“Anong ginagawa mo?!” Halos mapasigaw ako nang maramdaman ko ang biglang paglubog ng kama sa tabi ko. Kanina lang, pilit kong pinapatahimik ang magulong isip ko, nakatalukbong, nakapikit, pilit inaanyayahan ang antok—tapos bigla na lang may hihiga sa tabi ko na parang natural lang sa kanya ang manghimasok sa personal kong espasyo. Napalingon ako at bumungad ang pamilyar, matigas, at walang-emotion na mukha ni Andrew. “Andrew!” bulong kong pasigaw. “Kwarto ko ‘to!” Ipinilid niya ang ulo sa unan, parang walang pakialam. Pumikit. Relaxed. Parang nasa sarili niyang kama. “Hindi ba sinabi ng naghatid sa’yo,” malamig niyang wika, “na kwarto natin ‘to?” Nanlaki ang mata ko. “Ano?!” “Your walk-in closet is on the right side,” patuloy niya, kalmado, “mine is on the left. The bathroom is shar

