bc

Clifford Han: The Possessive CEO

book_age18+
351
FOLLOW
4.0K
READ
HE
fated
second chance
boss
mafia
heir/heiress
bxg
office/work place
lies
like
intro-logo
Blurb

"I'm so angry right now, seeing you smiling and flirting with other man makes my blood boil. If anyone thinks they can touch you, I'll kill him. You don't get it, do you? You were mine. You always were...."

Matapos iligtas ni Katrina ang isang misteryosong lalaki sa isang aksidente na nagpawala sa alaala nito, aksidente din niyang naibigay ang sarili dito. That hot night with him made her fall in love with the man, the very first man who made her heart beat so fast.

At kahit pa walang maalala ang lalaki sa nakaraan nito, nagawa pa rin niyang ipagkatiwala ang puso dito, sinuklian naman ng lalaki iyon subalit isang araw ay bigla na lamang itong nawala at kasabay ng pagkawala nito sa buhay niya ay nawala din ang mga ebidensyang nakalap niya sa taong pumatay sa lolo niya.

Nag uumpisa nang bumangon si Katrina subalit saka naman muling nagkrus ang landas nila ng lalaki, ano ang mangyayari kapag nalaman niya ang tunay na pagkakakilanlan ng lalaking mahal niya? Magiging hadlang ba ito sa kanyang paghahanap ng katarungan, o magiging daan ito sa tunay na pag ibig?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Ah, kainis! Umuulan na naman?!" yamot na usal ni Katrina habang patakbong tinungo ang sasakyang nakaparada sa madilim na bahagi ng lugar na iyon. Maingat na ipinatong niya sa passenger seat ang itim na sling bag, naroon ang mahahalagang gamit niya, hindi iyon maaaring mabasa ng ulan. Tinanggal niya ang suot na sombrero at jacket pagkuwan ay inihagis sa likod na bahagi ng sasakyan. Nakuyom niya ang mga palad habang nakatingin sa mataas na pader na iyon. "Unti-unti ko ding makukuha ang mga ebidensya," bulong niya. Kung hindi lang dahil sa biglaang pag ulan, mas marami pa sana siyang makukuhang importanteng litrato pero babalik ulit siya doon para makakuha ng sapat na ebidensya. Bubuhayin pa lang sana niya ang makina nang makarinig nang sunod-sunod na pagharurot ng sasakyan. "Kailan pa nagkaroon ng drug race sa liblib na lugar na ito?" nagtatakang tanong sa sarili. Nakaramdam siya ng inis at napailing. "That brat kids! Gabing gabi na, nang iistorbo pa ng mga natutulog," inis na bulong niya at in-start na ang sasakyan. Liblib ang lugar na iyon pero maraming mayayaman doon, naglalakihan ang mga mansiyon at hacienda ng mga ito. Natitiyak niya na mga pasaway na anak ng mayayamang nakatira doon ang sakay ng mga humaharurot na sasakyan na kadadaan lamang. Tinurn on niya ang mp3 at mabilis na pumailanlang ang upbeat songs, kalahating oras din ang biyahe niya pauwi sa kanyang tinutuluyan kaya kailangan niyang malibang sa pamamagitan ng pakikinig ng musika. Habang nagmamaneho at palayo siya ng palayo ay padilim naman ng padilim ang daan, tanging ilaw lamang ng kanyang sasakyan ang makikita. Mapuno na at masukal ang magkabilang bahagi ng daan, kung tutuusin ay nakakatakot ang lugar subalit dahil doon siya lumaki ay sanay na siya. Hindi siya naniniwala sa mga kuwentong may aswang o maligno roon, mas naniniwala pa siya sa mga taong halang ang kaluluwa na pumapatay ng mga tao, ilang beses na kasing may sunod-sunod na bangkay na nakikita sa kung saan-saang bahagi sa masukal na daang iyon. Malamang, sinalvage o tinorture ng kung sinong mga maiitim ang budhi at doon itinatapon. Katulad na lamang noong nakaraang buwan nabalitaan niyang may narekober na bangkay ng lalaki na may tama na nga ng bala sa ulo, sinunog pa ang katawan, tuloy hanggang ngayon ay hindi pa ito nakikilala. Naawa nga siya dahil hindi man lang nabigyan ng maayos na burol ang lalaki, samantalang hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang may kagagawan. "Diyos na lang ang bahala sa mga kaluluwa nila," bulong pa niya. Saglit na naagaw ang atensyon niya nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone niya. Kinuha niya iyon sa kanyang bulsa, nang makita ang caller ay kaagad niyang pinindot ang call button upang sagutin. "Oh, napatawag ka, ate Rosie?" tanong niya sa kausap. "Kumusta si lola?" tanong pa ulit niya. "Maayos naman ang lagay ni lola Minda, tumawag ako kasi gusto ka niyang makausap," anito. Narinig niya ang pagpasa nito ng cellphone. "Hello Rina, apo?" garalgal na tinig ng kanyang lola. Halatang may dinaramdam. Nangilid ang kanyang mga luha niya. "Lola, kumusta ho kayo? Maayos po ba kayong inaalagaan ng mga nurse at doktor ninyo?" tanong niya pigil ang damdamin. "Oo apo, mababait silang lahat," sagot nito. Nagkuwento pa ito kung paano ito tratuhin ng mga doktor sa ospital kung saan ito nakaconfine, ilang buwan na. Napabuntong hininga siya. "Magpagaling ho kayo lola para makauwi na kayo at maalagaan ninyo sina Pute at Itim," pilit na pinasaya ang tinig, mga alagang pusa nito ang tinutukoy niya. Narinig niya ang pag ungol nito. "Rina, gusto ko ay apo, apong maaalagaan," anito. Napailing siya. Tiyak na kukulitin na naman siya nitong mag asawa. "Kailan mo ba kasi ipapakilala sa akin ang nobyo mo?" tanong nito. Nakagat niya ang ibabang labi. "Ah, malapit na lola, basta magpagaling kayo," sagot niya. "Talaga? May nobyo ka na?" "Ah, eh opo lola, ipapakilala ko siya sa inyo basta ipangako ninyong magpapagaling kayo at uuwi na sa bahay natin," aniya. "Oo Rina, magpapagaling ako, pangako!" tila excited na saad ng kanyang lola. Nagbuntong hininga siyang muli nang ibalik sa bulsa ang cellphone. Kinailangan niyang magsinungaling sa kanyang lola upang sumigla ito. Ang totoo kasi ay wala pa talaga siyang nobyo, hindi pa dumadating ang lalaking magpapatibok ng puso niya. At isa pa, wala siyang panahon sa pakikipagrelasyon dahil abala pa siya sa kanyang misyon. Kinuha niya ang silver necklace na may dog tag sa maliit na bulsa ng kanyang bag, saglit iyong tinitigan bago mahigpit na kinuyom ang palad. "Lolo, tutuparin ko ang pangako ko sa'yo," bulong niya bago ibinulsa ang bracelet. Muli niyang itinuon ang atensyon sa pagmamaneho, maya-maya ay napapreno siya bigla nang may mahagip ang mga mata niya. Dahan-dahan niyang iniatras ang sasakyan at itinapat ang head light sa gilid ng bangin. Ganon na lamang ang pagkagimbal niya nang makita ang isang magarang sasakyan, malaki ang pagkasira sa harap niyon at nag uumpisa nang magliyab ang likurang bahagi. Bumaba siya upang tiyakin kung may tao ba sa loob niyon. Base sa nakikita niyang pagkasira sa sasakyan at sa bakas ng gulong sa maputik na daan, mukhang bumangga ito sa malaking puno at nagpaikot ikot hanggang mapunta sa gilid ng bangin. Nagdalawang isip pa siyang bumaba ng sasakyan dahil malakas ang ulan, ayaw pa naman niya kapag umuulan ng ganon pero ewan niya kung bakit mas nangibabaw sa kanya ang tumulong sa iba. Tumakbo na siya patungo sa nagliliyab na sasakyan, sinilip niya ang basag na salamin sa driver's side. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may taong nakasubsob sa manibela at walang malay. Wala na siyang inaksayang oras, kung babagal-bagal pa siya, tiyak na masusunog na ang sasakyang iyon at kasamang matutupok ang tao sa loob. Binuksan niya ang pinto ng driver's side, tinanggal ang seat belt ng lalaki, kahit mabigat ay pinilit niyang alisin ito sa loob. Nang sa wakas ay mahila niya ang lalaki at maisakay sa kanyang sasakyan ay nakita niya ang pag guho ng lupa marahil dahil na rin sa malakas na ulan, mabilis na nahulog ang nasusunog na sasakyan sa malalim na bangin. Shit! Kung hindi ko siya nailigtas malamang kasama siyang masusunog at mahuhulog sa bangin. Sinulyapan niya ang walang malay na lalaki, duguan ang ulo nito. Doon niya napansin na hindi teenagers ang naghahagaran ng sasakyan kanina. The man, likely in his mid-to-late thirties. His tailored coat and tie suggested a high-powered professional, perhaps a company president. Who are you? Napahawak siya sa bibig nang maisip na baka masasamang tao ang sakay ng mga humahagad na mga sasakyan dito kanina, balak na patayin talaga ang lalaking ito. "Mabuti na lang at nailigtas kita sa tamang oras, kung hindi isa ka sa mga bangkay na hindi mabibigyan ng hustisya," aniya. Pinatakbo na niya ang sasakyan at pinagpatuloy ang pagmamaneho.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.4K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.5K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.0K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook