“Sino iyon Safiera, boyfriend mo?” entrada agad ni Violet pagkaupo ko. Nanlalaki ang mga mata kong umiling at kulang na lang ay maibuga ang ininom kong softdrinks. Kasabay nito ay ang pagbaling sa akin ni Ravin. “Boyfriend? Nagpapatawa ka ba? Wala ako noon, saka ang bata ko pa!” Nakita ko kung paano kumurba ng makahulugang ngiti ang kanyang labi sabay lingon sa kanyang kapatid. Nakadagdag pa iyon ng pamumula ko. “Weh? Hindi nga? Huwag mo ng itanggi. Tayo-tayo lang naman dito.” Malakas na akong humagalpak ng tawa. Minsan nakakainis ang babaeng ito. Bakit niya ba iginigiit na may boyfriend ako? Hello, ang bata ko pa! “Hindi ko nga iyon boyfriend, Violet. Si MD iyon bestfriend ko.” “MD? Boyfriend mo iyon eh. Tingnan mo hindi mo mabanggit ang pangalan niya nang buo.” muli pang pang-a

