ng malakas na hampas ng hangin, nakakagaan sa pakiramdam. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng lugar, kasingkulay ng bughaw na karagatan ang bughaw na kalangitan, ang puting kulay ng buhangin sa pampang ay pinatingkad pa ng mga berdend kulay ng iba’t-ibang punong kahoy sa paligid. Tila kami nasa pagitan ng mga Isla ngayon, nakakatuwa. Habang inililibot ko ang aking paningin ay nakita ko sa Ruz. Saktong paglingon ko sa kaniya ay ang pagdating ng malaking alon rason upang hindi maging balanse ang tayo nito. Mukhang hindi niya Inaasahan ang pagdating non dahil nakatingin siya sa gilid kaya mabilis akong kumilos upang saluhin siya dahil alam kong matutumba siya. “Ash!” rinig ko pang sigaw ni Hope. Nahawakan ko si Ruz sa braso, ito ang ginamit ko upang mahila siya pataas para hindi na siya tuluyang mailubog sa ilalim. Ginamit ko ang isa ko pang kamay upang alalayan ang likod niya. Nang iniangat ko siya ay naiyakap niya sa akin ang isang braso niya, rason upang pagtayo namin ay para kaming maykayap na dalawa. Ramdam ko ang bilis ng paghinga niya maging ang lakas ng t***k ng puso nito. "Are you okay?” tanong ko sa kaniya habang inilalayo sa kaniya ang katawan ko. “Ah, Oo. Hindi ko inasahan yung alon, 'di tuloy ako nakapag handa.” natatawang aniya bago tuluyang humiwalay sa akin. “Naks. Superman ah.” natatawang komento ni Hope sa ginawa ko ngunit hindi ko na siya pinansin bagkus ay napalingon ako kay Hastrup. Kumpara sa iba ay mas malapit siya sa amin ni Ruz, mukhang sinubukan niya ring malapitan si Ruz kanina, naunahan ko lamang siya. “Dito ka lang sa tabi ko." matapos kong guluhin ang buhok niya ay hinawakan ko siya sa kamay upang sabay kaming maglakad papunta sa mas malalim na parte ng dagat na kaya lamang namin. Hindi naman siya pumalag kaya magkahawak kamay kami habang naglalakad sa mababaw na mabahagi ng dagat. Hindi ako lumayo sa kaniya kahit pa ng naliligo na kami. May kung ano sa akin ang natatakot na malunod siya, lalo pa’t alam kong may mga pagkakataong hindi marunong mag-ingat si Ruz. Masaya naming inubos ang halos buong maghapon. Kahit ngayon pa lang kami nagkasama-sama sa isang bakasyon ay hindi kami nakaramdam ng pagkailang sa isa’t-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD