Matulin akong humakbang patungo sa aking bag na inilapag ko lang nang basta kanina. Nangangatal ang aking katawan dahil feeling ko lahat sila ay nakatingin na sa akin. Ilang beses kong hiniling na huwag naman sana silang maghinala na puro kasinungalingan lang ang lahat ng sinabi ko. Hindi ko kasi alam kung paano ito ipapaliwanag sa kanila. “Pasensiya na po, kailangan ko ng umalis. Pupuntahan ko si MD at mukha pong masama ang pakiramdam.” lingon ko sa kanila, hindi nga ako nagkamali. Nakasunod ang mga mata nila sa akin. Kinabahan pa ako, ano ba naman ito? Ang hirap magpanggap. Nakakapag-alala tuloy na baka isipin ni Ravin na gumagawa lang ako ng alibi. “Paano ang dami niyang nainom na alak kagabi na baka siyang dahilan nito.” wika ko pa na ang mga mata ay nasa parents na nil pero ang pinap

