Hastrup Finn’s point of view:
Halos mapabalikwas ako ngp pagbangon nang makita ang oras sa cellphone ko. Kagabi ay sinabihan ako ni Mommy na magising ng maaga dahil magpapasama siya sa akin ngayon para sa kaniyang monthly chech-up ngunit alas-nuebe na ay hindi pa ako nakakaligo. Tatayo na sana ako upang tumungo sa Cr nang mahagip ng paningin ko ang isang puting papel na nakapaibabaw sa study table ko. Kinuha ko iyon at binasa ang nakasulat sa loob.
“Ryan will be waiting you outside, hurry up! From Mom.” napangiti ako ng makita ang sulat kamay ni mommy.
Hindi ko alam kung gaano na katagal sa study table ko ang sulat na iyon ni mommy kaya naman binilisan ko nang maligo. Pagkatapos ko ngang ayusin ang sarili ko ay mabilis akong lumabas upang hanapin si Kuya Ryan. Subalit bago lumabas ay dumaan muna ako sa kusina upang makainom ng tubig. Doon ay naratnan ko naman si Kuya Ryan dala ang isang bottled water. Mukha ring palabas na ito at nagkagulatan pa kami nang mapansin ang presensya ng isa’-isa.
“Tara na?” masiglang tanong niya sa akin.
“Sige Kuya, iinom lang ako.” tugon ko.
“Antayin kita sa labas.” aniya pagkatapos ay nilisan na ang kusina.
Gaya ng sinabi niya ay hinintay niya ako ngunit hindi sa labas kung ‘di sa terrace ng bahay. Nang magtama ang paningin namin ay bigla siyang ngumisi rason upang mangunot ang noo ko.
“Tara na?” alangang tanong ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot agad sa tanong ko kaya naman sandali kong napag-aralan ang kabuuan niya. Nakasuot siya ngayon ng isang mint green color na polo, nakaunbutton ang unang dalawang butones nito sa taas na pinaresan naman niya ng tailored grey twill walking shorts.
Halos pareho kami ng suot ngayon, ang kaibahan lang namin ay Long sleeve polo na kulay puti ang suot ko na itinupi ko naman hanggang siko upang hindi masyadong magmukhang pormal habang Navy blue pocket Cargo shorts naman ang suot kong pangbaba.
“Okay!” anito matapos ay nag suot ng itim na sunglass at naunang maglakad.
“Weird.” bulong ko sa aking sarili.
Sumunod ako sa kaniya at ngayon nga ay papunta na kami sa garahe kung nasaan ang mga sasakyan namin. Subalit kataka-takang sasakyan ko lamang ang naroon. Magtatanong na sana ako kung nasaan ang iba naming sasakyan ngunit naunahan na ako ni Kuya Ryan magsalita.
“Sasakyan mo muna ang gagamitin natin. At dahil sasakyan mo, ikaw magdadarive.” dire-diretsong aniya. Halos mapanganga naman ako dahil sa mga narinig mula sa kaniya.
Ngunit kahit pa naguguluhan sa iniaasta ni Kuya Ryan ngayon ay sinunod ko ang sinabi niya. Sasakyan ko ang ginamit namin at ako ang nagdrive.
“Tara dito,” ani Kuya Ryan paglabas namin ng gate sabay harap ng screen ng cellphone niya sa akin. Mabilis ko naman iyong tiningnan.
“Masamerey beach?!” gulat na tanong ko sa kaniya matapos mabasa sa cellphone niya ang lugar kung saan niya balak pumunta at natawa naman siya sa naging reaksyon ko.
“Kuya Kailangan kong samahan si mom,” aniko habang nakatinggin sa daan.
“Sumunod ka nalang.” sagot nito sa sinabi ko. Nagugulat pa rin talaga ako sa mga nangyayare ngayong umaga lalo na sa mga desisyon ni Kuya kaya naman hindi ko alam kung ano ang dapat maging reaksyon.
“Malayo-layo yan kaya matutulog muna ako, ikaw na bahala.” ani pa niya bago ipwesto ang sarili upang makatulog sa passenger seat kung saan siya nakaupo ngayon.
“Teka kuya ano ba? Seryoso ka ba?” magkaka sunod na tanong ko sa kaniya matapos siyang hatakin sa braso.
“Oo nga. Gamitan mo na lang ng GPS para malaman mo kung saan dadaan.” seryosong aniya bago pumikit.
“Saan ba kasi ‘to?” muling tanong ko.
“Sula Pangasinan.” maikling tugon niya.
“Sual Pangasinan?” paniniguro ko. Kung tama ang iniisip ko ay halos tatlong oras ang layo ng lugar na iyon mula rito.
“Yep! Sual Pangasinan.” napailing na lamang ako dahil sa mga nangyayari ngayon. Bago tuluyang manahimik at magdrive ay tinext ko muna si Mom upang sabihing hindi ko siya masasamahan dahil nagpasama si Kuya Ryan sa akin.
Gaya ng sinabi ni Kuya Ryan ay gumamit ako ng GPS upang makarating sa lugar ng hindi naliligaw. Habang nasa daan ay masyadong tahimik sa loob ng sasakyan dahil nakatulog nga si Kuya Ryan.
Nangangawit na ako dahil sa tagal ng byahe, kaya naman makalipas ang mahabang sandali ng pagdadalawang isip ay balak ko ng gisingin si Kuya upang makipag palit. Handa na akong gisingin siya ngunit natanawan ko na ang dagat pati na rin ang arko na nagsasabing nasa Sual na kami.
Napangiti ako dahil sa nakita, ibig sabihin lang nito ay malapit na kami sa aming destinasyon. Kaya naman hinayaan ko na lamang na matulog si Kuya Ryan. Patuloy kong sinundan ang idinidiktang daan ng GPs hanggang sa tuluyan kaming makarating.
“You have arrived to your destination.” Inihinto ko ang sasakyan matapos marinig iyon. Rason kung bakit magising si Kuya Ryan.
“Andito na tayo?” agad na tanong niya.
“Siguro?” tanong ko pabalik sa kaniya bilang tugon.
“Wala pa.” nagulat ako sa sinabi niya. ang buong akala ko ay nakarating na kami.
“Tara na sa resort na tutuluyan natin.” muling sabi niya. Naguluhan ako sa sinabi niya kaya naman hindi ko napigilang magtanong.
“Tutuluyan?” takang tanong ko sa kaniya.
“Tutuluyan.” tugon niya.
“Kuya hindi ko naiintindihan. Anong meron?” tanong ko.
“Dagat?” tugon nito. Napapikit ako dahil kanina pa nito hindi nasasagot ng maayos ang mga itinatanong ko.
Hindi ako kumibo sa itinugon niya bagkus ay diretso akong tumingin sa mga mata niya habang nakahawak sa manibela ng sasakyan ang mga kamay.
“Malalaman mo rin mamaya, halika na.” aya niya sa akin bilang pagtatapos nito sa usapan.
Wala akong nagawa kung ‘di ang sumunod muli sa sinabi ni Kuya Ryan. Muli akong nagdrive papunta sa resort na sinasabi niya. Hindi iyon kalayuan kaya naman mabilis kaming nakarating doon.
“SB Resort” basa ko sa malaking pangalang nakaukit sa unahan ng resort na pinuntahan namin.
“Welcome sir,” naging magalang sa pandinig ko ang birong iyon ni Kuya Ryan nang makababa kami ng sasakyan matapos kong pumarada sa parking space nitong lugar.
“You’re weird brother.” natatawang sagot ko sa kaniya.
Kibit balikat lang ang isinagot sa akin Kuya Ryan kaya naman pumasok na kami sa loob. Ngunit bago ‘yan ay nag fist bump muna kami bago sabay na isinuot muli ang mga sunglasses namin. Napangiti pa kami pareho bago humakbang papasok sa loob ng resort.
Sa b****a pa lang makikita na ang iba’t-ibang uri ng halaman sa paligid. Mga halamang nakasabit gano’n rin ang mga nakatanim sa mismong lupa. Halatang pinag tuunan ng pansin ang pagsasaayos sa mga halamang ito dahil maging ang lupang ginamit ay halatang sinadyang dalhin dito. Kung titignan ang pagkakaayos nitong lugar ay tila ka nasa gitna ng paraiso sa kagubatan. Yari naman sa puting mga bato ang daan sa gitna na siyang nagbigay ng kakaibang ganda sa berdeng kapaligiran. Nakakatuwa dahil kung sa labas ay karagatan ang tema, sa loob nitong resort ay tila naman isang Paraiso sa dami ng mga berdeng halaman at handmade falls at fountains.
Abala ang aking paningin sa pagsipat sa kabuuan nitong lugar kaya naman nagulat ako sa biglang pag-iingay sa paligid.
“Happy Birthday Architect!” sabay-sabay na sigaw ng mga tao sa paligid.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon. Napahinto lamang ako sa paglalakad at marahang inilibot ang paningin ko sa mga taong nasa harap ko ngayon. Kompleto ang mga taong Itinuturing kong pamilya. Mag mula sa aking ina hanggang sa aming mga tauhan sa bahay. Sa aking mga kaibigang sina Singh, Xos at Third. Ngunit mas ikinagulat ko ang presensya nina Ash at Hope.
Sinalubong ako ng aking ina ng isang mahigpit na yakap, napapikit ako dahil sa ginawa niya. Magmula ng gumanti ako ng yakap sa kaniya ay nagsimulang kumanta ang mga kasama namin rason upang tuluyan kong maalala na araw nga pala ng kaarawan ko ngayon. Masyado akong naging abala sa trabaho nitong mga nakaraan kaya naman pati ang aking kaarawan ay nawala na sa aking isipan.
“Happy Natal day, son.” emosyonal na bati sa akin ni mama habang magkayakap kami. Maging ako halos maging emosyonal din dahil sa surpresa nilang ito subalit ayokong maging iyakan ang ang dapat sana’y masayang selebrasyon.
Pagkatapos naming magyakap ay sumunod na lumapit sa akin ang mga kaibigan ko upang batiin ako at bigyan ng yakap.
“Happy birthday, baby.” si Xos ang unang lumapit sa akin matapos ni mommy.
“It’s nice to see you again brother. Happy birthday.” bati naman sa akin ni Singh. Ginantihan ko ang yakap niya pagkatapos kong magpasalamat.
“Kailangan mong bayaran ang sahod ko habang andito ako.” si Third. “Happy Birthday!” hindi ko alam kung magpapasalamat ako sa kaniya dahil sa una niyang sinabi.
“Sige basta ‘wag ka ring kumain habang narito ka.” sagot ko sa kaniya. Sandali pa kaming nag asaran bago ako lumapit kina Manang Fe at Kuya Ryan sa kanilang pamiya.
“Hi. Thank you for coming,” matapos kong lumapit sa iba ay lumapit naman ako kay Ashley.
“No worries. Happy Birthday.” nakangiting bati niya. Napangiti rin ako sa kaniya, gusto ko pa sanang dagdagan ang pag-uusap namin ay nahagip ng paningin ko si Hope na ngayon ay may nakakalokong ngisi habang nakatingin sa amin ni Ash.
“Salamat sa pagpunta,” aniko. Tinaasan naman ako nito ng kilay bago magsalita.
“Kung makapag salita ka naman parang gusto mo na akong pauwiin,” inirapan niya pa ako matapos sabihin iyon.
“Halata ba?” natatawang tanong ko kunwari sa kaniya.
“Ang pangit ng ugali mo uuwi na ako!” asar kunwaring aniya rason upang mas asarin ko pa siya.
“Hindi mo na ba aantayin?” seryosong tanong ko sa kaniya.
“Na ano?” tugon niya.
“Na pauwiin kita.” seryosong sagot ko, natigilan naman siya.
Nagtawanan kaming lahat dahil sa naging reaksyon niya. Hindi na siya sumagot matapos kong sabihin ‘yon kahit pa tumatawa kaming lahat.
“Hoy Biro lang!” pang-aalo ko sa kaniya habang inuuga ang balikat niya.
“Wala akong pakialam!” sigaw nito na ikinagulat naming lahat dahil sa biglang pagtaas nito ng boses.
“Hoy tinatakot mo sila!” napalingon kaming lahat sa pagsasalitang iyon ni Ashley.
“Hala totoo ba? Biro lang po. Pasensya na.” nahihiyang ani Hope.
Sandaling nanahimik ang paligid ngunit nawala iyon nang magsabi ang isang anak ni Kuya Ryan na si Liam tungkol sa gutom niya. Kaya naman minsan pa silang umawit at bumati sa akin bago ko ihipan ang kandila sa inihanda nilang cake para sa akin. Pagkatapos manalangin ay sabay-sabay na kaming kumain. Sa kauna-unahang pagkatataon, sumapit ang kaarawan ko ng wala ang aking ama. Sa kabila ng maraming tao, hindi ko maiwasang mangulila sa kaniya.