Tila naging blessing in disguise ang hindi pagsama ni Kuya Timothy sa bakasyong ito dahil mas nagkaroon kami ng pagkakataong maging close ni Ravin. Madalas kaming mag-bike na dalawa na hindi naman tinutulan nina Lola, anila pa ay para hindi ako mainip kung kaya naman sila na mismo ang nakiusap kay Ravin na samahan ako tuwing hapon mamasyal. Wala namang naging malisya iyon. Bukod sa maaga rin siyang pinapauwi galing taniman matapos ng graduation niya ay buo pa rin naman ang bayad nila sa kanya. Hindi naman iyon tinutulan ni Ravin at wala ni bakas ng napipilitan lang siya sa ginagawa. Ipinagamit din nila Lolo ang bike ni Kuya Timothy sa kanya. “Basta huwag kayong lalayo at alalayan mo iyang apo namin, Ravin. Tiyakin at siguraduhin mong hindi iyan mapapahamak, hijo habang namamasyal kayo.” p

