“Sigurado ka na ba talaga, Daisy?” Napatigil ang mga kamay ko sa gitna ng paglalagay ng huling damit sa maleta. Napatingin ako kay Vivian na nakatayo sa pintuan ng maliit naming kwarto, yakap-yakap ang unan na halos kasing laki ng kalahati ng katawan niya. Namumula ang mga mata niya, pilit na matapang, pero kita ko ang takot at lungkot sa likod ng mga ngiting pilit. “Wala na akong choice,” marahan kong sagot. “Kailangan kong gawin ‘to.” “Pero ate…” nanginginig ang boses niya. “Paano kami? Paano si Kuya David? Paano si Daddy?” Lumunok ako nang mariin. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit, parang huling pagkakataon na iyon na magagawa ko ‘yon nang malaya. “Para sa inyo ito, Viv. Para gumaling si Tiyo. Para may kinabukasan kayo.” “Hindi ba pwedeng iba na lang?” mahinang tan

