“Daisy… may mensahe para sa’yo.” I froze. Ang tinig ni Andrew, parang may karga ng bigat, nagpaalala sa akin ng lahat ng nangyari. “Mensahe? Sino?” tanong ko, halos nanginginig sa kaba. “Anonymous. Hindi nila sinabing kung sino, pero may pangalan mo.” “Pangalan ko?” Ulit ko, hindi makapaniwala. “Andrew… anong ibig sabihin nun?” “Basahin natin.” Hinawakan niya ang maliit na papel, malamig na hawak, parang may init sa bawat letra. Binasa niya nang malakas para marinig ko. ‘Huwag mong palampasin ang gabing ito. Kung mahalaga sa’yo ang buhay mo, manatili ka sa loob ng bahay. Daisy Samonte.’ “Tama… tama ba ‘to?” tanong ko, pilit na sinusuri ang bawat salita. “Hindi ko kailangan itanong iyon,” sagot niya, mahigpit ang hawak sa papel. “Ito ay banta. Malinaw. At malinaw din na sinasadya ka

