Chapter 15: Skip

1288 Words

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig mula sa matanda. Nagsimulang uminit ang pakiramdam niya dahil sa galit. Tama ang hinala niya. Ang matanda ang dahilan kung bakit nawalan siya ng mga magulang. Pinikit niya kanyang mga mata. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili. Hindi siya puwedeng gumawa ng ikakapahamak niya sa ngayon. Tiningnan niya muli ang matanda na ngayo’y palakad- lakad sa kanyang harapan. Kung hindi lang talaga masisira ang plano niya sa matanda ’to baka nabalian na niya ng buto. Pero kulang ang buhay nito bilang kabayaran sa ginawang pag-utos para mawala ang mga mahal niya. Tama ang naging plano niya laban sa matanda. Ngayong alam niya na ito ang dahilan. Sinusiguro niyang kukunin niya ang lahat ng nasa matanda. Yaman at kapangyarihan ang mahalaga sa matanda.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD