“Ano ‘to…?” Hindi ko napigilan ang mahinang bulalas habang nakatayo ako sa gitna ng napakalaking banyo na mas mukhang high-end spa kaysa ordinaryong bathroom. Ang marmol na sahig ay malamig sa talampakan ko, ang ilaw ay malambot ngunit sapat para magbigay-diin sa bawat detalyeng parang sinadyang perpekto. May malaking bathtub na parang mini-pool, rain shower na tila ulan sa gubat, at salaming kasing laki ng pader na may soft lights sa gilid. Parang hindi ito para sa isang tao lang. Parang hindi ito para sa akin. Huminga ako nang malalim, pilit inaalis ang kaba at pagkalito sa dibdib ko. Sa totoo lang, simula pa kagabi, pakiramdam ko ay wala na akong kontrol sa sarili kong mundo. Parang bigla akong inilipat sa isang realidad na hindi ko kailanman hiniling. At ngayon, ito. Dahan-dahan

