Chapter 53

2596 Words

Wala ng nagsalita sa aming dalawa na ang mga mata ay nakatutok na sa palubog na araw. Parang isang magandang panaginip lang ang nagaganap. Napakaimposible. Magkasama kaming pinapagmasdan ang paglubog ng araw sa lugar na ito. Ang huli na natatandaan ko ay noong fiesta pa dito. Ilang beses ko siyang sinilip sa gilid ng aking mga mata, hinihintay na magsalita siya o kahit humingi man lang ng kapatawaran. Subalit, mukhang wala naman siyang plano. “Saan ka pupunta?” Masama ko siyang tiningnan. Tumayo na ako noon at pinagpag ang puwetan. Ang plastic ng kalat ko ay dinampot ko na rin. “Uuwi na. Alangan namang sumabay ako sa'yo ay hindi naman tayo dito sabay na pumunta.” pilosopo kong sagot sa kanya. Humakbang na ako palapit sa aking bike. Akmang sasakay na nang magulat akong nakadipa siya s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD