Chapter 10

1999 Words
Panay ang sulyap ko sa kanilang dalawa habang nasa kainan na kami ng burger na kanilang pinag-usapan. Hindi nila ako pinansin na animo ay hindi ako nag-e-exist matapos na abutan ako ni Kuya ng aking order na pagkain. Hindi na ako nagreklamo pa at nag-inarte. Pinili ko na lang ang manahimik at makinig sa kanilang pinag-uusapan habang kumakain ako sa kanilang gilid. “Ravin, bukas ay basketball tayo.” narinig kong pag-aaya ni Kuya sa kanya. Nakaupo kaming tatlo sa upuang walang sandalan at yari sa matigas na kahoy na pahaba na nasa harap ng isang tindahan na feeling ko ay hindi naman sikat dahil walang brand. Parang normal na tindahan lamang iyon sa may kanto, simple at maliit. “Hindi pwede Timothy, schedule kong magpulak ng mga puno ng saging na may bunga sa taniman namin upang maibenta bukas. Utos iyon sa akin nina Lolo dahil kailangan na namin ang pagbibintahan.” “Then, after mong gawin iyon. Hindi ka naman maghapon magpupulak ‘di ba?” mungkahi pa ni Kuya Timothy sabay kagat ng kanyang tangang burger. “Hindi ko sigurado. Baka tumagal pa iyon hanggang bukas. Marami akong aanihing saging kahit na magkatulong kami ni Lolo.” “Ganun ba? Kailan ka ba magiging available?” Mabilis itong umiling. Nakita ko iyon sa gilid ng aking mga mata kahit na hindi nakatingin sa kanya. Muli siyang maliit na kumagat sa burger at marahan na nginuya, kapagdaka ay nilunok niya muna iyon bago siya sumagot kay Kuya. “Sasabihan kita kung kailan.” “Sige, pwede mo akong puntahan sa mansion o kaya naman ay e-text o tawagan mo na lang.” Nanahimik doon si Ravin at hindi sumagot. Tahimik na ipinagpatuloy ko ang aking pagkain. Ngayon ko lang napansin na medyo tumaas na siya kumpara noong huli kaming magkita. May iilang pimples din siya sa mukha na nakadagdag ng kanyang pagiging magandang lalake sa paningin ko. Kung iyong ibang tao ay nakakadiri na may pimples, siya naman ay hindi kahit balingkinitan. “P-Pupunta na lang ako sa inyo kapag may libre akong oras. Diyan lang naman iyong basketball court na ating pupuntahan. Malapit lang dito.” “Ibigay mo na lang ang phone number mo sa akin para mas mabilis ang ating communication. Hindi rin ito sa’yo magiging abala.” Napapiksi ako doon at saglit na lumingon sa kanilang dalawa. Napansin ko ang bahagyang kalungkutan na lumukob sa kanyang katawan sa sinabi ni Kuya. Parang nahihiya siya na hindi ko maintindihan sa unang tingin ko lang. Napansin niya ang paninitig ko sa banda niya kung kaya naman nilingon niya ako. Nang magtama ang aming mga mata ay mabilis akong napaiwas ng tingin. Hindi ko alam kung naiilang ba ako o nahihiya sa kanyang mga titig. Para akong biglang napaso sa ibinato niya sa aking paningin. “Pasensiya na Timothy, hindi pa uso sa akin iyon ngayon.” nilakipan niya iyon ng pagtawa na alam kong peke sa tunog pa lang nito, umayos siya ng upo matapos na uminom sa bote ng kanyang softdrinks. Nilingon na siya ni Kuya, bakas din sa mukha nito na hindi maintindihan ang pinupunto niya na kahit sa akin. “Ang ibig kong sabihin ay wala pa akong cellphone, Timothy.” Naging tahimik ng ilang minuto si Kuya Timothy na hindi magawang kumagat sa kanyang burger. Ang hirap din alamin kung ano ang iniisip niya. Alam ko, nababasa ko na parang may naapakan siya sa hindi niya pinag-isipang mungkahi kanina kay Ravin. “Ganun ba? Sabagay, sa ganitong klaseng lugar ay hindi mo naman kailangan ang cellphone. Isang sigaw mo lang dinig ka na. Ang ibig kong sabihin ay pwedeng-pwede mo ‘ring puntahan ang mga kaibigan mo gamit lang ang iyong mga paa. Masaya nga iyon, may effort kung kaya mas appreciated hindi ba? Hindi bale, may bike naman ako. Ako na lang ang pupunta sa bahay niyo.” Muli akong lumingon sa kanilang dalawa nang magtawanan sila. Para sa akin ay medyo bastos ang naging tugon ng aking kapatid sa kanya. O marahil ay ako lang ang nag-iisip ng mga bagay na iyon na wala namang ibang kahulugan kay Ravin? “Tama ka Timothy, simple lang ang buhay namin dito. Hindi pa kami nasasakop ng kabihasnan at wala pa gaanong improvement dito.” patol ni Ravin sa kanya kahit na alam kong medyo nasaktan siya sa sinabi ni Kuya, o ako na naman ulit ang nakakaramdam nito. “Pero iyong kapatid kong bunso may cellphone siya. Iyon nga lang ay hindi nagbakasyon ngayon dito. Busy, sabi ni Mama.” “May kapatid ka?” “Oo, sa Laguna siya nag-aaral.” “Babae o lalake?” “Babae, siguro matanda lang siya ng isa o dalawang taon diyan sa kapatid mo. Siya rin ang dahilan kung bakit pansamantalang tumigil muna ako sa pag-aaral para pagbigyan siya.” dagdag nito na nagbubukas na ng ilang detalye sa kanyang buhay. Tahimik lang kaming nakikinig ni Kuya sa kanyang kwento. Mabagal na kaming naglalakad akay ang aming mga bike. Nasa unahan ko silang dalawa. Minabuti ni Kuya iyon upang sabayan namin siya at hindi maiwan na kagaya kanina. Sa bawat paghakbang namin ay hindi ko mapigilang maantig ang puso sa pagiging responsable niyang kapatid. Siguro makaka-relate si Kuya sa kanya. Mahal na mahal niya rin ako eh, kapakanan ko ang iniisip niya bago ang lahat. At proud akong ako ang naging kapatid niya. “Pero ang sabi nina Lola, pwede na akong pumasok muli sa school next year. May trabaho na ulit si Papa kung kaya hindi ko na kailangang mag-sacrifice. Hindi na rin siya sakitin kagaya nang mga nakaraang taon. Magagapang niya na raw kami ng kapatid ko.” “Anong grade mo na?” “Grade eleven sa pasukan.” tugon nitong nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng kanyang suot na kupas na maong short, may ilang dagta pa iyon o mantsiya na hindi niya alintana. Malayong-malayo ang bihis ng aking kapatid na bakas ang karangyaan sa buhay. “Graduate na sana ako ng Senior High kung hindi lang ako tumigil ng two years. Nagtra-trabaho na sana ako ngayon sa factory.” “Wala kang planong mag-college?” Ipinilig ni Ravin ang kanyang ulo. “Wala. Hindi iyon kakayanin ng mga magulang ko. Iyon ngang Senior High ay nahihirapan na sila sa aming magkapatid.” Hindi sumagot si Kuya. Naitikom ko ang aking bibig kahit na marami akong nais na sabihin tungkol sa edukasyon. Baka mamaya ay masamain niya lang oras na sumabat pa ako sa usapan nilang dalawa. Siguro naman ay alam niya na ang bagay na sasabihin ko. “Parehas pala tayo, tumigil din ako ng two years due to car accident naman.” si Kuya na ibinalik na ang unang topic nila, “Hindi lang ako, iyong mga kaibigan ko rin na kasama ko sa sasakyan noong araw na iyon ay napilitang tumigil nang dahil sa trauma.” Alam ko ang sinasabi ni Kuya Timothy. Ilang beses na iyong napag-uusapan sa hapagkainan namin. Hindi ko rin kinaiinggitan ang trato nina Mom at Dad sa kanya dahil muntik na siyang mamatay noon. Kasama niya sina Krux, Dave at Dens which is mga kaibigan niya since elementary days pa lang sila. Ang malabong natatandaan ko lang noon ay kinailangan naming magtungo ng Italy to his fast recovery. Nag-homeschool din kami doon, na okay lang naman as long as magiging okay ang aking kapatid. Buti nga okay na siya ngayon kahit na kung minsan ay naririnig ko ang tahimik niyang pag-iyak sa loob ng kanyang silid. “Ah, mabuti at naging okay ka na? Hindi biro iyon. Nakaka-trauma.” Nagkibit-balikat lang doon ng kanyang balikat si Kuya. Ganun naman parati ang reaction niya tuwing napag-uusapan ang madilim na bahaging iyon ng buhay niya. Mas lalo kong itinikom ang aking bibig. Nakikita kong bigla na namang naging malungkot ang mukha ni Kuya. At basang-basa ko na iyon. Magmula ng araw na iyon ng aming paglabas ay hindi na nila ako sinasama kung saan ang lakad nila. Nakikita ko na lang na umaalis si Kuya ng mansion, at kapag tinanong ko naman kung saan ang punta ay iisa lang ang sagot sa akin ng mga kasambahay. Patungo ito sa bahay ng kaibigan niya. “Kuya, bakit hindi mo na ako isinasama? Para tuloy ako lang na naman ang mag-isang nagbakasyon dito. Busy ka masyado sa bagong kaibigan mo ah?” hindi ko na napigilang isatinig habang kumakain kami ng hapunan, may himig ng pagtatampo na. “Nakaka-boring ang manatili lang dito sa loob ng mansion. Isama mo naman ako kung minsan sa pinupuntahan mo.” “Nagba-basketball lang naman ako Safiera, bakit ka pa sasama?” “Tuwing hapon iyon?” “Oo, anong masama doon? Hilig ko naman iyon.” “Isama mo ako. Gusto kong manood.” “Huwag na, mabo-boring ka lang lalo dahil dalawa lang naman kaming naglalaro.” Noong una ay hindi ko iyon makuha, ngunit kinabukasan nang isama niya ako ay nalaman ko ang kanyang nais na ipahiwatig sa akin. Tama. Dalawa lang silang naglalaro. Siya lang at si Ravin, sa sariling bakuran ng mga ito gamit ang improvised na basketball ring. Ganun na lang ang halakhak ko ng ipaliwanag iyon ni Kuya. Hindi ganun ang pagkakakilala ko sa kanya. Socialite siya at nais na nagpapakitang gilas sa mga nanonood at kalaro niya, pero si Ravin lang ang nagpagawa nito sa kanya ngayon. Siguro ay ganun na lang ang pagnanais niyang kaibigan ito. “Hindi rin kasi siya papayagan ng kanyang Lolo at Lola kaya naman dito na lang.” napailing na ako, mukhang naging malapit na nga sa kanya si Kuya. Aba, dinaig pa ang effort nito kumpara sa mga kaibigan niya sa City. “Okay,” tipid kong tugon kahit na sangkatutak ang aking katanungan at mga nais sabihin, pinili ko na lang ang tapusin ang aming usapan. Mula noon ay sumasama na ako ulit sa kanya. Lulan ng bike ay magtutungo kami sa tahanan nina Ravin pagpatak ng 4:30 ng hapon upang makipaglaro si Kuya. Ako ang nag-iisang audience nila, tagapalakpak kada makaka-shoot ang isa sa kanila. Hindi ako bias. Pareho ko silang sinusuportahan. Nakiki-merienda ako ng nilagang saging, mais o kung hindi naman ay kamote na inihahain ng kanyang Lola. Payak ang pamumuhay kumpara sa masasarap naming merienda sa hapon, pero walang arte ko iyong kinakain. Ni hindi ako naghahanap ng malamig na tubig o kung hindi naman ay softdrinks. Kung minsan ay bumibili kami ni Kuya ng pang-merienda sa sentro at dinadala. Minsan lang iyon. Napag-usapan namin ni Kuya na baka masamain iyon ng pamilya ni Ravin kung kaya hindi na ito naulit pa. “Babakasyon ulit kami dito next year!” bulalas ni Kuya habang pasalampak na nakaupo sa damuhan, nakatukod ang kanyang dalawang braso sa tagiliran. Sa kanyang tabi ay naroon si Ravin, nakaupo rin. “Gagawin natin ito ulit.” Huling araw ng bakasyon namin at babalik na kami ng City. Sa halip na maglaro sila ay dinala kami dito ni Ravin. Ngayon lang namin ni Kuya nalaman na may ganitong klase pala ng lugar na nag-e-exist. Mataas ito kung kaya naman tanaw namin ang ibabang bahagi ng sentro ng kanilang baranggay kung saan kita namin ang mga tao doon na kawangis ng langgam sa layo. Halos isang dipa ang layo ko sa kanila, nakaupo sa gilid ng bike ko. Nakalagay sa aming pagitan ang plastic ng mga junk foods na aming binili at ang plastic bottle ng mga softdrinks na unti-unti ng natatanggal ang lamig. “Sige, hihintayin ko kayo next vacation.” Hindi ko alam kung ako lang pero hindi ko mapigilang masiyahan nang gamitin niya ang kayo at hindi ikaw. Ibig sabihin kasama ako sa hihintayin niya at ini-expect na magbabakasyon sa lugar na ito. Hindi man kami sobrang close na kagaya ng relasyon niya kay Kuya, alam kong kaibigan siya. Hindi na rin kami nagtagal ng hapong iyon dahil kinakailangan pa naming mag-impake ng mga dadalhin namin ni Kuya paalis at pabalik ng kabihasnan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD