Higit kumulang na tatlumpung minutong nawala sa lamesa si Ravin bago ito bumalik. Seryoso ang mukha nito pagbalik at parang may malalim na iniisip. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung sino ang kausap niya ng ganun katagal? Kaibigan? Baka naman ka-trabaho lang? Imposible naman kung ganun iyon katagal. Ano iyon nagkwentuhan pa kayo? Maniniwala pa ako kung babae si Ravin at ka-trabaho niya ang tumawag upang may sabihin na panibagong tsismis sa kanilang opisina. Ganun kami ni Marydale eh. “Pasensiya na po kung natagalan.” anitong naupo na muli sa kanyang bangko. “Tinanong niya sa akin kung ano ang exact address ko dahil mukhang papunta siya dito.” Siya? Sinong siya? I am dying here to know, Ravin. Sabihin mo kung sino! Walang nagsalita ukol sa kanyang sinabi. Sumulyap siya sa akin. Mabil

