Hastrup Finn’s point of view:
Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone ko. Late na akong nakatulog kagabi dahil inayos ko pa ang mga designs and documents na kakailanganin ko mamaya sa magiging meeting ko kasama ng unang kliyente ko dito sa Pilipinas. Pakiramdam ko nga ay hindi pa ako tuluyang nakakatulog nang mag-ingay ang cellphone ko kaya naman hindi ko maiwasang maasar sa kung sino man ang tumatawag.
“Yes, Good Morning this is Architect SB,” bungad ko sa taong kausap sa kabilang linya.
SB ang ginagamit kong pangalan sa trabaho dahil masyadong mahaba ang San Buenaventura kung ito pa ang gagamitin ko sa mga taong nakakaharap. Pikit mata kong sinagot ang tawag kaya naman kailangan kong bumati ng may paggalang dahil baka isa itong tawag mula sa isang kliyente.
“Bro I’m hungry--,” hindi ko na ito pinatapos magsalita at mabilis kong ibinaba ang linya.
Kilala ko ang boses na ‘yon. Mas pamilyar pa ako sa boses na ‘yon ng kaibigan kong si Singh kaysa sa boses ni papa. Marahil dahil siya ang kasama ko sa buong anim na taong pamamalagi ko sa ibang bansa.
Pinilit kong ibalik ang sarili ko sa pagtulog dahil after lunch pa naman ang meeting ko mamaya. Pinilit kong iwaglit sa isip ang pagkainis kay Singh dahil sa napakaaga niyang pambubulabog. Sanay na ako sa mapang-asar na ugali niya subalit may mga pagkakataon na talagang hindi ko maiwasang mainis sa pagka isip-bata niya. Maayos akong nagpaalam sa kaniya na uuwi ng Pilipinas pero nakakapag takang hanggang dito ay sinasabi niya sa akin ang gutom niya.
Ramdam ko na ang muling pagkahulog ko sa pagtulog ng muling tumunog ang cellphone ko. Dala ng pagkainis ay mabilis ko itong sinagot.
“Singh, I can’t help you right now. Stop cal--,” hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil nagsalita na ang nasa kabilang linya.
“You better help us or else I’ll ruin your peaceful yet boring kind of living Architect San Buenaventura,” napalunok ako habang dahan-dahang inilalayo ang cellphone ko sa aking mukha upang makita kung sino ang kausap ko. Hindi nga ako nagkamali dahil si Xophea ngayon ang nasa kabilang linya.
“Xos, I’m now in the Philippines, I can’t go there in an instant” mahinang bulong ko bago muling ipikit ang mga mata. Hindi ko alam kung bakit ako tinatawagan ng mga kaibigan kong ito gayong alam nilang nasa Pilipinas ako.
“I know,” maikling dugtong niya.
“Yah, that’s why I can’t be able to help you,” sabi ko bago bago pinakawalan ang isang buntong-hininga.
“Actually, you can. So you better get up, prepare yourself and meet us,” saglit pa akong naguluhan sa naging sagot niya. English naman ang gamit kong salita bakit parang hindi niya ako naiintindihan? How can I even meet her now?
“Duh Hastrup,” gigil na sabi niya bago magpatuloy. “We still have unfinished project together, what do you expect us to do? Wait until you go back? Of course we can’t do that. May deadline ang project na ‘yon,” gigil pa ring aniya.
“You have one hour to go here. Singh will send you our location,” pagtatapos niya ng usapan bago ibaba ang linya. Mahalaga ang bawat oras kay Xophea kaya hindi na siya mag aantay pa ng sagot kung alam niyang hindi naman iyon mahalaga.
Makalipas ang ilang segundo ay natanggap ko na ang sinasabi niyang lugar mula kay Singh. Hindi pa rin ako masyadong pamilyar sa mga lugar dito dahil sa dami nang nagbago kaya naman kailangan ko pang isearch ang lokasyon ng sinasabi nya.
“This will take 45 minutes of driving and she only given me an hour. This is impossible,” bulong ko pa sa sarili bago idial ang number ni Singh. Mabilis naman niya itong sinagot ngunit inunahan ko na siyang magsalita dahil alam kong magrereklamo lang ito tungkol sa mga pinagdaanan niya kasama si Xophea kapag hinayaan ko pa siyang maunang magsalita.
“Tell her to wait. I need more than an hour,” pagkasabi nito ay ibinaba ko na ang tawag at mabilis na tumayo para maligo.
Ginawa ko ang lahat upang mapabilis ang bawat pagkilos ko. Dinala ko na lahat ng kailangan kong dalhin dahil didiretso na ako sa aking meeting mamaya. Siguradong gagahulin ako sa oras kapag bumalik pa ako rito sa bahay. Nagpaalam na ako sa aking mga magulang bago tuluyang lumabas ng bahay at magdrive paalis.
Habang nasa daan ay muli kong naalala ang sinabi ni Xos. Oo nga pala, may project pa pala kaming kailangang tapusin. Bago ako umuwi ng Pilipinas ay may kontrata kaming pinirmahan. Isa iyong Art Museum sa America. Isang Art Museum kung saan ilalagay ang mga sikat na obra mula sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig. Malaki ang proyektong iyon kaya naman tatlong Arkitekto ang kinailangan ng kompanyang iyon upang masigurado ang kalidad ng magiging disenyo ng lugar.
Sa akin inilapit ang proyekto na iyon, sa katotohanan ay ako ang unang nakausap para sa ron at nakita ko na magiging malaki ang gawaing ‘yon kaya naman nilapitan ko ang dalawa ko pang kaibigan upang tulungan ako base na rin sa suhesyon ng kompanyang nakausap ko. Si Xos at Singh ang unang mga architech na pumasok sa aking isipan nang ialok sa akin ang proyektong iyon dahil si Xos ay mahilig sa Arts habang si Singh naman ay magaling sa mga prehistorikong mga disenyo. Disenyong nais makita ng nasabing kompanyang lumapit sa amin. Parehong magaling ang mga kaibigan ko kaya naman kilala rin sila sa larangan ng arkitektura.
Inabot ako ng halos dalawang oras sa byahe kaya naman bago pa lamang ako bumaba ng sasakyan ay inihahanda ko na ang aking sarili sa mga matang may masamang tingin at usapang sarkastiko. Saglit pa akong nanatili sa pintuan ng Restaurant kung nasaan sina Singh at Xos upang silipin sila. Gaya ng inaasahan ay nasa pinakagilid na lamesa sila. Sa tuwing kakain kami sa mga ganitong lugar ay laging nasa parteng gilid ang inuupuan namin sa kadahilanang ayaw ni Xos sa maraming matang napapalingon sa kaniya. Sino ba namang hindi mamapalingon sa kaniya? naghuhumiyaw ang kagandahan ng kaibigan kong ito. Halos magkasingtangkad kami, siguro nasa 5’7 siya habang nasa 5’9 naman kami ni Singh. Sa suot nitong hapit na off shoulder long sleeve puff bubble dress ay nabigyang diin ang ganda ng kaniyang katawan. Bumagay rin ang itim at umaalon niyang buhok sa maputi niyang balat, bilugang mga mata, matangos na ilong at mamula-mula niyang labi. Masyadong nagtugma ang mga bahagi ng kaniyang mukha rason para magmukha itong manika.
Prente naman ang pagkakaupo ng kaibigan kong si Singh. Nilalaro nito sa kaniyang kamay ang cellphone niya. Bahagya itong nakatagilid mula sa akin kaya naman mas nabigyang diin ang matangos niyang ilong. Makapal ang kaniyang kilay at natural rin ang pagka pula ng kaniyang maninipis na labi. Malayo pa lamang ay mahahalata mo ng hindi ito isang pinoy. Hindi rin maipagkakaila na talagang gwapo siya kaya naman halos lahat ng lapitan niyang babae ay nagkakagusto sa kaniya.
“Hi! Welcome to our humble country Architect!” nakangiting bati ko kay Xos matapos maupo sa harap niya. Sa kabila ng masigla kong bati ay nanatiling nakakunot ang noo niya. Diretso lamang itong nakatingin sa akin, hindi manlang ako binati pabalik.
“Are you not going to greet me? I’m also part of today’s agenda.” singit ni Singh habang magkakrus ang mga kamay. Mabilis naman namin siyang nilingon ni Xos.
“Singh, you came here to hook girls,” walang emosyong sagot ni Xos sa kaniya. Natawa naman ako sa sinabi niya kaya palihim akong sinipa ni Singh sa ilalim ng mesa.
“Are you done finalizing the desi-” hindi ko na naituloy pa ang sasabihin kay Singh ng mag salitang muli si Xos.
“Can we eat first? I’m dying duh,” masungit na sabi niya. Gutom na nga siya, overstated na mga salita niya.
“You’re just hungry Xophea, you’re not dying,” pagkokontra ni Singh sa kaniya. Napahinga naman ako ng malalim bago bumulong sa kaniya.
“Your time has come,” bulong ko kay Singh. Sa mga ganitong panahon ay hindi dapat binibiro si Xos dahil hindi niya iyon kayang palampasin.
“Being with you suffocates me Singh. Your face triggers my anxiety,” mabagal ngunit madiing sabi ni Xos sa kaniya. Napailing na lamang ako. Alam kong mangyayari ito dahil sa sinabi ni Singh.
“To be with you for almost 15 hours made me want to end my existence,” sabi nito kay Singh habang diretsong nakatingin sa mga mata niya.
“That’s the reason why I’m dying Singh.” pagtatapos nito bago tuluyang tumayo at pumunta sa counter.
Nang masigurong nakarating na ito sa counter at mag simulang umorder ay nilingon ko si Singh. Saglit pa kaming nagtitigan bago pinakawalan ang malakas na tawa.
“She’s really scary!” bulalas ni Singh matapos niyang tumawa. Sa tagal naming magkakaibigan ay nasanay na kami sa isa’t-isa kaya naman ang ipinakita ni Xos kanina ay pareho na naming inasahang dalawa.
Saglit pa kaming nagkwentuhan ni Singh habang nasa counter si Xos. Habang nakikipag-usap sa kaniya ay tuluyan kong naramdaman ang ilang buwang pagkakahiwalay naming tatlo. Kahit pa trabaho ang ipinunta nila dito ay masaya ako dahil kasama ko sila ngayon.
“I’m sleepy Hast,” sabi ni Xos pagkaupo pa lamang nito galing sa counter. Napahikab pa siya matapos ay nangalumbaba sa harap namin ni Singh. Naawa ako bigla sa kaniya, para bang naramdaman ko rin ang pagod nila ni Singh.
Mabilis akong tumayo at inilipat ang upuan ko sa tabi niya upang ihilig ang kaniyang ulo sa aking balikat. Kitang-kita ko naman ang pag ngiwi ni Singh dahil sa ginawa ko subalit hindi ko na lamang iyon pinansin lalo na nang maramdaman ko ang paggalaw ni Xos upang hanapin ang posisyon kung saan ito magiging komportable. Halos bente minutos din kaming nasa gano’ng posisyon bago tuluyang dumating ang inorder na pagkain.
“Lezzz goo! I’m really hungry!” malakas na sabi ni Singh paglapag pa lamang ng pagkain rason kung bakit tuluyan na ring nagising si Xos.
Napailing muna kami ni Xos bago tuluyang kumilos para kumain. Sea foods ang nakahain ngayon sa aming harapan. Una kong kinuha ang ilang pirasong shrimp at isang crab. Gaya ng ginagawa ko sa America ay hindi na ako gumamit ng bagay para balatan ang shrimp at buksan ang shell ng crab upang kainin dahil ginamitan ko na lamang iyon ng mga kamay. Bukod sa mas madali itong gawin ay iyon rin ang kinasanayan kong pamamaraan ng pagkain ng mga ito.
“Here,” matapos kong balatan ang mga hipon at buksan ang crab upang handa ng makain ay ibinigay ko iyon kay Xos at kinuha ang mga pagkaing iniligay niya sa kakainan niya. Hindi ito marunong kumain ng Sea foods kaya’t alam kong wala na siyang ibang pagpipilian ng magpasya itong bilhin ang mga ito. Inilibot ko ang paningin sa buong lugar bagay na hindi ko na nagawa kanina at duon ko napagtantong nasa isang Sea food restaurant kami ngayon.
“You’re forgiven,” napangiti ako sa sinabi niya. Ngayon ay hindi ko na kailangang mag-isip pa ng paraan para makahingi ng tawad sa kaniya dahil sa nangyari kanina.
Kahit pa mababaw lang iyon para sa iba alam kong sa kaniya ay malaking bagay na ang paghintayin siya. Bagay na nauunawaan ko dahil para sa kaniya ang bawat oras ay hindi dapat inaaksaya. Ngumiti ako sa kaniya bago tuluyang harapin ang pagkain ko nang biglang magsalita si Singh.
“I hope you didn’t forget that you guys already broke up.” sabay kaming napalingon ni Xos sa kaniya. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan ako ni Xos.
“Of course we don’t,” seryosong sabi nito. “Ah, I also didn’t forget,” binitin niya ang sinasabi.
“You like me since we were in college,” dugtong nito bago muling sumubo ng kinakain niya.
Hindi gaya ni Singh na kilala ko na mula first year college, Si Xos ay nakilala ko naman nuong nasa Second year kami. Naging malapit kaming tatlo nina Singh sa isa’t-isa. Lumipas ang mga araw at naging kami nga ni Xos. Tumagal ang relasyon namin ng halos dalawang taon. Subalit pinili naming dalawa na mag hiwalay dahil sa loob ng dalawang taon naming magkarelasyon ay hindi lumampas sa pagkakaibigan ang turing namin sa isa’t-isa.
Masaya ako dahil kahit naghiwalay kami ay hindi nagbago ang pagkakaibigan namin. Alam ko ring matagal ng may gusto si Singh kay Xos subalit hindi niya na iyon nasabi pa sa kaniya dahil nga naging kami na. Isang araw habang nasa isang Company Trip kami ay napilitang umamin si Singh nang magtanong si Xos sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang naging takbo ng usapan nilang iyon subalitt nakakatuwa dahil hindi sila dumistansya sa isa’t-isa.
Sandali pang natahimik si Singh dahil sa sinabi ni Xos. Para bang pinoproseso pa nito sa kaniyang isipan ang sinabing iyon ni Xos.
“Change is the only constant thing Xos,” seryosong sagot naman nito. Napaangat ako ng tingin sa kanilang dalawa bago pinakawalang muli ang malakas na tawa.
“I miss you two,” sinserong sabi ko sa kanila. Kitang-kita ko naman ang tila nandidiring mukha ni Singh at ang pag ngiti ni Xos.
“You’re gross bro,” sagot naman sa ‘kin ni Singh.
“Then go back to America,” seryosong sabi ko sa kaniya.
“Then go back with me baby,” bulong nito bago hawakan ang kamay ko. Nagtindigan naman ang mga balahibo ko kaya mahinang itinulak ko siya palayo.
“Can you please stop flirting.” pagpapahinto sa amin ni Xos. Natawa naman kami ni Singh sa kaniya bagay na inirapan lang niya.
Nagtuloy kami sa pagkain at nang matapos ay sinabi kong may meeting pa akong kailangang puntahan kasama ang isang client. Sinamahan nila ako subalit ako lamang ang humarap sa client ko. Hinintay na lamang nila akong matapos at sabay-sabay na kaming umuwi ng bahay. Maluwang ang bahay namin kaya’t hindi ko na sila hinayaang manatili pa sa isang hotel dahil sapat ang mga silid na mayroon kami para sa mga bisita. Nuong una ay ayaw ni Singh dahil nakakahiya raw sa mga magulang ko ngunit kalaunan ay napapayag din namin siya.