Nang gabing iyon ay hindi na naman namin nagawang matulog nang mahimbing. Buong magdamag ay magka-text kami. Pinupunan ang mga oras na sa amin ay nawala. Kung anu-ano na lang ang napag-usapan namin. Kagaya noong gabi na sinagot ko siya ang pakiramdam, ang tagal na nito pero hindi ko pa magawang kalimutan ang galaw ng mga insekto sa loob ng aking kalamnan. Ilang beses kong pinasadahan ng mga daliri ang labi, kilig na kilig pa rin sa mga nangyari. “Hindi pa rin ako makapaniwala na okay na ulit tayo, Ravin. Alam mo iyon, parang isang panaginip lang ang lahat ng nangyayari.” Yakap ko ang isang braso niya at nakahilig ako sa kanyang isang balikat. Pabalik na kami ngayon ng city. Siya ang may hawak ng manibela ng aking sasakyan. Nalaman ko na nag-commute lang siya pauwi ng Pampanga dahil sa pa

