Breaking Point (Daisy POV)

1370 Words

“Ate Daisy… ayaw na gumising ni Daddy.” Parang may biglang bumagsak na bakal sa dibdib ko. Nakatayo ako sa tapat ng ICU glass wall, hawak ang cellphone na kanina lang ay naging tulay ko sa impiyerno. Sa likod ko, narinig ko ang mahinang hikbi ni Vivian at ang pabulong na dasal ni David. Sa harap ko, si Tiyo Ramil—maputla, payat, halos hindi na gumagalaw—nakabit sa mga makinang tila nagmamakaawa ring huwag siyang sukuan. “Hindi.” Mahina ang boses ko, pero mariin. “Hindi pa siya pwedeng sumuko.” Pero kahit anong tibay ng pananalita ko, ramdam kong unti-unti nang nauupos ang natitirang pag-asa. Tatlong oras na ang nakalipas mula nang sabihin ng doktor na kritikal na ang kalagayan ni Tiyo. Tatlong oras ng walang kasiguraduhan. Tatlong oras ng pag-aantay sa tawag mula sa ospital na inihand

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD