“Daisy, halika dito, tikman mo ‘to.” Napatda ako sa boses niya at nakita ko si Andrew, nakatayo sa maliit na portable grill sa terrace ng bungalow namin, hawak ang spatula at nakangiti habang may usok na umuusbong sa paligid. Ang eksena sa harap ko—ang Andrew Villamor, ang tao na dati kong kinatatakutan, ang bossy at walang awa na Andrew—ay abala sa pagluluto. Naidlip pala ako at dinko maalala kung nasagot ba niya yung tanong ko kanina...at ngayon heto siya,oarang bata na binibida ang niluto niya. “Andrew… ang… weird mo ngayon,” napasinghap ako, halos hindi makapaniwala. “Marunong ka ba talagang mag steak, humihinga pa kaya tayo bukas pag kinain natin yan?.” Ngumisi siya, tumingin sa akin mula sa gilid ng mata. “Hindi mo pa nakakita ng totoo kong side, Daisy. Sa mundo mo, laging may p*

