Panaka-naka ang naging sulyap ko kay Ravin habang nakaupo sa dining table sa kusina ng kanyang unit paharap sa kanya. Abalang gumagawa siya ng kape sa counter at pinapanood ko iyon. Metikuloso ang bawat galaw niya na animo ang pagbibigyan niya nito ay napakaimportanteng tao at dapat na maging perpekto ang lasa. Pinanindigan niya ang alok niya sa akin kahit pa tinanggihan ko iyon ay sinabi kong huwag na at baka hindi na naman ako makatulog ng dahil sa dami ng caffiene na pumasok sa katawan ngayong araw. “Huwag kang mag-alala, may sekretong method ako upang makatulog ka ng mahimbing.” saad niyang agad ikinakunot ng aking noo, ano na naman kayang kalokohan ang sasabihin o gagawin nito para paniwalain ako? Kumindat pa ito na ikinakibot ng aking bibig. Ang naughty ha! Hindi ko na napigilan pa

