Days continue to passed kahit na hindi ko iyon hintaying dumaan. Sa sobrang bilis noon ay parang nagmamadali itong lumipas. Naging sweet pa sa akin si Ravin sa mga text at mga tawag na ikinataba pa ng aking puso. Pinatibay pa noon at pinatatag ang musmos naming pagmamahalan. Sa aming perspective sa buhay ng mga sandaling iyon ay walang sinuman ang sa amin ay makakapagpahiwalay. Nang mga sumunod na Linggo ay hindi namin magawang mag-date dahil sa mga ganap sa aming pamilya. Last time ay may birthday party kaming pinuntahan. And the following weekend, may reunion na naganap sa mga kaibigan nina Mommy at kailangan naming sumama ni Kuya Timothy. Gusto ko sanang magpaiwan, pero alam kong hindi rin naman ako papayagan. Minabuti ko na lang na patuloy na sumabay sa daloy ng oras. Nagpatangay ako s

