“Bakit mo naisipang mag-Baguio?” ulit ko, nakasandal sa upuan ng sasakyan habang tanaw ang mahabang daan ng Norte. “Sayang din, nandito na tayo,” pilyong sagot ni Andrew habang nakapokus sa manibela. “So it’s a wise side trip, diba? At least… masosolo pa kita.” Napangisi ako. “Alam mo, di mo talaga bagay magpaka-cool. Pero since malamig dito, pagbibigyan na lang kita ngayon.” Sumulyap siya sa akin, may ngiting mapanganib. “Careful, Daisy. Baka masanay ako sa pagbibigay mo.” “Wow. Feeling special ka na naman,” biro ko, pero may kurot sa dibdib ko sa paraan ng tingin niya. May lalim. May pang-aangkin. At may lambing na hindi ko inaasahan sa isang lalaking kilala sa pagiging brutal at walang sinasanto. “Mag-stay tayo rito for a while,” sabi niya. “Let’s enjoy Baguio. Pasyalan natin lahat

