Chapter 7.

1678 Words
Hastrup Finn’s point of view: Finally, we’re here, “Our Lady of the most Holy Rosary of Manaoag”. This is the final destination of our tour. This is also what I really want to see. I was amazed by its photos on the internet, that’s why this is really one of the places I’m eager to visit. Seeing this really made my day. The whole church is built magnificently. Exterior designs give different kind of feeling, it seems like the church is inviting you to come inside, this is incredible. The interior design is undeniably captivating. The structure has the north and south transepts, a feature of cuneiform or cross shaped church building. This convent building of neoclassical architecture is really magnificent. Habang papalapit kami sa altar ng simbahan ay lalo akong namamangha sa lugar. Maging ang mga impormasyong nalalaman ko mula sa aming tour guide ay nakadaragdag sa aking pagkamangha. Hinayaan muna kaming mga turistang magdasal at pagmasdan ang lugar kaya naman sinamantala ko ang pagkakataong ito upang mas pag-aralan pa ang loob nitong simbahan. The decades-old main altar is made of wood cladding with marble top and body. It is reminiscent of baroque style, having the carving of Agnus Dei, the Dominican seal and coat-of-arms, and the insignia “Ave Maria”. Directly above the altar, on the dome ceiling, are trompe l’oeil paintings, surrounding a central wood carving that resembles a lotus. I think this is supposedly the base of a grand chandelier. Matapos kong pakatitigan ang altar ay muli ko na namang iginala ang paningin ko sa buong lugar mula sa aking kinauupuan. Hindi ata ako mapapagod na tignan at pag-aralan ang bawat bahagi ng simbahang ito. Maya-maya pa ay nahinto ang aking paningin sa aming tour guide, kausap na niya ngayon ang batang babaeng si Jenny. “Another dream come true lovely girl,” bulong ko sa aking sarili bago nakangiting nag-iwas ng tingin sa kanila. Subalit bago ko pa man mabawi ng tuluyan ang aking mga mata ay nag abot na ang paningin namin ng babaeng tour guide. Mabilis itong nag iwas ng tingin bago ayain ang mga turistang magpatuloy sa aming tour kaya naman isa-isa kaming sumunod sa kaniya. Hindi ko namalayan ang mabilis na paglipas ng oras kaya naman medyo nagulat pa ako ng nagsimula ng mag paalam ang aming tour guide. “Ang nakaraan ay karugtong ng kasalukuyan kaya naman gawin mong makabuluhan ang bawat ngayon para sa masayang bukas,” pagtatapos niya sa aming araw. Hindi ko alam pero nagkusa ang mga mata kong tumitig sa kaniya. “This day feels great,” I whispered to myself. This lost day is worth it. Nagsimula na kaming maghiwa-hiwalay matapos mag paalam at magpasalamat. Tatalikod na sana ako upang pumunta sa direksyon kung saan ako nag park ng muli kong makita si Jenny kausap ang babaeng tour guide. Hindi ko alam subalit para bang may nagtulak sa aking manatili muna upang panoorin sila. Pinanood ko lamang silang mag-usap kahit pa hindi ko naririnig ang kanilang usapan dahil na rin sa aming distansya. Nasa gano’n lamang akong sitwasyon hanggang sa tuluyan nang magpaalam si Jenny sa babaeng tour guide at patakbong umalis. Ngunit bago pa man mahawakan ni Jenny ang kamay ng kaniyang ina ay may batang nakabangga sa kaniya. Tila nag dahan-dahan sa aking paningin kung paanong nalaglang ang suot nitong Bonnet. Hindi ako nakakilos agad hanggang sa maibalik na ng kaniyang ina ang bonnet niyang nahulog sa lupa. Matapos kong makita ang ngiti ni Jenny matapos ng nangyari ay parang nanumbalik ang ayos ng aking paghinga. Muntik ko ng makalimutan na ang batang iyon pala ay ang pinaka malakas na taong nakilala ko. Isa-isang bumalik ang lahat sa kanilang ginagawa subalit ang babaeng tour guide ay kita pa rin ang gulat sa kaniya. Naging malamlam ang kaniyang mga mata habang bahagyang nanginginig ang mga kamay niya. Marahil ay hindi niya alam ang sitwasyon ng bata. Mabilis siyang tumalikod kay Jenny bago pa man tuluyang bumagsak ang kaniyang mga luha. Tatalikod na rin sana ako nang mapansin kong may kakaibang kulay ang damit niya sa bandang likuran. Mabilis ko iyong napansin dahil na rin purong puti ang kulay ng suot niya at ‘yon lamang ang naiiba. “I know it is what it is,” bulong ko sa aking sarili. I was not born yesterday kaya alam ko kung ano ang mga pulang iyon sa bandang baba ng likurang bahagi ng dress niya. Palihim ko siyang sinundan hanggang sa mapunta kami sa Plaza. Alam kong plaza ito dahil na rin sa mga bagay na makikita rito. Nag-umpisa ng mapansin ng iba ang mayroon siya ngunit mukhang hindi niya ‘yon alam. Marahil ay iniisip pa rin nito ang nangyari kanina kaya naman wala sa kanyang paligid ang atensyon niya. Habang naglalakad ay inililibot ko ang aking paningin. Nag babakasakaling may maaring pagbilan ng magagamit niya. Makalipas nga ilang minuto ay nakakita ako ng isang maliit na tindahan. Nag bakasakali akong mayroon silang tindang gano’n at hindi nga ako nag kamali. “Napaka swerte naman ng iyong nobya Hijo at nagawa mo siyang ibilhan ng ganito. Kung ang ibang mga lalaki ay malamang hindi nila gustong ibilhan ng napkin ang kanilang nobya dahil sa hiya hindi ba?” anang nag titinda. Hindi ko naman alam ang isasagot ko kaya naman nginitian ko na lamang ito at nag pasalamat. Mabilis kong nilisan ang lugar at hinanap ang babaeng tour guide. Lakad-takbo ang ginawa ko para mas mapabilis ang paghahanap sa kaniya. Sana’y napanatili nito ang bagal ng kaniyang paglalakad upang maabutan ko siya. Makalipas nga ang ilang minuto ay natanaw ko na siya. Patakbo akong lumapit sa kaniya subalit kusang huminto ang mga paa ko nang pumasok ang isang tanong sa aking isipan. “How can I give this to her?” tanong ko sa aking sarili. Hindi kami magkakilala, ano na lamang ang iisipin niya? Makisuyo nalang kaya ako sa iba? Handa na sana akong ipabigay ang hawak ko sa kahit sino subalit wala ng tao sa bahaging ito ng plaza. Sandali ko pang inilibot ang aking paningin, nagbabakasakaling makakita ng ibang tao pero parang wala talaga kaya naman humanap na ako ng maaring upuan habang nag-iisip ng paraan kung paano masasabi sa kaniya ang sitwasyon niya. Habang nakaupo ay nakatitig ako sa kaniya, nakaupo rin siya ngayon habang tahimik na nakapikit. Nakakagaan sa pakiramdam ang pag masdan siya. “What now Hastrup? Are you going to sit here forever?” muling bulong na tanong ko sa aking sarili habang nakatingin pa rin sa babae. Muli na naman sana akong bubulong sa aking sarili subalit nagtama na ang paningin naming dalawa. Pagmulat nito ng mga mata ay diretso itong tumingin sa akin. Hindi ko alam ang gagawin kaya’t nagbaba nalamang ako ng tingin. Dumaan ang ilang minuto at bigla siyang tumayo at nag simulang maglakad palayo sa lugar kung saan kami nakaupo. Muli na namang nabuhay ang kagustuhan kong ibigay sa kaniya ang hawak ko lalo na ng mapansin kong patungo ito sa parteng matao. Nagsimula ng dumami ang tao sa paligid habang mas bumibilis ang hakbang niya. Pilit ko pa ring pinapaliit ang distansya naming dalawa. At sa tuwing may mapapalingon sa kaniya ay mabilis kong inihaharang ang sarili ko upang matakpan siya. Ipinagpatuloy ko ang pagsunod sa kaniya habang pinapanatili sa paligid ang paningin ngunit nagulat ako ng paglingon ko sa kaniya ay diretso na itong nakatingin sa akin. “Excuse me, are you following me?” kunot-noong tanong niya. Para naman akong nabato sa tanong niya at tanging paglunok lang ang nagawa ko. What should I do now? This is embarrassing. “Do you need something?” muling tanong niya. “If you want to visit more places within this town you can go back there again later after lunch. May mga tour guide pang magduduty mamaya,” pagpapatuloy niya. Hindi ko talaga alam paano sasabihin sa kaniya ang pakay ko. This is frustrating! “Ah, the thing is ahmm—,” sinubuhan kong magsalita subalit bigo akong ituloy. Paano ko ba sasabihin sa kaniya ng hindi sasama ang pakiramdam niya? Mukhang kailangan na niyang umalis kaya’t hindi na niya ako nahintay pa na muling makapag salita at nag pasya na itong magpaalam para umalis. Nagsimula na itong mag lakad palayo kaya naman mabilis ko siyang pinigilan at lakas loob na sinabi sa kaniya ang sitwasyong mayroon siya. “It’s now or never,” bulong ko pa sa aking sarili bago tuluyang magsalita pagkatapos pakawalan ang isang malalim na buntong-hininga. “I think you need to change,” nag aalingan man ay buong lakas ng loob ko iyong sinabi sa kaniya. Nagulat pa ako nang magsimula siyang amuyin ang kaniyang sarili. Marahil iniisip nitong mabaho na siya kaya ko siya pinag papalit kaya naman, “You— you have red spots,” dutal na sabi ko sa kaniya bago nag iwas ng tingin. Ilang segundo pa itong nakatitig lang sa akin bago mag simulang mamula ang kaniyang pisngi, Cutie. Hindi siya nakakilos kaya naman kinuha ko ang itim na jacket ko upang ibalot ‘yon sa balakang niya. Alam kong ganito ang magiging reaksyon niya kaya naman mabilis ko iyong ginawa at iniabot sa kaniya ang binili kong Sanitary Napkin. “Go get change,” muling sabi ko bago tuluyang tumalikod sa kaniya. Alam kong hindi siya makakilos hangga’t nakatayo ako sa harap niya kaya naman minabuti kong umalis ng hindi lumilingon sa kaniya. Habang naglalakad pabalik sa sasakyan ko ay nakangiti pa rin ako. Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil masaya ako sa nangyari sa kaniya. Hindi dahil gusto ko siyang mapahiya kung ’di dahil alam kong magandang pagkakataon iyon para makausap siya. Kakaiba ang sayang naramdaman ko kanina habang nakasunod sa kaniya lalo na ng makapag palitan kami ng salita. This is strange yet remarkable. “It’s nice to meet you Mc Ashley Ruz Conserman.” Bulong ko pa sa aking sarili bago tuluyang buhayin ang makina ng sasakyan ko at mag drive pauwi. “Sometimes, lost means found”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD