Chapter 8

1917 Words
“Safiera, bilisan mo! Para ka na namang langgam diyan sa likuran. Nasa prusisyon ka ba?” nanunuot ang tinig niya kahit na may kalayuan ito sa akin. Ilang segundo kong ipinikit ang aking mga mata, halatang nauubos na ang pasensiya ko sa kanya. Isa pa talaga at paniguradong papatulan ko na ito. Minabuti ko na lang na huwag na siyang pansinin. Pihadong masisira lang ang araw ko kapag ginawa ko ito. Ang mabuti pa ay ibaling ko na lang sa ibang bagay ang aking atensyon. Kung siraulo lang ako ay kanina ko pa pinatulan ang panghahamon niya sa aking magkarera kuno kaming dalawa. Hindi ko na lang pinapatulan dahil bukod sa makipot ng daan na aming tinatahak dito sa tumana patungo ng taniman ng mga mangga ay baka magkaroon pa ng disgrasya. Pinapalampas ko na lang sa kabilang tainga ang aking mga naririnig na mga pasaring niya. Ewan ko ba, lately bigla na lang siyang naging bully. Hindi naman siya dating ganito sa akin. Pinilit ko ang sariling mawalan ng pakialam sa kung anong mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Wala akong panahon na intindihin iyon at namnamin ko rin. “Mauna ka na kasi! Madaling-madali ka diyan.” kunot na ang noong turan ko sa kanya, napipikon na sa kaingayan niya. Hindi ko na mapigilan na ipakita ang sungay ko sa kanya. Hindi an siya nakakatuwa. Napapalingon na sa amin ang mga trabahante sa bukid nang dahil sa lakas ng tinig niya. Takaw atensyon talaga siya kahit kailan. Para tuloy kaming mga kabuteng sumulpot kung pagtinginan ng mga tao. Malamang, hindi nila kami kilala sa lugar. Hindi naman kami madalas na magbakasyon dito, may nakakakilala sa amin kung magpapakilala kami. “Susunod na lang ako. Alam ko naman kung saan ang daan patungo ng mangga’han. Doon mo na ako hintayin Kuya Timothy.” Hindi ko alam kung nanandya ba siyang ubusin ang pasensiya ko o sinusubok kung hanggang saan ako tatagal. Sa halip na magpatuloy sa pagtitipa ng kanyang bisiklita ay tumigil pa talaga siya. Kampanteng bumaba doon at biglang humalukipkip habang ang mga mata ay nasa akin pa ‘ring banda. Napaikot na naman ang aking mga mata sa kawalan. Kapag talaga nakalapit ako sa kanya, babaltukan ko siya sa ulo. Prini-pressure niya pa ako eh, alam niya namang ang pangit ng daan kaya malamang ay dahan-dahan lang ako. Hindi ko itataya ang magandang kutis ko. Tiyak magagalusan ako ng malala kapag sumimplang. Sino ba ang masasaktan? Ako. Ako rin ang magdurusa. “Hihintayin na kita, baka mamaya ay biglang masimplang ka. Kawawa ka naman dahil walang tutulong sa’yo.” Dumilim na ang paningin ko sa kanya. Pakiramdam ko ay pinapanalangin niya talagang sumimplang ako para pagtawanan niya nang malala at maasar. Hay naku, Kuya Timothy makarating lang talaga ako diyan sa puwesto mo lagot ka sa akin! Sasakalin kita hanggang sa magmakaawa ka na sa akin. “Nang-aasar ka ba talaga ha?!” hiyaw kong binilisan na ang pagtipa sa aking bisikleta, badtrip na badtrip na talaga ako sa kanya. Kung alam ko lang na hindi pa rin siya titigil, hindi na lang sana ako nagpasyang sumama sa kanya! Nakita ko kung ilang segundo siyang naalarma sa aking ginawa, paano ba naman ay kung kanina ay mabagal lang ako at puno ng pag-iingat ngayon ay hindi. Gustong-gusto ko ng makarating sa kinaroroonan niya para batukan siya. Ilang sandali pa ay nakita ko kung paano siya ngumisi habang nakatingin pa rin sa akin na papalapit na nang papalapit sa banda niya. Sa tantiya ko ay dalawang dipa na lang ang layo namin sa bawat isa. Nakasuot ako ng maong short, black spaghetti strap na pinatungan ko ng white cardigan, baseball cap at rubber shoes na ginagamit pang-hike. Nakasakbat sa aking tagiliran ang sling bag kung saan nakalagay ang bote ng baunang tubig. Pinilit ako pabaunan ni Ate Luz kanina, aniya kailangan kong uminom ng tubig pagkarating ko sa manggahan upang mapalitan ang tagaktak ng pawis. At dahil nasa harapan namin ang aking grandparents, hindi ako nagreklamo. “Hoy Safiera, aba naman dahan-dahan lang! Kapag natumba ka, tingnan mo paniguradong mahuhulog ka sa kabila ng tumana. May bangin pa naman diyan kaya tiyak na gugulong ka!” sa tono ng pananalita niya ay alam kong hindi niya lang ako basta tinatakot, totoong nag-aalala siya sa ginagawa ko. Hindi ko siya pinansin. Anong tingin niya sa akin? Lampa? Hindi marunong? Magaling yata akong mag-biseklita kahit malubak ang daan, deretso lamang. “Safiera! Ano ba? Slow down ka lang!” At dahil nais ko pa siyang asarin kung kaya naman mas binilisan ko ang pagtipa doon. Siguradong siya ang pagagalitan nina Lolo at Lola oras na may nangyari sa aking hindi maganda. Pagagalitan siya kasi pinabayaan niya ako. At ang isipin pa lang iyon ay nakikinita ko na kung paano ang hitsura niya. I am going to pissed him off. Tingnan natin kung sino ang tunay na boss, Kuya. “Hoy sabi kong—” Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin ay nawalan na ako ng balanse. At natagpuan ko na lang ang aking sarili na gumugulong pababa ng bangin na kanyang sinasabi sa kabila ng tumanang daan na aming tinatahak kanina. Binalot ng kakaibang takot ang aking katawan. Takot na baka mabagok ang aking ulo at paggising ko ay bigla na lang wala na akong maalala kung sino ako o kahit na katiting na bahagi ng pagkatao ko. Damn, Safi! Ang tigas kasi ng ulo mo. Pagdusahan mo iyan! Kasalanan mo iyan. Huwag kang iiyak! “Kuya Timothy!” Bumaligtad na ang imahe niya sa aking paningin na hindi ko magawang ipikit kahit na takot na takot na ako ng mga sandaling iyon. Kitang-kita ko kung paano niya ako hinabol pero hindi niya pa rin nagawang maabutan sa bilis ng mga pangyayari. Nasa kalahati pa lang siya ng daan patungo sa akin nang pabalagbag ng bumulagta ang aking katawan sa puno ng saging na kulang na lang ay matumba sa lakas ng impact ng katawan ko dito. Abot-abot na ang aking kaba. Takot na takot ako ng mga sandaling iyon na kulang na lang ay panawan ng ulirat. Maya-maya nang kumalma ay malakas na akong pumalahaw ng iyak. Hindi magawang igalaw ang katawan kahit na alam ko namang hindi ako nabalian. Ni hindi ko nga naramdaman na nagkaroon ako ng galos. Ilang segundo pa akong namanhid at natulala. Lumakas pa ang aking mga hikbi. Ipinikit ko ang aking mga mata habang patuloy na umiiyak habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ni Kuya Timothy na hindi ko na alam kung nasaan sa layo ng ginulungan ko. It’s humiliating! Bakit kasi hindi ako nakinig sa kanyang sinasabi kanina? Paniguradong matagal ni Kuya Timothy makakalimutan ang pangyayaring ito. At palagi niyang ipapaalala sa akin ang pagiging lampa ko ngayon dito. Lumakas pa ang iyak ko doon. Nagpatong-patong na ang narraamdaman ko. “Hey, ayos ka lang—” Mabilis akong bumangon habang ngumangawa pa rin nang marinig ang tinig na iyon at maramdaman ang paghawak niya sa aking braso upang alalayan ako. At dahil hilam sa luha ang aking mga mata ay hindi na ako nag-abala pang tingnan ang kanyang mukha. Walang pagdadalawang-isip na niyakap ko na siya habang malakas pa rin akong pumapalahaw ng iyak na alam kong binubulabog na ang katahimikan ng buong paligid. Wala akong pakialam! “Kuya Timothy, ang hapdi ng mga balat ko. Paniguradong marami akong galos. Malalagot ako kay Mommy, tiyak na papagalitan niya si Ate Luz!” Hindi siya sumagot na marahang hinagod na lang ang aking likod at ginantihan ako ng yakap doon. Bagay na nakakapanibago dahil hindi naman siya ganun. Paniguradong bubulyawan niya ako, sisisihin at saka tatakutin. Binuksan ko ang aking mga mata at ganun na lang ang pagtataka ko nang parang pumayat ang katawan ng aking kapatid. Amoy araw na rin siya agad. “Who are you? Bitawan mo nga ang kapatid ko!” Bago pa ako makapagsalita ay narinig ko ang boses ng aking kapatid sabay hila niya sa kung sinong nilalang na hindi namin kilala na nakayakap sa akin. “Sandali, hindi ako ang unang yumakap kung hindi siya.” depensa ng lalake. “Wala akong panahong makinig sa palusot mo. Sinasamantala mo talaga ang kahinaan ng kapatid ko at pagiging iyakin niya. Sino ka ba sa akala mo ha?!” Hindi na sumagot ang lalake na pinulot ang sumbrero niyang nahulog upang muling isuot. Hinarap na ako ni Kuya at mahigpit na niyakap sa bisig niya. “Sinabi ko na sa’yong mag-iingat ka eh, tingnan mo ang resulta ng katigasan ng ulo mo.” paninisi niya sa akin na sinimulan ng tanggalin ang mga duming kumapit sa aking buhok at suot na damit, kitang-kita ko ang awang nasa mga mata niya habang nakatingin sa akin. “Huwag na tayong tumuloy. Umuwi na tayo at gamutin natin iyang mga galos at sugat mo. Natanggal rin ang gulong ng bike mo. Ano pa ngayong gagamitin mo? Halika, tutulungan na kita.” Habang iika-ikang humahakbang doon akay ni Kuya Timothy ay nilingon ko ang lalakeng yumakap sa akin kanina. Pamilyar ang tindig ng katawan niya. “Bakit tinitingnan mo pa iyon? Kilala mo ba iyon?” Wala sa sarili akong tumango. Napagtanto ko iyon sa suot niyang maong na kupas na may iilang punit at sa botang kanyang suot. Hindi ako maaaring magkamali. Si Ravin iyon. Ang lalakeng naghatid sa akin noon sa mansion. “Paano mo iyon nakilala? Huwag kang magsinungaling sa akin dahil lang feeling mo may utang na loob ka sa kanya. Tanggalin mo ang awa sa puso.” Nilingon ko na siya gamit ang naiinis ko ng mga mata. “Kasalanan mo ito. Kung hindi mo ako inasar, hindi ko naman bibilisan.” Pagak lang siyang tumawa. Halatang guilty sa mga nangyari sa akin ngayon. Malamang. Siya naman talaga ang puno at dulo ng aksidenteng nangyari. “Sorry na. Hindi ko na uulitin.” “Dapat lang dahil kapag inulit mo pang ipinahamak ako, magsusumbong na talaga ako kay Mommy at Daddy. Hindi ko na ito palalagpasin pa. Gets mo?” Mahina na kaming nagkatawanan nang dahil doon. Hindi na kami nagtaka pa ni Kuya nang pagdating namin ng mansion ay magkagulo sila nang makita kami. Paano, marami pala akong natamong galos at hindi ko lang napansin. May ilang bangas pa ako sa baba ko at bandang noo. Idagdag pa na may sprained ang aking kaliwang paa at kailangang dalhin nila ako sa hospital. “Mommy, ang layo po talaga nito sa bituka. Huwag na kayong mag-alala sa akin ni Daddy at saka inaalagaan naman po akong mabuti ni Kuya Timothy.” Ilang beses ko na iyong ipinaliwanag sa kanila. Hindi rin pala natiis ng aking kapatid na ilihim sa kanila ang lahat. Siya na ang kusang nagsabi sa kanila. Pinipilit na kami ni Mommy na bumalik na ng Manila at tapusin na ang bakasyon. Bagay na ayaw ko namang pumayag. Hindi pa kaya ako nakakapagpasalamat kay Ravin. At saka, hindi pa na-e-enjoy dito ni Kuya. “Pilay ka raw, iyon ang sabi ng Kuya mo.” “Mom, iika-ika lang. Grabe naman kung makapilay si Kuya, wala naman akong gamit na saklay.” tugon kong nagawa pang magbiro sa kanila ni Dad. “Tama na ang dahilan mo Safiera, basta bukas na bukas din ay kailangan niyong lumuwas ng Kuya mo. Kung hindi niyo iyon susundin, hinding-hindi na namin kayo papayagan na magbakasyon diyan. Naiintindihan niyo ba?” si Daddy na halatang pang-finale na ang desisyon ay mahirap na itong baliin pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD