Chapter 34.

1623 Words
Cillian Third’s point of view: Nuong isang araw ay tinawagan ako ni Tita Analyn para sa araw na ito. Kaya naman alam ko na ang rason kung bakit niya ako inimbitahan at bakit kami narito. Sa katunayan ay isang araw lang ang ipinakiusap sa akin ni Tita upang manatili rito dahil alam niyang may trabaho ako subalit sinabi ko sa kaniyang nais ko ring manatili hanggat andito sila. Kinuha ko na rin kase ang oportunidad na ito upang huminga at makapag pahinga kahit ilang araw lang dahil na rin sa dami ng nangyari nuong mga nakaraang linggo. Nagkasabay kami nina Ash papasok sa resort, nagkatgulatan pa nga kami ng makita ang isa’t-isa. Malamang ay hindi rin nila inaasahang makita ako sa lugar na ito. Sa katunayan ay may kung ano sa akin ang inasahan ng narito siya dahil na rin alam ko kung gaano siya kalapit sa pamilya San Buenaventura. “May medical mission ka ba dito?” si Hope. Ito ang unang mga salita na lumabas sa bibig niya nang makita ako. “Wala.” maikling sagot ko sa tanong niya bago lumapit kay Ashley upang batiin siya. “Eh anong ginagawa mo rito?” muling tanong nito matapos hilain ang manggas ng suot kong White plain T-shirt na pinaresan ko naman ng itim na walking short. Nqkatalikod na ako sa kaniya dahil humarap ako kay Ashley. “Bakit ba ang dami mong tanong? Sa’yo ba ‘tong resort?” muli akong humarap sa kaniya upang asar kunwaring makapag tanong. “Wala kang pakialam! Ang sakit mo sa mata!” masungit na sigaw nito sa akin bago pumasok sa loob. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa pintong pinasukan niya. “That freak!” asar na bulong ko sa aking sarili nang marinig ang mahinang pagtawa ni Ashley sa tabi ko kaya naman kunot-noo akong lumingon sa kaniya. “Paano mo natatagalan ugali ng kaibigan mong ‘yon?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. “You mean, paano ko natatagalan ang ugali niyong dalawa?” tanong nito kasabay ng pagdidiin sa salitang “niyo”. “I’m not bad as her, Ruz.” seryosong aniko. “She’s not bad either,” aniya. “Okay, but she’s weird,” muling sagot ko. “And so as you.” inosenteng sabi niya. “What? No!” dipensa ko. Hindi na ito nakipag bangayan pa ngunit malakas itong tumawa. Nuong una ay nakaramdam ako ng konting pagkaasar subalit hindi para sa kaniya kung ‘di para kay Hope. Hindi ko maintindihan kung bakit parang laging umiinit ang ulo niya sa tuwing nakikita ako. “Lambingin mo rin kase minsan hindi yung nakikipag asaran ka,” maya-maya ay aniya. “What? Lambingin? Why would I?” sunod-sunod na tanong niya. Hindi ko maintindihan kung anong gusto niyang gawin ko. “Oh galit ka na naman." anito rason kung bakit nangunot ang aking noo. “I’m not mad, okay? I’m just explaining my side.” Sagot ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit muli na naman siyang natawa dahil sa sinabi ko. tumitig ako sa kaniya ng nakakunot ang noo ngunit hindi pa rin siya mahinto sa kaniyang pagtawa. Habang tumatagal ay bumagal ang naging pagkilos niya sa paningin ko. maging ang paligid namin ay tila lumabo at siya lang ngayon ang malinaw na nakikita ko. Napakaganda niya lalo na sa tuwing tumatawa siya. “Are you done?” seryoso kunwaing tanong ko sa kaniya rason upang pilit niyang pigilan ang muling pagtawa. “Ang sungit mo! Halika na nga!” hinatak nito ang braso ko papasok sa loob. Napangiti ako dahil sa ginawa niya kaya naman hinayaan ko siyang hatakin ako papasok. Nang makapasok kami sa loob ay totoong namangha kami sa lugar. Para itong isang munting hardin ng Paraiso na nasa tabi ng karagatan. Nakakabilib ang husay ng pagkakaayos ng mga halaman at mga bato, maging ang mga patay na kahoy na idinikit sa ilang bahagi ng mga pader na nilagyan pa ng ibang palamuti rason upang maging eligante ang mga ito. Nakalatag ang mahabang lamesa sa loob kung saan nakalagay ang marami at iba’t-ibang uri ng pagkain. Lunch Celebration ang inihanda ni Tita para sa kaarawan ni Hastrup. Inasahan na naming makakalimutan niya ang araw na ito dahil masyado siyang abala kaya naman naisip naming surpresahin siya. “Wow!” komento ko sa lahat ng nakita. “Ninong Thirdy!” sigaw na tawag sa akin ng panganay na anak ni Kuya Ryan bago patakbong lumapit sa akin upang yumakap. Siya ang unang nakapansin sa amin nang tuluyan kaming makalapit sa kanila. Malapit ako sa pamilya ni Hastrup. Siya lang kasi ang kaibigan ko nuon bagaman nagkaroon ng iba pang mga kaibigan nang umalis ito papuntang America hindi nawala ang pagiging malapit ko sa kanila. Madalas ako sa bahay nila magmula ng maging magkaibigan kami rason upang maging ang kanilang mga tauhan at kasambahay ay nakasundo ko. Kahit pa nuong nakaalis na siya ay hindi ako nagdalawang isip na dalawin sina Tita Analyn at Tito Mark nuon maging sa ngayon kapag may bakanteng oras. “Liam!” pagtawag ko sa pangalan niya bago lumuhod upang magpantay kami at komportableng mayakap ang isa’t-isa. Pitong taong gulang pa lamang ang panganay na lalaki ni Kuya Ryan. Sanggol pa lamang ito ay madalas na naming laruin ni Hastrup, iyon nga lang ay ako lang ang mas nakasama nito nang lumaki siya dahil nga umalis si Hastrup upang mag-aral sa ibang bansa. Panganay ako at nag-iisang anak naman si Hastrup, si Kuya Ryan ang madalas naming kasama nuon nakaya naman siya ang nagsilbi naming nakatatandanag kapatid. “How are you big boy?” tanong ko sa kaniya bago guluhin ang buhok niya. “I miss playing basketball with you,” malungkot na anito. “Let’s play then,” nakangiting aniko. Nanlaki naman ang mata niya at mabilis na napangiti. “Really? Now?” sunod-sunod na tanong niya. “No.” nagulat kami ng biglang may magsalita. Sabay kaming napalingon kay Ate Privia, ang kaniyang ina. “We need to wait for Ninong Hastrup. They are on their way here now,” aniya. Napanguso naman ang bata kaya tinapik-tapik ko ang balikat nito. “Chin up! We can play after Ninong Hastrup’s celebration.” nakangiting sabi ko sa kaniya bago tumayo. “Is that a promise?” naninigurong tanong niya, napangiti naman ako at tumango. Bumalik ang ngiti at sigla ng bata dahil sa sinabi ko. Nang umalis ito upang lumapit sa kaniyang kapatid na kalong naman ng kaniyang ina ay lumapit na ako kay Tita Analyn upang bumati at ganonn rin ang ginawa ni Ashley. “It’s been a while, tita.” bungad ko kay Tita Analyn bago lumapit sa kaniya upang yumakap. “How are you tita?” tanong rin ni Ashley kay Tita at sunod na yumakap sa kaniya. “Thank you so much for coming here." mabagal na aniya habang nakangiti sa amin. Matapos ng sandaling pag-uusap ay lumapit na kami sa iba pang mga bisita ni Hastrup upang bumati. Doon nga ay nakita ko rin ang dalawang kaibigan ni Hastrup mula sa ibang bansa na sina Xophea at Singh. Bumati kami nina Ashley sa kanila, at nang matapos ay tumungo na si Ash kay Hope habang nanatili naman akong nakipag kwentuhan kina Xos. “We’re actually here 2 days ago,” sagot ni Xos nang tanungin ko kung kailan pa sila nasa Pinas. “You came here just for this, or you have other business here?” muling tanong ko . “Hmmm. Of course, we came to celebrate his birthday with him but since we are already here, we’ll also discuss something to Hastrup with regards to our new project in New York.” mahabang paliwanag nito. “Oh New York, that’s nice!” komento ko. “Yah, I just hope he’ll do this with us.” laylay ang balikat na aniya. “What made you think that he might decline your offer?” takang tanong ko. “He don’t accept projects from other countries anymore.” si Singh ang sumagot sa tanong ko. “Really?” tanong ko at sabay naman silang tumango. “tss. That jerk,” aniko. Di hamak na mas malaki ang kikitain niya sa mga proyekto sa ibang bansa. Ano naman kaya ang naisip ng taong ‘yon para tanggaihan ang mga ito? “Yah, he’s a total jerk,” natawa kaming tatlo matapos non. Hindi pa man nagsisimula ang selebrasyon ay masaya na ang paligid. Maingay ang lugar dahil sa tawa ng bawat isa dahil na rin kay Hope na kanina pa walang hinto sa pagsasalita. Nag ngitian kami ni Ashley nang magtama ang paningin namin. Kasalukuyan itong tumutulong sa pag-aayos ng ilang gamit sa lamesa habang kausap ko naman ang ilan sa ibang mga kasama namin. Makalipas ang halos kalahating oras ay maayos na ang lahat. Maya-maya nga a natanawan na namin sina Hastrup kasama si Kuya Ryan. Nagsama-sama na kami upang isagawa ang surpresa para sa kaniya. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ay napapangiti na ako, siguradong hindi inaasahan ng kaibigan kong ‘to ang makita kaming lahat ngayon. Sa di kalayuan ay natanaw ko siyang paikot-ikot ang paningin, malamang ay namamangha rin siya sa lugar na ito. “Happy Birthday Architech!” sigaw naming lahat. Napahinto siya sa paglalakad at gulat na tumingin sa aming lahat. Bahagya pa kaming natawa dahil bukod sa nanlalaking mga mata ay tanging paglunok lamang ang naging reaksyon niya. Hindi siya naka kilos agad kaya naman si Tita Analyn na ang lumapit sa kaniya. Lahat kami ay nakatingin lang sa mag-ina lalo na ng emosyonal na batiin ni tita ang anak. Naghuhumiyaw sa pagmamahal ang mag-anak, sayang lang at hindi namin kasama si Tito Mark ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD