Refusal (Daisy POV)

1293 Words

“Hindi ko ibebenta ang sarili ko, kahit mamatay pa ako sa kahirapan.” Tumigil ang lahat. Ang tik-tak ng orasan sa dingding ng opisina ni Andrew Villamor ay tila mas lumakas. Ang malamig na hangin mula sa centralized aircon ay dumaan sa balat ko, pero ang init ng galit at takot sa dibdib ko ang mas nangingibabaw. Nakatayo ako sa gitna ng kanyang pribadong opisina, kaharap ang lalaking kayang baluktutin ang mundo sa isang utos lang. Nakaupo siya sa likod ng malapad na mesa, ang mga daliri’y magkadikit, ang mga mata’y matalim na nakatutok sa akin. “Ulitin mo.” malamig niyang sabi. Huminga ako nang malalim. Pinilit kong patatagin ang boses ko kahit nanginginig na ang loob ko. “Sabi ko, hindi ko tatanggapin ang kontrata mo. Hindi ko ibebenta ang sarili ko.” Saglit siyang natahimik. Hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD