Chapter 6

1873 Words
Nang sumapit ang bakasyon after ng grade seven classes ko ay pinili kong sumama kina Mommy sa Italy at huwag sa Pampanga magtungo kagaya ng noon ay plano. Pinakatandaan ko ang mga nangyari nang huling magtungo ako dito kasama si Ate Luz nang nakaraang taon kung saan ko nakilala si Ravin sa unang pagkakataon. Hindi sa may sama pa rin ako ng loob, nahihiya lang talaga ako sa kanyang magpakita. Ang feeling ko ay biglang magiging awkward kami nito sa bawat isa. “Akala ko ba ay sa Pampanga ka ulit magbabakasyon? Bakit narito ka at sumama sa amin nina Mommy, Safi?” tudyo ni Kuya Timothy na halatang nais lang akong asarin, lulan na kami ng eroplano. Sinimangutan ko siya nang lumingon na siya. “Hindi ah, hindi ba at ang sabi ko noon ay sasama na ako sa inyo nina Mommy sa Italy sa susunod na bakasyon? At ngayon na iyon, Kuya Timothy.” “Talaga ba? Sinabi mo? Parang wala naman akong matandaan, Safiera.” anito pang halatang pinalalaki ang boses upang mas mairita pa ako sa kanya, alam na alam niya talaga kung paano sisirain ang mood ko na kahit na gaano pa iyon kaganda. Humarap pa siya sa akin at bahagyang dumukwang upang siyasatin ang hitsura ko kung talagang naiinis na ba ako sa kanya. “At kailan mo naman iyon sinabi ha?” Hindi ko siya pinansin at ibinaling na lang ang aking paningin sa labas ng bintana ng eroplano na malapit ng umalis. Kitang-kita ang kumikinang na city lights ng NAIA dahil nagkataong gabi ang kinuhang flight namin nina Mommy. Hindi ko na muli pang nilingon si Kuya Timothy na patuloy pa rin ang pamemeste sa akin. “Safiera? Natameme ka. Sigurado akong wala ka namang sinasabing ganito.” Hindi ko alam kung talagang intensyon ni Kuya na asarin pa ako o sadyang nakalimutan niya lang talaga. Naiintindihan ko naman, before nagkaroon siya ng sakit. Sakit na kung minsan ay bigla na lang din siyang sinusumpong ani Mommy. “Tigilan mo ako Kuya, hindi kita papatulan at baka umiyak ka lang diyan kapag ako ang umatake sa kahinaan mo.” sambit ko na mahinang nagpatawa sa kanya. Alam niya ng hindi na ako nakikipagbiruan kapag ganun na ang aking litanya. “Safiera?” sundot niya sa aking tagiliran na hindi ko pa rin pinansin, wala akong panahong makipaglokohan sa ngayon dahil wala ako sa mood. “Hoy tabaching...” Naging maayos naman ako buong taon sa pagiging grade seven student. Medyo marami-rami ang nakakakilala sa akin nang dahil sa pagiging famous ni Kuya Timothy sa school at ng kanyang mga kaibigan. Iyong iba pa nga sa mga classmate ko ay alam kong nakikipagkaibigan lang sa akin upang kumuha ng details na patungkol sa kanila. At hindi ko naman sila ini-isnab. Wala akong plano na magkaroon ng kaaway. Isa na doon si Marydale o kung aking tawagin ay MD. Kaklase ko na siya since elementary, iyon nga lang ay hindi kami gaanong close. Ngyaon lang talaga iyon nangyaring nasa highschool na kami. Hindi lang siya kay Kuya mayroong pagtingin, maging kay Dave, kay Krux at Dens na bahagi ng grupo ng kapatid ko. Pinakyaw na niya ang lahat. Ika nga, the more the merrier. “Ako na ang magsasabi sa’yo MD, imposible na mapansin ka ng isa sa kanila.” “Ang harsh mo naman. Kaunti na lang iisipin kong ayaw mong may makatuluyan ako sa kanila.” irap nitong animo ay inapi ko nang sobra, mababanaag ang pagkadismaya sa kanyang mga mata. Sa totoo lang ay ayaw ko siyang bigyan ng pag-asa dahil alam ko kung anong klase ng babae ang tipo ng mga kaibigan ni Kuya. Ayaw nila ng mas bata sa kanila. Halos magkaka-edad sila, at nang dahil sa isang aksidente kung kaya naman napilitan silang tumigil na mag-aral. Kung tutuusin ay dapat graduate na sila ng Senior High ngayon. Hindi ko alam ang buong detalye, pero ang tanging alam ko ay nagka-aksidente noon. “Kahit hindi na ang Kuya Timothy mo, suportahan mo naman ako sa gusto ko. Akala ko ba ay magkaibigan tayo? Bakit ganyan mo ako kung e-trato, Safiera? Ibang tao ako?” “Ang OA mo naman, sinasabi ko lang na huwag mong taasan ang pag-asa mo at baka mamaya ay umiyak ka lang dahil umasang magugustuhan ng isa sa kanila. Believe me MD, napakalayo ng ugali nila sa hitsurang mayroon ang mga iyon.” “Oo na, wala pa man biglang pinapatay mo na talaga ang pag-asa ko.” Kung tutuusin ay maganda siya at papasa na sa standard ng mga kaibigan ni Kuya dahil galing din siya sa maykayang pamilya. Subalit, ayaw kong bigyan siya ng pag-asa na sa bandang huli ay alam kong iiyakan lang din naman niya dahil nabigo. Paniguradong magagalit lang ako sa barkada ni Kuya na mananakit dito. “Huwag mo nga akong kulitin Kuya Timothy,” masama ang tinging lingon ko sa kanya nang marinig ko ang kung anu-ano pa niyang pang-aasar sa akin na may kasamang patuloy na pangungublit sa aking tagiliran. Oo, sinabi ko nga noon na sa Pampanga ako palaging magbabakasyon ngunit ngayong taon ay parang hindi ko kayang harapin si Ravin. Naroon pa rin ang hiya ko dahil sa hindi ko siya nagawang ma-recognize, baka mamaya hindi niya pa iyon nakakalimutan. Alam koong OA at hindi naman gaanong big deal iyon, pero what if lang naman hindi ba? “Pasalamat ka ngang sumama ako ng Italy, baka dramahan mo na naman ako through calls kung sakaling naroon ako kagaya last year.” resbak ko na sa kanya. “Last year? Nag-drama ako? Sinabi ko lang iyon dahil halatang iiyak ka na noon. Kumbaga, inaalo lang naman kita. Iyakin ka pa naman.” “Huh! Iiyak? Ako? Never!” halukipkip kong umayos na ng upo habang masama pa rin ang tingin sa katabing kapatid, mukhang gusto talaga yata ni Kuya Timothy na mainis ako ngayon sa kanya. “Bakit ko iyon gagawin? Enjoy nga ako noon eh.” “Eh, bakit ka sumama sa amin ngayon—” “Manahimik nga kayong dalawa. Hindi na natigil iyang pag-aasaran niyo. Mamaya niyan may iiyak na lang sa inyong dalawa at may mananakit. Tama na iyan, Safiera, Timothy.” saway ni Mommy na halatang hindi na kinaya ang pakikinig lang sa mababaw at walang basehan naming patuloy na pagbabangayan doon. “Mahiya naman kayo. Iyang boses niyo ang siyang nangingibabaw. Aba naman!” Inirapan ko si Kuya Timothy na ikinatawa lang niya ng mahina. Minsan ang bait niyang kapatid, kung minsan naman ay napaka-bully at kulang ay itakwil ko na. Ganunpaman ay may mga pagkakataong hindi kami magawang mapaghiwalay. Ganun nga yata kapag magkapatid kayo na kahit na anong away ang mangyari, dumarating pa rin sa puntong bigla na lang na magkakaayos kayo ng walang imik. Ginugol namin ang buong bakasyon sa Italy sa pamamasyal ni Kuya. Nandiyan ang kaming dalawang lang ang lumalabas, hindi namin kasama si Ate Luz ngayon dahil pinagbakasyon siya nina Mommy sa probinsya kasama ng pamilya niya. Isinasama niya akong madalas sa mga lakad niya. Base sa paninitig ng ilang babae sa amin, marahil ay iniisip nilang may relasyon kaming dalawa ng aking kapatid. Ang ew, ‘di ba? Incest! Hindi ba nila nakikita ang pagkakahawig namin ni Kuya? Marami ang nagsasabing magkamukha kami, may iilan naman na ang sabi ay ang layo daw ng mukha naming dalawa ni Kuya sa bawat isa. Wala naman kaming pakialam doon. Marami ngang magkakapatid na hindi naman magkamukha ‘di ba? “Next year? Sa Pampanga tayo magbakasyon.” suhestiyon ni Kuya isang gabi habang nasa dinner kami at malapit na kaming bumalik ng Pilipinas para sa nalalapit naming pasukan. Kuryusong nilingon ko siya. Marahil ay sawa na siya sa lugar na ito. “Parang mas magandang doon naman magtambay ng ilang buwan.” “Seryoso ka Kuya, sasamahan mo ako doong magbakasyon?” “Oo, narinig ko sina Mommy at Daddy na may pagkakaabalahan next summer vacation, so mukhang tayong dalawa lang ang tutungo doon kasama si Ate Luz. Ayaw mo noon? Mas malaya tayo doon. At saka magandang magbakasyon sa probinsya. Hindi naman tayo doon mismong titira. Babakasyon lang naman eh.” “Ang dami mo ng sinabi, hindi naman ako tutol sa gusto mo. Pabor nga iyon sa akin, hindi ako mabo-bored kung sakali kagaya last year. Naroon ka, kasama ko.” Mahina lang siyang natawa. “Hilingin natin kina Lola at Lolo na dalhin tayo sa beach.” “I don’t think so na pagbibigyan nila tayo. Masyadong busy ang mga iyon, Kuya.” “Ako ang bahalang makiusap sa kanila. Minsan lang naman iyon.” Hindi nga nagkamali si Kuya Timothy. Incoming grade nine ako at incoming grade ten naman siya nang sina Mommy at Daddy na ang nagsabing magbakasyon kami ni Kuya sa Pampanga kasama namin si Ate Luz. Medyo kinakabahan man ay hindi ko iyon ipinahalata lalo na nang pagdating namin ng mansion nina Lola ay naroon ang halos lahat ng mga trabahante at kasalukuyang kumakain ng tanghalian nila. “Lola, Lolo, mamaya na po kami kakain ni Safiera.” maingat na paalam ni Kuya sa kanila matapos na maibaba ang aming mga gamit at yumakap sa kanilang dalawa, mukhang hindi sila tumatanda. Iyon pa rin ang hitsura nila ng nakaraang bakasyon. “Hindi rin naman po kami gutom dahil kumain kami sa daan patungo dito.” “O sige hijo, mukhang napagod nga kayong magkapatid sa naging biyahe patungo dito.” sang-ayon ni Lolo na tinapik pa ang likod ni Kuya Timothy, alam kong mas pinapaboran nila si Kuya sa lahat ng bagay kung kaya malakas ang loob nitong magsabi na aayain silang mag-beach. “Magpahinga na muna kayo, basta kapag nakaramdam kayo ng gutom ay bukas ang kusina. Humingi lang kayo ng pagkain.” Magkasabay kaming tumango ni Kuya Timothy sabay ngiti sa kanila ng matamis. “Opo, Lolo.” duet pa naming saad ni Kuya sa kanya bago tumalikod. Lihim na gumala ang aking mga mata sa mga trabahanteng unti-unti ng nag-aalisan dahil tapos na silang kumain at pabalik na ng taniman. Kagaya ng nakaraang bakasyon, anihan na naman iyon ng ibang mga pananim sa malawak na taniman. “Sinong hinahanap mo?” bangga ni Kuya sa aking isang balikat na hindi ko napansin na pinagmamasdan pala ang mga galaw ko habang nakasunod kay Ate Luz na patungo ng silid na aming dating inukopa noong narito ako. “May naging kaibigan ka ba dito nang hindi ko alam? Sabihin mo sa akin, Safiera, sino iyon?” Sinamaan ko na ng tingin si Kuya na may kakaibang tono ang tinig. Nagbibintang. “Masama bang magpalinga-linga? Hindi ba pwedeng na-amazed lang ako sa iba’t-ibang hitsura ng mga taong naririto?” tanong ko sa kanya na biglang natahimik. Wala akong planong sabihin sa kanya ang tungkol kay Ravin, never na mangyayari. “Masyado kang tamang hinala at mapagbintang. Para kang shunga!” Hindi ko na hinintay na makasagot siya at bigla ko na lang siyang tinalikuran. Mukhang hindi magiging maayos ang bakasyon ko dito nang dahil kay Kuya. Mali yatang natuwa akong narito siya kasama ko. Mukhang araw-araw yata ay mabubuwisit ako. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at hindi ko na pinansin pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD