Chapter 9.

1751 Words
Hastrup Finn’s point of view: Nagising ako sa malakas na katok at boses ni Xos mula sa labas ng kwarto ko. Sa paraan nito ng pagtawag sa akin ay alam kong kakaunti na lamang ang pasensyang natitira sa kaniya. Mag dadalawang linggo na rin sila ni Singh dito sa Pilipinas. Kahit pa natapos naming ifinalize ang proyektong kailangan naming ipresent sa kompanyang nakausap namin matapos ang dalawang araw mula ng sila’y makarating dito ay pinili pa nilang manatili sa bansa dahil sa susunod na buwan pa naman kailangang ipresent sa kompanya ang nasabing proyekto. Ayon din sa kanila ay gusto rin nilang mag bakasyon muna. Alam ko ang hirap ng trabaho nila kaya naman sinuportahan ko na lamang ang desisyon nilang dalawa. “Hastrup! Are you still alive? My goodness tanghali na! Para kang nasa night shift duty kung tanghaliin ng gising ah!” muling sigaw nito mula sa labas. Alam kong nagsisimula na siyang maasar sa akin dahil nag simula na itong mag salita ng Filipino. Sa katunayan ay pareho sila ni Singh na marunong mag salita ng Filipino kahit pa sa America na sila lumaki. Sinikap nilang matuto para na rin sa akin dahil kapag kinakausap ko sila nuon ay gamit ko ang ating sariling wika kahit pa matatas ako sa pagiingles. Ito rin ang naging paraan namin upang makapag usap-usap ng hindi nauunawaan ng ibang mga tao sa paligid namin. Kinusot ko naman muna ang mga mata ko at kinuha ang cellphone kong nakapaibabaw sa study table ko upang icheck ang oras. Pakiramdam ko ay masiyado pang maaga dahil ramdam ko ang hapdi sa mga mata ko nang imulat ang mga ito. “6:08 am, naunahan pa niya alarm ko. Paanong naging tanghali ang ganitong kaaga?” bulong na tanong ko sa aking sarili. 6:30 am ang naka set na alarm ko dahil kalkulado ko na ang oras ng paghahanda namin hanggang sa oras ng biyahe kaya alam kong hindi kami tatanghaliin sa daan bago makarating sa balak naming puntahan. Ngayon ay araw ng Linggo, at gustong magsimba ni Xos bago bumalik ng America sa Martes. Alam kong excited siya ngayon dahil mula pa no’ng isang araw ay kinukulit na niya akong puntahan ang destinasyon namin ngayon matapos kong magkwento sa kaniya tungkol sa mga bagay na makikita sa lugar na balak naming puntahan lalo na ang simbahang makikita roon. “I’m awake now, I’ll just prepare myself!” sigaw ko pabalik sa kaniya bago tumayo upang pumasok sa sariling Cr ng kwarto ko. “Hurry! I’m hungry!” sagot naman nito bago ko marinig ang paghakbang niya palayo. “Lagi ka namang gutom,” bulong ko pa sa sarili bago pumasok sa Cr. Mag mula nang dumating sina Xos, pakiramdam ko ay hindi na naging maayos ang pagligo ko bago umalis ng bahay. Kailangan ko kasing mag madali palagi dahil ayokong may pinag hihintay na kahit sino lalo na ang dalawang sina Xos at Singh. Maliban diyan ay gusto ko ring maging makabuluhan ang bawat araw nang pamamalagi nila rito sa Pinas kaya naman halos araw-araw kaming gumagala gaya nga ng gagawin namin ngayon. Matapos ang halos kalahating oras ay tapos na akong iayos ang sarili ko. Bago tuluyang lumabas ng kwarto ay sinapat ko muna ang kabuuan ko sa malaking salamin na nasa loob ng kwarto ko. Nakasuot ako ngayon ng itim na summer shorts at putibg polo na siya namang pinaresan ko ng puti ring sapatos. Malayo pa lamang sa aming hapag ay naririnig ko na ang malakas na boses ni Singh kausap ang mga magulang ko habang inilalapag ni Xos ang ilan sa mga kakainin namin ngayong umaga sa tulong na rin ng ilan naming kasambahay. “To be honest tito, I really don’t know how we became friends. He’s cold as ice! He can’t even talk to anyone back then,” pagkukwento ni Singh sa tatay ko. Alam kong ako ang tinutukoy niya kaya naman imbes na sa upuang katabi niya ako dumiretso ay sa likuran niya ako tumayo. “For me he’s cold and rude and yet, he’s being admired by people!” hindi makapaniwalang sabi pa nito kay daddy. Patuloy naman sa pagtawa ang mga magulang ko habang nakikinig sa kaniya. “And you know what tito, according to them, he’s kind and respectful!” bulalas pa nito. “I really don’t know what’s their definition of kindness and respect,” pagpapatuloy nito bago magpakawala ng isang buntong hininga. “He even cou-” Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya dahil nag salita na ako mula sa kaniyang likuran. “Are you trying to ruin my image Architect?” seryoso kunwaring tanong ko sa kaniya. Kitang-kita naman ang gulat sa mga mata niya kaya lalong natawa sina Mom and Dad. “H-How long have you been standing here?” nauutal pang tanong niya habang nakaturo sa akin. Hindi ko naman siya sinagot at pinanatili ang masamang tingin sa kaniya. “I was joking. I’m just trying to make them laugh,” pagdadahilan pa nito. “look! your parent’s are laughing because I’m just really joking. Right tita? tito?” tanong pa nito sa mga magulang ko at nag aantay ng sagot ng pag sang-ayon mula sa kanila. “Of course Hijo,” kunwaring pag sang-ayon naman ng aking ina. Rinig na rinig ang pagpapakawala niya ng isang malakas na buntong hininga bago tuluyang humarap sa akin at alanganing ngumiti. “You can now pack your things Architect, I’ll drive you to the Airport,” seryoso kunwaring sabi ko sa kaniya at gulat naman siyang napatingin sa akin. Hindi agad nakapag salita si Singh kaya naman napatawa kaming lahat dahil sa naging reaksyon niya. Aambahan pa sana ako nito ng suntok subalit mukhang nahagip ng paningin niya ang mga magulang ko kaya naman hinaplos na lamang niya ang pisngi ko. Mabilis ko namang hinawi ang kamay niya dala ng pandidiri sa ginawa. Nagpatuloy ang tawanan at asaran namin sa hapag hanggang sa mag paalam na kami sa aking mga magulang at nag simula ng tahakin ang daan papunta sa aming destinasyon ngayong araw. Parehong nakaupo sina Singh at Xos sa back seat. Habang nasa daan ay hindi mahinto ang mga mata ni Xos katitingin sa mga nadadaanan namin. Kung siya ay ineenjoy na ang daan pa lamang, si Singh naman ay nakatitig lang sa labas habang naka earphones. Pasimple ko silang tintignan paminsan-minsan habang nag dadrive at palihim na napapangiti sa malayong agwat ng mood nila ngayon. Maya-maya pa ay nag play ng song si Xos sa cellphone niya at pasigaw na sinabayan iyon. Shoes on get up in the morn’ Cup of milk let’s rock and roll King kong kick the drum Rolling on like a rolling stone Malakas na sabay niya sa simula pa lamang ng kanta. Bahagya pang sumasayaw ang katawan niya kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti. Nagiging isip bata talagang ang isang ‘to sa tuwing makakarinig ng mga kantang mula sa iniidolo niya. Kung sa bagay, kaya niya ngang iresched ang kahit anong meeting niya para lang mapanood ang paborito niyang Korean Boy group na BTS o mas kilala bilang Bangtan Sonyeondan. Cause ah ah I’m in the stars’ tonight So watch me bring the fire and set the night alight Shining through the city with a little funk and soul So I’mma light it up like dynamite, woah Mas malakas pang sabay niya nang umabot na sa chorus ng kanta. Napabalikwas naman mula sa kinauupuan si Singh at mabilis na inalis ang earphones niya. Bahagyang nagulat si Xos kaya naman hindi na niya nagawang sabayan pa ang susunod na bahagi ng kanta. “You’re so loud Xos! Can’t you see? I’m sleeping!” pagmamaktol nito habang nakaharap kay Xos. “Then get off of the car!” Si Xos. “You should’ve stayed home because we’re not here to sleep!” naiiritang sagot nito sa kaniya bago nito irapan si Singh at tumingin sa labas ng bintana. Nakatingin ako sa kanila mula sa rearview mirror nasa harapan ko kaya naman gano’n nalamang ang gulat ko ng biglang huminto ang tricycle na nasa harapan namin dahilan para bigla rin ako mag preno. Mabuti na lamang at walang malapit na sasakyan sa likod namin dahil kung hindi ay magkakaroon ng malaking aksidente sa lugar na ito. “Do you want me to die here Architech San Buenaventura?!” pasigaw na tanong ni Xos sa akin. Marami pa siyang sinabi subalit wala na akong naintindihan pa sa mga iyon dahil napukaw ng babaeng mabilis na bumaba sa tricycle ang atensyon ko. Matapos bumaba ng babaeng nakasuot ng pink na bestida ay iginilid ng driver ang tricycle kaya naman nakita ko ang naging dahilan ng biglaang paghinto ng pampasaherong sasakyan. Matapos makababa ay mabilis na naglakad ang babae upang tulungan ang isang matandang lalaki upang makatawid sa kabilang bahagi ng kalsada. Inilibot ko ang aking paningin at nakita na maraming tao ang nasa paligid ngunit wala manlang ni isa sa kanila ang tumulong sa matanda. Ligtas na naitawid ng babae ang matandang lalaki. Saglit pa silang nag-usap bago tuluyang humarap ang babae upang makabalik sa tricycle na sinasakyan niya kanina. Rason para makita ko ang kabuuan niya. “Woah! She’s not just pretty. She’s an angel sent from above,” mahinang komento ni Singh mula sa likuran. “Com’ on Singh, lahat naman ng babae ay maganda para sa’yo,” sagot naman ni Xos sa kaniya. Nagsagutan pa ang dalawa habang dahan-dahan kong pinapaandar muli ang sasakyan. “I like her already,” muling sabi ni Singh. Inirapan naman siya ni Xos. “Duh! sa tuwing makakakita ka ng babae ay laging ‘yan ang sinasabi mo,” muling pambabara nito kay Singh. “Kanina ka pa ah!” asar na sabi ni Singh kay Xophea. “Are you jealous Xos?” malambing na tanong ni Singh sa kaniya. Nanlalaki ang matang nagpamaywang si Xos bago mag salita . “W-What? Why would I?” nauutal pang sagot nito sa kaniya. “I don’t know. You’re acting really weird,” sagot ni Singh na sinabayan pa nito ng pag kibit-balikat. Hinayaan ko silang magsagutan sa likod habang tinitignan ang paligid mula sa loob ng sasakyan. Pamilyar na ang mga nakikita ko kaya naman nasisiguro kong nasa Manaoag na kami. Rason kung bakit sa hindi inaasang pagkakataon ay nakita ko siyang muli. “It’s been a while Mc Ashley Ruz Conserman,” nakangiting bulong ko sa aking sarili bago tuluyang tahakin ang daan papasok sa simbahan ng Manaoag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD